Part 1. The Call

795 32 38
                                    

"Bro? Really? Ala una ng hapon magyayaya ka uminom? Anong problema?" Tanong ng lalakeng kausap nya habang nagmamaneho.

"I need someone to talk to. Emergency tol. Code red." Sagot ng lalake sa kanilang linya habang tinutungga ang isang bote ng beer.

"As in? Sige sige. Asan ka ba?"

"Sa Kingdom. Bilisan mo. Nakakatatlong bote na ako." Seryosong sambit nya habang binubuksan na ang kanyang pang apat na bote.

"I'm on my way. Give me 10 minutes tol. Mabuti na lang madadaanan ko yan." Gatong ng lalake bago nya ibaba ang telepono. Dali dali na din syang humarurot habang walang trapik.

***********

Sa Isang resto bar

Sya si Achilles Bahaghari. Dalawamput pitong taong gulang. 6 footer na chinito. Naka faux hawk na hairstyle. Pormahan pa lang mukhang suplado na..

Ipinanganak noong unang araw ng ikasyam na buwan. Kasalukuyang pinapatakbo ang kanyang resto bar business, at behind the scenes?

Isa syang Awesome Guru na nagtatago sa ilalim ng codename na King. Hindi sya basta basta. Sya ay sikat at kinikilala sa kanilang International Underground Community ng mga Pick Up Artists. Gumugol sya ng ilang taon para maging mahusay sa kanyang kagalingan. Natuto at nakipagsabayan sya sa mga pinakatuso, maabilidad at mahaharot na katulad nya. Ilang panahon ang binuno nya sa pag-aaral, pagbabasa, pagdalo ng mga seminar at hands on training sa pakikipag-usap, paglandi at pag-akit sa mga kababaihan.

Tinuturuan nya ang mga good boy maging awesome katulad nya. Mula sa tamang pananamit, pananalita, gumalaw at kung papaano makaattract ng sino mang babaeng gugustuhin mo. Paniniwala nya kasing kahit sinong babae ay mapapaibig ng kahit sinong lalake, basta't alam mo ang mga sikretong ito.

**********

"Whaddup playah?" Pagbati ng kanyang kaibigan. Sabay gawa ng kanilang secret handshake.

Si Benjamin Yu. Ang kanyang partner in crime.

Dalawamput anim na taong gulang. Kahit isang taon lang agwat nila ay lagi nyang tinatawag si King na kuya. Around 5'7 ang laki. Moreno at katamtaman ang katawan. Nakasuot ng reading glasses. Mahilig magpower dress at laging dressed to kill. Idol nya kasi si James Bond.

Abala sya sa pagpapatakbo ng kanilang meat distribution business. Pangatlong henerasyon nang pinapalago at pinagtitibay ng kanilang pamilya.

Nagkakilala sila sa New York City, sa isang seminar noong mga bagito pa lang sila sa kanilang larangan. At mula noon, naging malapit na sila at naging matalik na magkaibigan.

At bumalik sila ng Pilipinas a year ago, to wreak havoc, spread the awesoneness and possibly, unintentionally, break some women's hearts.

"Grabe kuya. Ngayon lang kita nakita ng ganito. Ano bang nangyari?" Pagbungad nya pagkaupo sa harapan ni King. Kuha agad sya ng beer sa bucket at binuksan ito.

"Code Red bro. At isa pang tawag mo ng Kuya pepektusan na kita." Sarkastikong banat nya habang dahan dahang iniinom ang pang-apat na bote nya.

"Tuloy na kasi ng kwento. Puro ka pa-suspense eh. Tsaka wala bang pulutan? Dagdag na din ng baso na may ice. Hindi ako tumutungga sa bote eh." Pahabol na biro ni Benj habang niluluwagan ang kanyang necktie.

"Nagpahanda na ako. Alam ko namang patay gutom ka eh. Nakakahiya naman sayo. Hehe."

"So tuloy mo na. Bago pa ako mainis. Haha."

Sabay sabit ng kanyang hinubad na necktie sa bakanteng silya nya sa kaliwa.

"About girls. Well actually-"

At bago pa maipagpatuloy ni King ang kanyang paliwanag ay binara na sya agad ni Benj.

"Woah woah. Girls?! Kelan ka pa namroblema sa babae? Ikaw si KING tol! Ang pinakamabangis, pinakamatulis at pinakachinitong player sa Pilipinas! Sayo nga hango yung kantang Chinito diba?! Hahaha!" Gulat pero pabirong gatong nya. Hindi sya makapaniwala sa sinabi nito.

"Hear me out. They're different. They we're special at some point in time." Marahan na sagot nya habang inabot nya ang basong may yelo mula sa waiter.

"Kilala ko ba'to? Celebrity? Anak ng politiko? Galing sa mayamang pamilya? Binigyan ka ba ng death threat? Ipapasalvage ka na kuya?"

"Di nga! Kulit mo din eh. They're from my past. And I just met each one of them. This week."

"Naks! Muling ibalik! Sino ba? Or better yet, Ilan ba?" Tanong ni Benj habang isinasalin ang inumin sa baso.

"6 Girls. Before I turned like this." Nahihiyang sagot ni King.

"Woah!!! God Mode ah? Pinagsabay sabay mo ba? Yinaya mo ba ng groupkuwan!? Hahaha. Sira-ulo ka talaga. Pero if you can pull it off, baka isama ka na sa Hall of Fame ng mga Player. Hahaha."

"I'm serious Benj."

"Ay. Sige. *ehem* Serious mode." Biglang nagbago ang expression sa mukha nito at pinagpatuloy na magkwento si King.

"We'll start from the beginning. So I was in 3rd grade..."

"3rd Grade?! Anak ng... This is gonna be a long story I bet..." Pabuntong hininga ni Benj bago sumandok ng sisig.

Pursuit of "The One" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon