Part 11. Home Run

228 17 25
                                    

"Anak ng... Ikaw na! Sya pa talaga nagyaya makipag-date sayo? Pero dapat lang, dahil sa ginawa nya sayo. Tuloy ng kwento kuya." Singit ni Benj bago uminom sa kanyang baso.

*Flashback time!*

Since this is our first and official date as "Mag M.U." o malanding ugnayan, I went all out sa paraang alam ko.

I'm not really and never been a flower guy, it doesn't make sense to me. It withers, it dies. Unlike my feelings for her; it's completely unique.

So i went symbolic and made a snow globe. Gumamit ako ng old mayonnaise jar, dalawang LEGO ng isang lalake at babae, at imbes na tubig ay scented gel beads ang inilagay ko.

It's hand made, sweet, simple and creative.

Kaya sinundo ko sya ilang blocks mula sa kanila; dahil nga strict ang parents nya at hindi ko sya pwedeng puntahan sa bahay nila mismo, at dumiretso na sa mall. But before anything else, binigay ko sa kanya ang aking munting regalo.

Naaliw naman sya, ako lang daw kasi ang kauna-unahang lalakeng nag-effort ng ganito. Nakita ko ang galak sa kanyang mga mata. Napaka-totoo ng kanyang mga ngiti sa mga oras na iyon.

Kaya't nagkwentuhan, gumala gala, nag-lunch, nanood ng sine at nagkwentuhan pang muli. At maya maya pa ay hinatid ko na sya sa may sakayan at dumiretso na din ako ng uwi.

 *Cut*

"Woah woah. Thats it? Walang kiss? Walang score?" Gulat na sabat ni Benj habang nagsasalin sya ng yelo sa kanyang baso.

"Ahh.. Ehh." Natatameme si King at hindi makapagsalita.

"Don't tell me..." Itinigil ni Benj ang kanyang ginagawa, binitiwan ang ice tongs habang umiiling iling at pinandidilatan ang kaibigan.

Tumango na lamang si King at nahihiyang ngumiti.

"TOL!!! Ang torpe mo talaga! Anak ng pot... ARRRRGGGG!! Move mo na yun oh?! Time mo na yun oh?!" Naiirita na si Benj. Frustrated na sya sa dating ka-torpehan ng kaibigan.

"Sorry na. Torpe dati eh."

"Kahit hug?" tanong ni Benj.

"Wala."

"Kahit holding hands?" Dagdag pa nya.

Umuuling na lang si King sa hiya, habang pinipigilan ang pag-ngisi.

"DUDE!!!" Hinampas hampas nya na ang lamesa at pinakalma ang sarili.

"Sige na tol, tuloy mo na lang." Gatong pa ni Benj.

"Chill ka lang kasi."

*Continue*

At matapos ang date nagkausap na kami. Simpleng text text at kwentuhan. Nag-enjoy naman daw sya. Pero wala pa din syang sinasabi, kung kami na ba o hindi. Nahihiya din naman akong magtanong dahil ayokong sagutin nya ako ng sa text lang.

Pero bago sya matulog, sinabi nyang alis daw kaming muli bukas. Kailangan nya daw kasi ng kausap. Pumayag naman ako. Sino ba naman ako para tumanggi, diba?

Kaya't sinundo ko syang muli malapit sa kanila, at tinanong kung saan kami pupunta. Ang kanyang sagot?

"Sa inyo na lang."

(Nanlaki ang mata ni Benj sa excitement. Hindi na nya cinut ang pagkekwento ng kaibigan)

Sumakay kami ng jeep diretso sa amin at nag-usap; may problema pala sya sa bahay. Gusto nya daw makalimot kahit saglit.

Pagdating sa amin, kumain na kami ng tanghalian. Nanood kami ng nakakaantig na Romantic Movie na pinamagatang: SAW.

Sobrang nakaka-kilig. Kalas to the bones. Napakadugo at nakakasalukasok. Bagay na bagay pang set ng mood.

Magkatabi lang kaming nanonood. Walang physical contact, walang malisya.

Sa kalagitnaan ng pelikula ay nakatulog ako. At pagkagising ko ay nakayakap na sya sa akin.

Nang napansin nyang gising na ako ay dahan dahan na nyang hinalikan ang aking mga labi.

*End of Flashback*

"And think you're smart enough to figure out what happened." Sabay kindat ni King sa kaibigan.

"HOMERUN! WOOOOHHH!" Sabay bigay ng isang malutong na high five sa kaibigan, kitang kita ang galak sa mukha ni Benj.

Pursuit of "The One" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon