Introduction. Lecture Time

481 27 53
                                    

Sa mundo, mayroong tatlong klase ng lalake.

Ang Nice Guys, Douches at mga Awesome.

Ang Nice Guys ay mga dakilang push over. Kaya nga sinabing nice guys finish last diba?

Lagi kasi silang shoulder to cry on, doormat, nagpaparaya at nagpapakamartyr. Lagi nilang inuuna ang kapakanan ng iba. Kaya madalas silang ma friend zone at masaktan.

Ang mga Douches naman ay mga tinaguriang kupal na uri ng lalake.

Ito yung mga mapagsamantalang kalalakihan na ubod ng kapal ng mukha. Ito yung lalakeng binigay mo na ang puso, isipan, katawan at kaluluwa mo makukuha ka pang saktan at ipagpalit sa iba.

Ito yung mga madalas kinababaliwan ng mga kababaihan. Alam nyo kung bakit? Dahil mahirap silang i-please. At nakapagbibigay sila ng mala-roller coaster ride na romance. Idagdag mo pa ang fulfilling na pakiramdam kapag napatino nila ito.

Samantalang ang mga Nice Guy naman ay napaka-plain and boring. They always please women. Yung kulang na lang ipaghugas nila ng pwet at ipaglaba nila ang kanilang mga iniirog. So namamatay tuloy ang romance dahil sa paulit ulit ulit nilang routine.

Yung kahit yung babae na ang may kasalanan, sila pa din ang humihingi ng tawad. Yung literal na hahamakin ang lahat masunod ka lamang mantra.

Don't get me wrong, wala namang masama doon. Ngunit ang tanong, nasusuklian ba ng mga kababaihang minamahal nila ang kanilang binibigay?  Unfortunately, hindi. Sa kasamaang palad, sobra sobra pa ang binibigay nila sa mga undeserving na kababaihang binabalewala lamang sila.

At bago nyo ako kagalitan ay gagamit tayo ng scientific evidence para ipatunay ang pinupunto ko.

Basic Human Psychology kasi na "We want what we can't have."

Dahil naka-hardwire sa ating utak na kunin ang mga bagay na mahirap makuha; katulad ng prutas sa pinakatuktok na sanga ng puno. In this case, ang paghabol sa isang taong ayaw sa iyo. May thrill kasi ang chase diba?

Nagkakaroon kasi tayo ng satisfaction na sa huli, kapag nakuha natin ito ay magiging maligaya na tayo.

Kaya ito ang paliwanag kung bakit habulin ang mga suplado. Kung bakit mahilig ang mga lalake sa mataray. Dahil mas binibigyan natin ang importansya ang mga bagay na pinaghihirapan.

Ayon nga sa rule of Supply and Demand, kapag mababa ang supply ay mataas ang demand. And it goes vise versa.

Kaya't hindi ba't mas na-aappreciate mo ang simpleng "Hi" na reply ng crush mo sa buong araw mo ng pangungulit? Kaya't hindi ba't mas naaaliw tayo kapag naging malambing ang masungit? Kapag naging mabait ang masamang tao? Kapag nanlibre ang kuripot? Dahil nga minsan lang nila gawin ito! Kaya sobrang taas ng value kahit hindi naman ganoon kahalaga o tindi ng ginawa.

Kaya't mas naaaliw ang mga kababaihan sa mga Douche, dahil nga minsan lang sila maging ganito. And this is not a bitter rant.

This is reality. This is a rule of nature.

Pero, may huling klase ng lalake.

Ang lalakeng nalalampasan ang nice guys at douches.

Sila ang mga lalakeng alam ang gusto nila. Sila ang mga lalakeng hindi nagpapa-taken for granted. Sila ang mga lalakeng may paninindigan. Sila ang mga lalakeng seryoso kapag seryoso at magbibiro kapag nagbibiro. Sila ang mga lalakeng mag-aapologize kapag kailangan at tuturuan ka ng leksyon kapag ginawan mo ng mali. Sila ang mga lalakeng susuklian ka ayon sa binibigay mo. Walang labis, Walang kulang.

Sila ang mga Awesome na lalake.

Mayroon silang kabutihang asal ng isang nice guy at mayroong backbone ng douche. Sila ang epitome of what a real man should be.

Kaya boys, sino kayo sa tatlo?

And ladies, sino ang pipiliin nyo?

Pursuit of "The One" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon