Happy 46.9k reads babies! Wooow! Maraming salamat sa inyo! Here's the update! Enjoy reading!
~
Kwin's P.O.V
"Tama na... Tama na..."Bakit nauulit na naman?
Devil... Mister...
"You worthless bitch! Wala kang kwenta!"
Paulit ulit nya akong sinampal. Umiiyak lang ako at wala akong magawa. Tama na... Please...
"Kwin, kwin." Pagtapik ng mahina ang gumising sakin.
Umupo ako ng dahan dahan at nakita ko ang nag-aalalang muka ni Ate Mel.
Isang linggo na simula nung hindi umuuwi si Vileir. Ni hindi nya na rin ako tinext o tinawagan man lang kaya naman ang pag-aalala ko ay lalong nadagdagan.
"Ate... Nakausap nyo na po ba si Vil?" Nabalewala ang masamang panaginip ko kanina dahil napalitan na naman ng pag-aalala para sa asawa ko.
Kahit na sinabihan nya ako noong unang araw na umalis sya na wag akong mag-alala ay hindi yon mawala sakin.
Hindi ako makatulog ng maayos dahil iniisip ko kung ayos pa ba ang asawa ko? Kung ano ang ginagawa nya? Kung nakakakain pa ba sya? Miss na miss ko na sya.
"Kwin..." Napatingin ako kay ate Mel ng tawagin nya ako. Hinaplos nya ang pisngi ko at unti-unti na syang lumuha.
"Ate? A-ano pong nangyari? May...nangyari po ba?" Nag-aalinlangang tanong ko.
Nababahala ako sa ipinapakita nyang kilos at sa kanyang pag-iyak.
"Devaughn... He's in jail."
Para akong nabingi sa sinabing yon ni ate Mel.
Jail? As in kulungan? Bakit nasa kulungan ang asawa ko?
"Ha?" Sagot ko sa kanya ng hindi pa rin mag sink in sa utak ko yung sinabi nya. I will not believe it. Pano makukulong ang asawa ko? Anong naging kasalanan nya?
"He was sued by his ex, Kwin."
Agad na kumulo ang dugo ko dahil sa narinig. Ano na naman ang gusto nong babaeng yon?! Hindi pa ba talaga sya titigil sa panggugulo samin ng asawa ko?!
"Puntahan natin sya, ate. Bakit sya pinakulong ni Eury? Anong ginawa ng asawa ko?" Tarantang sabi ko sa kanya.
Agad nya naman akong pinigilan ng akmang tatayo ako.
"Shh, calm down, Kwin," nagpunas sya ng luha at ngumiti sakin na kahit papaano'y nagpagaan ng loob ko. She sighed, "yung rape case mo ang ikinaso ni Eury sa asawa mo, Kwin. May hawak syang matinding ebidensya laban sa kanya. A video."
Naalala ko yung video na isinend sakin noon. Yung video ng nangyari samin ni Vileir 2 years ago. Si Eury? Sya ang negsend sakin non!
"Napakawalanghiya talaga ng babaeng yan! Argh!"
Nanggigigil talaga ako kapag nababanggit yang babaeng yan lalo na ngayon. Ngayong sinisira nya na naman kaming mag-asawa.
"Calm down, Kwin. Isipin mo ang baby nyo ni Devaughn, okay?"
She motioned me to sleep again na ginawa ko naman para sa baby namin ni Devil.
Pagkagising ko kinabukasan ay bumaba na ako. On my way to the kitchen, naririnig kong may kausap si Ate Mel sa cellphone nya and I bet, it's kuya Gab dahil wala ito dito ngayon.
"Ngayon na agad ang hearing? Akala ko ba inaayos na ng attorney nyo?" Ilan lang yan sa narinig kong usapan nila.
Narinig ko rin kung saan nandon si Devil ngayon. I have to go there, kailangan ako ng asawa ko.
BINABASA MO ANG
Devil's Baby [R-18] ✔
RomanceDevil's [COMPLETED] "I love you, My Synae. Wala akong pake kahit na wala to sa plano. Mahal kita. I will do everything for you to be mine again." -Devaughn Vileir Monteridge Story start: June 29, 2019 Story end: June 25, 2020 Thanks for the book cov...