Seo Gabriel's P.O.V
Binabagabag na ako ng konsensya ko. Hindi naman ako ang gumawa non pero isa ako sa nagtago non. Ang hirap. Ang hirap pumili between pinsan mo o pangalan nyo.Nakakapagod magtago ng sikreto na alam kong sa huli ay mabubunyag at mabubunyag pa rin. Hindi lang alam kung ngayon, bukas o sa makalawa ito mabubulgar. I'm fucking confused kung ano ang uunahin ko. Tell them the truth or keep it as a secret? Fuck!
"Seo?" Pukaw sakin ni Ashton. Sya, ako at si Vil, we have a secret that just the three of us know. Kaya hindi ko alam kung paano ako nakakatulog sa gabi twing naaalala kong may malaking sikreto akong tinatago sa girlfriend ko pati na rin sa ibang pinsan ko.
"Ano yon dude?" Tanong ko dito sabay lagok ng alak na nasa shot glass.
"Hindi ba parang nagpapadalos-dalos na naman si Vil sa kilos nya? What if maulit yung dati? Hindi na ako papayag na masaktan nya ulit si Kwin." I agree. Hindi na rin ako papayag dahil nandon kami kung paano nahirapan si Kwin dahil sa nangyari.
"I know. Pero alam mo namang matigas ang ulo ni Vil lalo na pagdating sa asawa nya. At siguro naman sa pagkakataong to, hindi nya na ulit sasaktan si Kwin."
Siguro naman. Sapat na ang ilang taon na mawalay sya kay Kwin para mapagbayaran nya yung nagawa nyang kasalanan dito.
"Sinasabi nyo bang mag-asawa si Kwin at Devaughn?!" Tanong na nakapagpagulat samin ni Ashton.
"I-Iron?" Gulat na tinignan ko ang lalaking nakatayo sa may hamba ng pintuan ng bahay ni Ashton.
"What the fuck are you saying? Sinong mag-asawa? Kailan pa?!" Pulang pula na ang muka nya at parang sasabog na 'to sa galit.
"Dude, pakinggan mo muna kami." Tumayo si Ashton at nilapitan si Iron na agad namang sinuntok sa muka si Ashton.
"Tangina nyo! Ano to? Ginagago nyo kami? Akala ko ba pinsan natin si Kwin?" Agad akong lumapit para awatin si Iron. "Tanggap ko na nga na mahal sya ni Devaughn eh tapos malalaman kong mag-asawa sila? Anong kagaguhan to?!"
"Puta pre! Bakit ka nanununtok? Gago ka ba?! Magpapaliwanag na nga kami diba?!" Galit na rin na sigaw ni Ashton.
"Traydor kayong dalawa! Tama nga yung hinala ko na may tinatago kayo kaya sinundan ko kayo isang beses! And I heard the three of you talking about Kwin at Devaughn's ex." Dinuro nya kaming dalawa ni Ashton at galit na galit na tumingin samin. "I know that there is something that you're not saying. Sabihin nyo yan sakin kapag nakarating na dito si Nickel." Pagkatapos non ay tinawagan nya si Nickel at pinapunta dito.
Fuck! Vil! Nasan ka ba? Putek ka! Pati kami nadadamay sayo eh!
Vileir's P.O.V
*Flash back* (eto yung time na may nagtext kay Vil)
I was about to kiss My Synae ng magbeep ang cp ko. Tss, istorbo.When I opened it, it was a picture of Synae and Zant. Nakasakay si Synae sa motor ni Zant at parang sayang saya sya na nakayakap mula sa likod ni Zant.
"Bumaba ka sakin." Parang nagblangko ang utak ko at parang wala akong naririnig kahit na tinatanong nya ako kung ano ang nangyari. "Hindi ako uuwi ngayong gabi. Paalisin mo na lang sila kung gusto mo. Aalis ako." With that, agad akong nag-ayos ng gamit at umalis ng bahay.
Pupuntahan ko ang taong nagpadala ng picture sakin. It's Eury, my ex girlfriend.
I dialed the number that was used to sent me the picture. After two rings, sinagot agad ng may-ari yon na parang inaasahan ang pagtawag ko.
"Hi baby, d'you miss me?" Malanding bati nya sakin.
"Where the hell are you?!" Galit na sigaw ko over the phone.
"Alam mo kung saan ako makikita, baby." Pagkasabi nya non ay agad akong nagtungo sa condo nya na hindi kalayuan sa condo ko.
~
"What the hell do you want?!" Galit na sigaw ko pagkapasok sa unit nya. Ang ayoko sa lahat, yung idadamay ang mahal ko para lang may makuha sakin."I only want you, baby. May masama ba don?" Malandi itong tumawa. "And oh! Is that your wife? Yung nasa picture? E bakit parang may ibang lalaki? Why is she with Crizant? Malandi ba yang asawa mo?" Mapang-asar na sabi nito.
"Don't you ever say that again, Eury! Hindi malandi ang asawa ko! Stop putting your shoe on her! Pwede ba! Tigilan mo na ako! I'm already over you! Stop this shit!" Galit na galit na ako dahil hindi ko gusto kung paano sya maglaro. Alam kong may pinaplano sya kaya nya ginagawa to.
"Why baby? Are you afraid if I tell her the truth? Na ikaw, sarili nyang asawa ang gumahasa sa kanya?" Agad na nanlamig ang kamay ko pati na rin ang muka ko ay tila nawalan ng kulay dahil sa sinabi nya. "Ow, poor baby," she caress my cheeks and kiss the side of my lips. "I will not tell her the truth if you come back to me, as simple as that Devaughn." Mapang-akit na sabi nya sakin at may ngiting tagumpay sa kanyang labi.
That day, I stayed on her condo but nothing happen. She keep on insisting but I refused. Ayokong pagtaksilan ang asawa ko kahit na alam kong hindi nya ako naaalala. But still, kasal pa rin kaming dalawa. And I hope, mapatawad nya ako sa nagawa ko sa kanya.
Ashton's P.O.V
Makailang minuto lang, dumating si Nickel dito sa bahay. I'm going nuts dahil sa nangyari. Tapos si Iron, sinuntok ang gwapo kong muka! Pano ako hahalik nito kay Emi kung may sugat ang labi ko? Damn!"Ano ba talagang nangyari? Bakit parang ako yung pinaka clueless sa inyong lahat?" Takang tanong ni Nickel saming tatlo.
"Cause you're busy, punk. Busy ka kakadikit sa ka-m.u mo eh hindi pa nga kayo." Iron said.
Kahit kailan talaga bunganga nitong lalaking to. San kaya pinaglihi ni tita yan at napaka straightforward?
"Excuse me, Iron. Kami na." Mayabang na sabi nya. "Eh kayo ni Malmo? Kamusta?" Nang-aasar na sabi nya kay Iron.
Nagkatinginan na lang kami ni Seo at tinignan ang namumulang si Iron. Hindi na sa galit kundi sa pagkapahiya.
"Stop it, Nick! Hindi yan ang pinunta natin dito!" Iritang sagot ni Iron. Pagkatapos ay itinuro kaming dalawa ni Seo. "'Tong dalawang 'to at si Vil, may sikreto."
Nabaling naman samin ang tingin ni Nickel. Sinusuri kami na parang nagtatanong kung ano yon.
"Fine, it's Kwin and Vil, they're married." Pag-amin ni Seo sa kanila.
"What the hell?!" Agad kinuwelyuhan ni Nickel si Seo dahil sa sinabi nito. "The fuck are you saying, dude?!"
"He's right, Nick. Mag-asawa si Kwin at Vil. Hindi natin tunay na pinsan si Kwin. Well, sort of. Since kinasal na sila ni Vil, naging pinsan na rin natin sya." Panimula ko. Agad namang binitawan ni Nickel si Seo.
Hindi ko alam kung ako ba dapat ang nagsasabi nito, pero sasabihin ko lang kung anong nalalaman ko.
"Right! That's why you both easily agreed nung nagtapat yung dalawa. Ni wala man lang kayong reactions noon!" Gigil na saad ni Iron.
"No, hindi dahil sa alam naming mag-asawa sila kaya kami pumayag. Kundi dahil alam namin kung anong pinagdaanan nilang dalawa." Sagot naman ni Seo.
"Kwin suffered a lot, especially Vil. Nang malaman nya kung ano ang nagawa nya kay Kwin, sobrang depression ang inabot nya." Sabi ko naman. Totoo ang sinasabi ko. Muka lang malakas si Vil pero si Kwin ang kahinaan nya.
"Why? Ano bang nagawa nya kay Kwin?" Curious na tanong ni Nickel sakin.
~
Eury's P.O.V
I knew it from the start. He's still seeing that bitch kahit na hindi sya naaalala nito. I once met her. Hindi sya ganyan kawalang imik lalo na nung nalaman nyang ex ako ni Devaughn. She's jealous of me, who wouldn't be?I am Eury Yukira, a famous model in Paris, France. I have the brain, beauty and body. Sinong hindi matitriggered sakin, hindi ba? Mali lang sya ng kinalaban dahil hindi lang ako mautak, marami pa akong galamay na kayang magparamdam sa kanya kung anong naramdaman nya dati.
They will never get their happy ending lalo na at alam ko ang sikreto ni Devaughn. He wants his bitch wife back? Well, I want him back. And I'll do everything to make him mine again.
BINABASA MO ANG
Devil's Baby [R-18] ✔
RomanceDevil's [COMPLETED] "I love you, My Synae. Wala akong pake kahit na wala to sa plano. Mahal kita. I will do everything for you to be mine again." -Devaughn Vileir Monteridge Story start: June 29, 2019 Story end: June 25, 2020 Thanks for the book cov...