Part 20. New Flame

192 17 31
                                    

*Flashback Time*

June 15th 2014.

Habang nagmumuni muni ako sa aking kwarto ay nakatanggap na lang ako ng sandamukal na pictures sa aking cellphone.

Isa dalagitang mukhang artistahin. Mestiza. Matangos ang ilong. Mamula mula ang mga labi at kulot na kulot ang buhok, parang sa mga rebulto ng Sto. Nino.

At matapos ng mahigit ilang picture ng mukha na nagkatalo talo lang sa anggulo ay tinanong ko sya ng:

"Who is this? think you send your pics to the wrong guy."

At nagreply sya ng:

"sorry wrong send psensya n"

Pero sumagot pa din ako ng:

"Hey. Ikaw ba yang nasa picture?"

Ngunit mataray syang sumagot ng:

"oo bakit crush mo?"

Medyo antipatika syang kausap. Kaya binasag ko sya at sinabing:

"Okay lang. Hindi ka naman ganun kaganda."

Napikon ata sya sa sinabi ko, kaya imbes na sagutin ang message ko ay tumawag sya sa aking telepono:

"Hello? Lance? Gago ka talaga."

Napakataray ng kanyang boses. Kung gaano sya kaantipatika katext, ganoon din sya kausap. Sinagot ko na lang sya ng:

"Hindi ako si Lance. Wrong number ka nga."

"Eh sino bato?" Sagot nya.

Natawa ako dito. Napahalakhak talaga ako. Dahil sa kasungitan nya ay sinabayan ko sya ng angas ko:

"Ikaw tumawag diba? Ikaw ang magpakilala."

Sya si Alexa.

Kaya nagpakilala naman ako bilang si Achilles. And from there, nagpatuloy ang aming kwentuhan.

Napag-alaman kong sya ay taga California. At apparently si Lance ang bago nyang boylet na nakilala nya sa school.

Matapos ng ilang minuto ng kwentuhan ay nanghingi sya ng aking picture; Pero hindi ako pumayag.

*Cut*

"Ang gwapo talaga oh?! Ayos na!! Hahaha." Banat ni Benj bago uminom sa kanyang baso.

Pursuit of "The One" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon