Kwin's P.O.V
Maayos naman ang naging usapan namin ni Zant kahapon. I was wondering kung ganon din ba ang nangyari sa usapan nila Devil at Eury. Pero sa tingin ko ay hindi dahil kilala ko ang impaktang yon. Kulang na lang ay maghubad yon sa harap ng asawa ko para mapansin sya. Hindi ko naman na naitanong kay Devil dahil maaga akong nakatulog kagabi. Hindi ko na sya nahintay kasi pakiramdam ko'y pagod na pagod ako kahit wala naman akong masyadong ginagawa.Ngayon naman ay wala ng Devil sa tabi ko. Ni hindi ko nga alam kung umuwi ba sya o hindi eh. Baka naman may pinagkakaabalahan lang sila nila Nickel at iba pang pinsan nya.
Tumayo na ako sa kama at nakaramdam ako ng pag-ikot ng paningin ko. Napahawak ako sa may headboard bilang suporta dahil sa biglaang pagkahilo.
"Ahh! Nabigla lang siguro sa pagtayo." Hindi ko na masyadong pinagtuunan ng pansin ang pagkahilo ko at nag-ayos na ng sarili.
Hindi na nga rin pala ako pumapasok sa school dahil ang sabi ni Devil, graduate na raw ako at magtatrabaho na dapat pero hindi nya ako pinayagan. Masyado kasi syang protective sakin kaya kahit pagtatrabaho ay pinagbabawalan nya ako.
Nang matapos akong maligo ay naisipan kong mag-mall para makapamili ng mga pagkain para dito sa bahay. Kumokonti na kasi ang stocks namin eh. Tumatakaw kasi ako lately, hindi ko alam kung bakit.
I rode a taxi papunta sa pinakamalapit na mall dito para hindi hassle sa pag-uwi ko. Wala naman akong kasama para makatulong ko sa pagbubuhat ng bibilhin ko.
Pagkababa sa taxi ay nagbayad ako kay manong at agad na nagderecho sa entrance ng mall.
Pumunta ako sa may supermarket at kumuha ng basket para sa mga bibilhin ko. Hindi naman gaanong karami kaya basket lang ang kinuha ko.
Una akong pumunta sa may mga tinapay at chichirya. Kumuha ako ng mga paborito kong pagkain na puro may cheese. Sunod na pinuntahan ko ay yung sa may frozen meat section. Bibili lang ako ng karne para sa iuulam namin ni Devil mamayang tanghalian. Nang matapos ay gumawi ako sa may dairy products at kumuha ng gatas para iinumin ko.
I was about to leave ng may makita akong pamilyar na likod ng lalaki.
"You should drink milk, Eury. Mas makakabuti sa baby natin yon." Eury? Baby?
"Sige na nga baby Devaughn. Masusunod." Nakangiting sabi ng hitad na babaeng kung makakapit sa braso ng asawa ko ay parang linta. Baby? Sila? May baby sila? What the hell?!
"Kailangan mo rin ng mga gulay at prutas. Mamaya pag-uwi sa condo mo, ipagluluto kita ng pagkaing masustansya, hindi yung puro sa hotel ka kumakain, you need to eat home made foods. Okay?" Kung titignan silang dalawa ay parang napakaperfect. Isang lalaking gwapo at isang babaeng maganda. Bagay na bagay silang dalawa. At ngayon, magkakaanak pa sila. Pano na ako? Ako yung asawa diba? Bakit parang ako pa yung hadlang sa relasyon nilang dalawa? Bakit ganon?
Hindi ko na tinuloy ang pakikinig ko at dumerecho sa counter para mabayaran ang mga pinamili ko. Wala sa sariling nagbayad ako sa cashier at wala rin sa sariling pumara ako ng taxi. Ni hindi ko nga alam kung paano ako nakauwi ng ligtas. Mabuti na lang at mabait yung driver na nasakyan ko. Kung sa iba iba yon ay siguradong napagsamantalahan na ang pagiging wala ko sa wisyo.
Bumalik sa akin ang nakita ko kanina. Kung paano nya alagaan si Eury pati na ang magiging anak nila. Yun ba yung sinasabi ni Eury na unfinished business nilang dalawa? So para san pa ako dito? Ako yung extra na nagpupumilit maging bida sa kwento nilang dalawa?
Hindi ko alam kung pano ko naiayos ang mga pinamili ko pero isa lang ang sigurado ko, hindi ako nakapagluto ng para sa tanghalian dahil alam kong ako lang naman mag-isa ang kakain non.
BINABASA MO ANG
Devil's Baby [R-18] ✔
RomantizmDevil's [COMPLETED] "I love you, My Synae. Wala akong pake kahit na wala to sa plano. Mahal kita. I will do everything for you to be mine again." -Devaughn Vileir Monteridge Story start: June 29, 2019 Story end: June 25, 2020 Thanks for the book cov...