Part 13. Swerve

209 17 17
                                    

*Flashback time!*

At hindi ako naniwala sa sinabi ni Elle. Malaki kasi ang tiwala ko kay Princess, at alam kong mahal namin ang isa't isa.

Umabot kami ng isang taon. Naging masaya pa din.  Umabot ng dalawang taon at masaya pa din. Grumaduate ako ng kolehiyo.

Ngunit nagbabadya ang isang pagbabagong hindi ko inaasahan.

Nabigyan ako ng opportunity makapagtrabaho abroad. Kinukuha ako ng aking Tita bilang isang H.R. Personnel sa kanilang opisina. Makakaipon ako dito. Magandang simula ito para sa pag-abot nga aking mga pangarap.

Nag-usap kami ni Princess ukol dito. Ayaw nya akong paalisin. Natatakot kasi sya sa mga posibilidad.

Posibilidad na maghiwalay kami.

Posibilidad na makahanap ako ng iba.

Posibilidad na hindi ko sya hintayin.

Pero ipinaglaban namin ito. Sinubukan ang isang Long Distance Relationship.

Sa totoo lang? Mahirap. Nakakabaliw. Kasama pa ng ideya na bago ako sa States. At naninibago ako sa paligid; Culture Shocked.

Idagdag mo pa ang pangungulila sa aking pamilya; Home Sickness.

Kaya talagang mahirap. Sinubukan kong kayanin nung una, pero mahirap pala. Hindi pala biro mangibang bansa. Mukhang masaya lang. Dahil sa ideya na kikita ka ng Dolyar. Dahil sa ideya na masusunod mo ang mga luho mo dito. Pero nagkakamali ako.

And to make things worse? 3 months after ko dumating dito. I got a devastating news from Princess.

I found out na nagka-leukemia sya.

*Cut*

"Woah... I'm... Sorry to hear that bro." Napatahimik si Benj. Nawala lahat ng kakulitan nya sa kwento ni King.

"Don't worry. I'd finish the story."

*Continue*

Since ako ang ever supportive nyang boyfriend, ako na ang umako ng kanyang hospital bills. Medyo masama kasi ang financial situation ng kanilang pamilya sa mga panahong iyon.

Every week, pagkuha ng aking sweldo ay naka-budget na ang pera ko. Mula sa Pamasahe, pangkain at renta sa bahay. Isang maling gastos ko ay delikado dahil baka kulangin ang ipapadala ko sa kanyang pera.

Nagpatuloy kami ng ganito. Usap pa minsan minsan, padala ng pera at kasigurduhang hihintayin nya ako.

Pero matapos ang ilang linggo, dumalang na ang aming pag-uusap. Nagpaparamdam na lang sya kapag magpapadala na ako ng pera. Nagsisimula na syang maging cold.

At bago sumapit ang aming 30th month, ay nag message na lang sya sa facebook ng:

"Sorry kung hindi na ako masyadong nakakapag-message sayo. Pero usap na lang tayo kapag okay na sa akin ang lahat."

Pursuit of "The One" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon