Chapter 23

5.5K 103 2
                                    

Dedicated kay Idol C.C
~
Kwin's P.O.V
Later that night, hindi ko sya pinapansin dahil sa nakita ko. Kumain lang ako ng inihanda nya pero hindi ko pa rin sya pinatabi sa higaan ko. Naiinis ako sa kanya. Lalo na't hindi ko maintindihan ang pakiramdam ko nitong mga nakaraang araw. May isa pa rin akong nalaman na sobrang bumiyak sa puso ko. Hindi ko kaya ang sakit.

Katulad na lang ngayong umaga. Sobrang sakit ng ulo ko na parang binibiyak at gusto kong sumuka. Dinahan dahan ko ang pagtayo sa kama at halos pagapang na nagpunta sa may banyo. Sobrang bigat ng pakiramdam ko na parang any minute ay tutumba ako.

Sumuka ako ng sumuka pero nung halos wala nang mailabas at tubig na lang ay lalong sumakit ang ulo ko. Mygad! Ano bang nangyayari sakin? Pagkatapos ay nagmumog ako at bumalik sa higaan ko. I reached for my phone at may tinawagan. Di ko na alam kung sino ang u natawagan ko basta nagsalita ako agad.

"Help me please, a-ang sakit sakit ng ulo k-ko." Paos na sabi ko at hindi ko namalayang nawalan na pala ako ng malay.

~
"She's three weeks pregnant. Congratulations, mister. I have to go. Makakausap mo na naman sya kapag nagising na sya. Excuse me." Narinig kong sabi ng isang babae. Mister? Si Devil? Dahan dahan kong minulat ang mata ko at nakitang puro puti ang nasa paligid ko. Ospital? Bakit ako nasa ospital?

"Kwin..." Napatingin ako kung sino ang nasa tabi ko at laking gulat ko ng si kuya Seo ang nandon. "How are you feeling?" Nag-aalalang tanong nya sakin at hinaplos ang noo ko.

"K-kuya, medyo nahihilo na lang po. Ano pong ginagawa mo dito?"

"You called me. Akala ko kung bakit ka tumawag bigla pero nag-alala ako nung halos hindi ko makilala ang boses mo. Nasan ba si Vil?"

Tumulong bigla ang luha ko sa pagkarinig pa lang ng pangalan nya. Why is he doing this to me? May kulang ba sakin? May mali ba akong ginawa? Anong meron si Eury na wala ako?

"Shhh... Kwin, what happened?" Pinahid nya ang luhang naglandas sa pisngi ko.

"Hayop sya kuya! Hayop sya!" Bumalik sakin ang naalala ko nung natulog ako kahapon. Hindi ako makapaniwalang ginawa nya yon sakin! Asawa nya ako pero binaboy nya ako! Ayun lang ba talaga ang habol nya sakin? Hindi nya ba ako mahal at puro 'yun' lang ang gusto nya?

"Hey, I don't understand what you are saying. Ano bang nangyari?" Nag-aalalang tanong nya sa bigla kong paghi-hysterical.

"Hayop sya kuya! Binaboy nya ako!" Tuloy tuloy na pag-iyak ko.
Hindi ko alam kung ano bang kasalanan ko sa kanya kung bakit nya ako ginanon. Walanghiya sya! Hindi ko sya mapapatawad!

"Shh, tama na, Kwin. Shhh... Hintayin mo syang magpaliwanag sayo."

"At ano kuya? Magsisinungaling sya? Ni hindi nya nga sinasabi sakin na nabuntis nya na pala si Eury! Tapos sasabihin mo sakin hintayin ko ang paliwanag nya? Hindi pa ako nasisiraan ng ulo para magpaloko sa kanya."

Halatang nagulat sya sa sinabi ko dahil natigilan sya. Hindi nya rin siguro alam ang katarantaduhan ng pinsan nya. Ang sakit lang na hindi lang pala yon ang kasalanan nya sakin. Hindi lang isa! May iba pa!

"Kwin, tinawagan ko na si Vil kanina, papunta na yun dito. Mag-usap kayo. Please lang." Malungkot na sabi ni kuya. Sarado ang tenga ko para sa kahit na anong explanations nya. Ilang taon na pala yon ni wala man lang nagsabi sakin! Kung nung una napatawad ko sya sa pagtatagong mag-asawa pala talaga kami, ngayon ay hindi na! Masyado nya na akong binaboy! Hinding hindi ko sya mapapatawad.

"No, kuya. Ayoko syang makausap."

"Pero magkakababy na kayo, Kwin."

Napatingin ako sa kanya ng may nandidilat na mata. Baby? Magkakababy kami?

Devil's Baby [R-18] ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon