Part 14. Moving On

206 17 22
                                    

*Flashback time!*

And after ng aming break up, nakausap ko agad ang taong nagbigay sa akin ng nakakawindang na prophecy tungkol sa aking ex girlfriend; si Elle.

Nag-video call pa kami agad matapos ko malaman ang kalapastanganang ginawa ni Princess, at matapos kong sabihin ang news. Ito ang sinabi nya:

"Well. told you so."

Isang nakakaloko pero totoong linya. Ang kanyang prophecy ay nagkatotoo. Nang tanungin ko sya kung paano nya ito nalaman, nagulat ako sa kanyang sagot:

"Coz did that before. That's why know."

Nagulat ako sa sinabi nya, Para bang hindi sya ang nagsabi nito. Apparently, all this years na magkakilala kami ay hindi ko pa pala sya tunay na kilala.

Ang dating bestfriend kong inaakala kong biktima, ay isa palang suspect. Ang kilala kong Elle ay malayo pala sa realidad. Nabulag nya ako.

Pero ganoon pa man, we reconnect once in a while. Nagkakapagkwentuhan kami kapag may pagkakataon at dapat ikwento.

In a way; napupunan nya ang nawawalang parte ng aking damdamin. In a way, kahit malayo sya ay natutulugan nya akong mag move on. Ngunit nag-iingat na ako sa kanya. At s ngayon, maspongsya sa kanyang love life. Kaya ayoko na din umapela pa.

Pagsapit ng Springof 2013, naging malapit din kami ng bagong dating kong distant relative na si Janice. At pareho kami ng pinagdadaanan; broken din sya sa kanyang ex.

Si Janice ang naging partner in crime ko sa lahat ng kalokohan. Natuto akong mas maging open sa possibilities. Natuto akong makipag socialize, mag party, uminom, magpuyat at magmakihalubilo kung kani-kanino. Unti unti nang lumalawak ang mundo ko.

Natuto akong mag-explore at kung ano ano pang hindi ko pa nagagawa dati.It made me feel alive.

Lumipas ang ilang buwan ng ganoon ganoon na lang. Sa sobrang daming napuntahan at nakahalubilo namin ay lumaki ng lumaki ang aking mundo. Naimbitahan pa kami sa isang event na makapagpapagulo lalo ng aking buhay.

Pagsapit ng Halloween ay pumunta kami sa isang All Pinoy Costume Party. At first, ayoko sanang sumama; pinilit lang nya ako. Kaya naghanda akong mabuti at namili ng mga make up at props na gagamitin, napagpasyahan kong i-portray ang Joker ng Dark Knight.

Sobrang dami ng tao, dami ng nagsasayawan, nagkekwentuhan at nag-eenjoy pero tila tumigil ang mundo ko nang matanaw ko ang isang dalagang naka-fairy costume. Napakaganda nya sa aking paningin. Nabighani talaga ako sa kanya.

Wala syang kolorete o kahit anong make up. Napakaaliwalas ng kanyang mukha. Medyo may kaliitan. Unat na unat ang mahaba nyang  buhok.

Nakaupo sya mag-isa sa may bar area. Iniinom ang kanyang ladies drink habang mataimtim na nakikinig sa dumadagundong na musikang Torete.

Pursuit of "The One" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon