Vileir's P.O.V
I'm with Gabriel ng tumawag si Ashton sa kanya telling that My Queen was rushed to the hospital. Abot abot ang kaba na naramdaman ko nung marinig ko yon.Gab's keep on telling me to calm down and don't panic. But how the hell will I do that? Knowing that my wife is in the hospital for I don't know the reason was!
What the hell happened? Bakit sya nasa ospital? Nasan si Zant? Hindi ba dapat inaalagaan nya si Synae dahil buntis to at... sya ang ama? Bullsh*t! Sya ang ama!
This is not the right time for self pity, Vil! Kailangan ka ng asawa mo!
Sumama ako kay Gab sa pagpunta sa hospital dahil hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nalalaman kung ano ba ang nangyari sa asawa ko. Kung ayos na ba sya o kung may masakit ba sa kanya? Damn it! I hate this feeling! Ayoko ng nag-aalala ako dahil simula nung nawala sya sakin, grabeng pagkabalisa ang naranasan ko. Halos mabaliw ako sa kakahanap sa asawa ko. God! Ayoko na ulit maranasan yon dahil baka sa pagkakataong to, hindi na ako makabangon pa.
Nakarating kami sa hospital at agad kong tinanong sa information desk kung saan ang room ni Synae. Ang tagal kong hinintay na makita ulit sya. Ngayong alam ko na, na hindi ako ang ama ng ipinagbubuntis ni Eury, I will do anything para maibalik sakin ang asawa ko. Hindi man ako ang ama ng anak nya, I will stand as a father kung papayagan nya ako.
Pagkasabing pagkasabi ng room number ni Synae ay hindi ko na hinintay pa si Gab galing sa pagkakapark ng kotse nya at dumerecho na ako. Sobrang bilis at lakas ng tibok ng puso ko na parang halos lahat ng nakakasalubong ko ay naririnig yon. Masaya ako at the same time ay natatakot dahil baka ipagtabuyan nya ako.
Pano kung nandon si Zant at hindi na ako kailangan ng asawa ko? Pano kung ipagtabuyan nya ako dahil ang alam nya ay anak ko ang dinadala ni Eury? Paano kung makipaghiwalay na sya sakin ng tuluyan? Baka hindi ko kayanin! No! Hindi ko talaga kakayanin dahil ang asawa ko ang buhay ko. Sya ang dahilan kung bakit pa ako nanatiling matino at nasa wisyo. Pero kapag iniwan nya ako ay baka tuluyan na akong bumagsak at mabaliw.
Nang nasa tapat na ako ng pinto ng room nya ay nagdadalawang isip ako kung papasok ba ako o hindi. Pano kung kapag pumasok ako ay hindi ko magustuhan ang makita ko?
I was about to enter ng may mga nurses na dali-daling pumasok sa kwarto ni Synae. Napakunot ang noo ko dahil sa nangyaring yon. Ano kayang meron at dali dali sila?
Pabagsak na binuksan ko ang pinto dahil sa takot na nararamdaman. They were all panicking kaya pati ako ay nadadamay.
"My queen..." Nakita ko ang babaeng nagpatibok sa puso ko. Nakahiga sya sa puting kama at parang hinang hina dahil sa kung anong itinurok sa kanya. What have you done, Vil? Pano mo nagawang saktan ang babaeng ganito kahina? Pano mo nagawang saktan ang babaeng alam mong hanggang sa huli ay mamahalin ka? Umalis ang ibang nurse na nag assist at may isa lamang na natira ng kumalma na si Synae.
Gulat na napatingin si Ashton sakin at alam kong hanggang ngayon ay galit pa rin sya. Hindi ko naman sya masisisi dahil kahit ako ay galit sa sarili ko.
"What the hell are you doing here?! Ang kapal naman yata ng muka mong magpakita pa dito sa harap ko at sa harap ni Kwin pagkatapos ng katarantaduhang ginawa mo?" Lumapit sya sakin at hinawakan ako sa kwelyo. Nagliliyab sa galit ang mata nya at si Synae lang ang makakapagpalumanay ng matang yan ni Abo. Si Synae lang ang natatanging babaeng kaya syang paamuin pero hindi ako papayag na ang asawa ko pa ang umamo sa kanya dahil sa akin lang ang asawa ko at wala ng ibang pwedeng mag may-ari sa kanya. "Look at what you've done, Vileir! Masaya ka na ba? P*tangina! Eto na ang kinatatakutan ko kaya nagsisisi ako at ipinaubaya ko sya sayo!" Inis na sigaw nya.
"Excuse me, sir. Bawal pong magsigawan dito. Kung gusto nyo po ay lumabas kayo dahil nabubulahaw nyo ang pasyente." Suway samin ng nurse na nag aayos ng IV ni Synae.
BINABASA MO ANG
Devil's Baby [R-18] ✔
RomanceDevil's [COMPLETED] "I love you, My Synae. Wala akong pake kahit na wala to sa plano. Mahal kita. I will do everything for you to be mine again." -Devaughn Vileir Monteridge Story start: June 29, 2019 Story end: June 25, 2020 Thanks for the book cov...