Flash Foward Part 1. Birthday

192 17 8
                                    

*The One's POV*

It's Achilles'29th Birthday. Medyo kinakabahan ako dahil baka magkaroon ng aberya ang surprise namin sa kanya. Kinuntyaba ko na din si Benj to distract him; dito kasi sa Kingdom iseset up ang lahat.

Probably they're on their way here. Good thing everything's in it's right place. From the food, the balloons, the cake, his closest friends and relatives. Mabuti na lang at nag-cooperate din sila.

Ang galing din ng alibi ni Benj. Since sila ang nagpoproduce ng meats for Achilles' resto, pinalabas nya na lang na may problema. Kunwari may shortage sa karne, and they can't produce this week's supply. So they rushed from here to the plant, para ma-set up namin lahat.

I know it's wrong to stress him out on his birthday, but it's for a good cause naman diba?

Okay lang naman na ako ang mag-cause ng stress nya, ako din naman ang nakakapagpawala nito eh. Naks! Humihirit!

He's been great. He stood up to his words. Awesome nga sya since then. Siguro I never fully appreciated what I had until it was taken away from me. And since he came back to my life? I wanted to give what he deserves and more.

Hindi naman porket sya yung lalake sya na lang lagi mag-eeffort diba? Ansarap nya pa naman gawan ng mga surprise. Ang babaw kasi ng kaligayahan nya.

Yung simpleng bisita ko with a cup of coffee every time na stressed out sya or short ng tao sa resto, and the moment he lays his eye on me? It's so genuine. Kulang na lang umiyak sya every single time na gawin ko to. Hindi pa naman sya palangiti, but every time I do this halos lumobo mga pisngi nya sa malaabot tenga nyang ngiti.

Yung mga pagkakataong we're stuck in traffic, and he'd just kiss me on the cheeks. Or when he asks for a hug out of nowhere? He's so warm and affectionate. Para syang batang gusto laging nilalambing. He seems so innocent for his age.

And the random moments that he makes me laugh. Kahit gaano ako kabadtrip or inis sa kanya; he'd just say something that would just make me want to forgive him. Ewan ko ba. He got this weird spell over me.

And every time he tells me about his dreams, his ambitions, his ideals of being a father... It makes me shed a tear...

Dahil kahit andaming hardships nyang pinagdaanan, he went back to being the real him. The Awesome him.

*Beep beep!*

Tumunog ang cellphone ko. Nakatanggap ako ng message.

(Text message from Benj: Malapit na kami.)

"Hey everybody! Malapit na daw sila! Ready na sa mga pwesto okay?"

Ayan na sila. Malapit na sila. I need to calm down.

Naririnig ko na ang usapan nila ni Benj.

"Taena naman nun tol. Shortage daw eh andami dami? Gago ba sila? Ang layo pa ng byahe, sinayang lang oras ko." Inis na banat ni King. High blood na naman po sya. Pero for sure pag nakiita nya ako kakalma yan.

"Chill ka lang tol. Birthday na birthday mo highblood ka." Pagpapakalma ni Benj sa aking kasintahan. Ang galing nya talaga umakting. Elibs talaga ako sa best friend ng boyfriend ko.

At bago pa sya makapagbukas ng pinto ay binuksan ko na ito para sa kanya.

Napanganga na lang sya sa gulat. Nanlaki yung singkit nyang mga mata at binati ko sya ng:

"Happy Birthday!!"

Sabay yakap nya sakin ng mahigpit.

"Anong ginagawa mo dito?!" Sambit nya. Pero hindi ko na sya pinagsalita at hinaltak ko na lang sya papasok-

"HAPPY BIRTHDAY ACHILLES!" sabay sabay at umaalingawngaw na bati ng mga tao sa loob. From his friends, relatives, cousins at kung sino sino pa.

Goal ko talagang paiyakin ang birthday boy ko. Bawi lang sa ginawa nya for my birthday. Para naman kwits diba? Pero mukhang matatag sya ngayon. Hindi pa sya maluha luha eh.

Natawa na lang sya sa gulat at nakipag hug, kamay at high five sa mga naimbitahan ko sa kanyang birthday. Then he just pulled me with his arms and said-

"Anong pakulo to ha?! Sinong mga inuto mo para isetup to ha?"

Natawa na lang si Benj at humirit ng-

"Oi! Mamaya na yang birthday kwan! Kainan muna tayo!"

Napahalakhak na lang din si King. Bumitaw sa aking bewang. Lumapit at hinampas ang braso ng kanyang kaibigan.

"Gago ka talaga tol. Pero Salamat ah? Pwede naman kasing nag Ps4 na lang tayo sa bahay diba? Pinagmaneho mo pa akong 6 hours hayop ka. Hahaha! Ang mahal kaya ng gas!"

Ang saya saya nya lately. Ayokong maging assuming pero nang bumalik sya sa buhay ko... Everything seemed so... Perfect.

Everything's just falling into place. Walang hassles at major problems. And I hope everything is the same for him.

"Hey. Thank you." Sabay halik nya sa aking labi. Kahit araw araw ko syang halikan, Parang may spark pa din. Yuck no? Parang bagets lang?

"Kung ano man binabalak mo ngayon. Wag mo na ituloy. Kasi yari ka sa akin kapag ako ang bumawi." Dagdag nya habang nakayakap lang ang nagkabila nyang braso sa aking bewang.

Kinakabahan ako sa mga ganyan nya. Baka kung anong pakulo na naman to.

Pursuit of "The One" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon