Part 15. Thanksgiving

196 16 21
                                    

*Flashback time*

After the Halloween Party, tinext ko agad sya kinabukasan. Nangangamusta, trying to ask her to hang out with me. Pumayag naman sya, as long as isama ko daw si Janice with us.

Kaya sa aming second meeting ay naisipan naming tumambay sa aming billiard spot, kahit hindi naman ako marunong maglaro.

Still, pagkakita ko sa kanya, sobrang ganda nya pa din. Mukha pa din syang diwata kahit wala nang suot na costume. Wala pa din syang make up, napakaaliwalas pa din ng kanyang mukha.

Bumeso syang agad sa akin at pormal ko syang ipinakilala kay Janice. Nagkasundo naman silang agad and found out a lot of things in common sa pagitan nilang dalawa.

Mula sa birthday, pinanggalingang probinsya, likes, dislikes at kung ano ano pa. Para bang carbon copy ni Candice ang aking pinsan. At sa paraang ito, mukhang magiging malaking tulong si Janice upang mas mapalapit sa akin ang dalaga.

Kaya matapos ng aming pagtambay ay kinuha nila ang number ng isa't isa at magkatext na sila mula noon. At ayon kay Janice, magpamiss daw ako ng kaunti at wag ko munang itext si Candice; para naman mailakad nya ko dito. Si Janice ang gumagalaw para sa akin. Sya ang nagiging tulay ko patungo kay Candice. Sa paraang ito, hindi sya masyadong magsasawa sa akin. 

*Cut*

"Hahaha. Classic tol ah! Ungas moves." Entrada ni Benj sa kausap. Wingman Technique kasi nilang dalawa ito, ang mag-instigate at makipag-close sa target ng kaibigan habang secretly inilalakad ang isa.

*Continue*

Lumipas ang ilang araw ng ganito, Magkakasama kaming tatlo sa lahat ng lakad. Mula sa mga simpleng kain sa labas, tambay, at kung ano ano pa. Sa bawat sandaling kasama ko sya ay lalo syang gumaganda sa aking paningin. Sa bawat minutong kausap ko sya ay tila gusto ko pang kilalanin syang lubos; upang malaman ko ang mga dapat kong gawin para mapamahal ako sa kanya. Pero sigurado ako sa isang bagay, hindi ko pa sya mahal; pero lubha akong tinamaan sa kanya. Nakatatak sa sa aking isipan.

Yun din ang problema, magkakasama kaming tatlo sa lahat ng lakad. Walang pagkakataong na-solo ko si Candice. Sa lahat kasi ng pagkakataong yayayain ko syang lumabas, gusto nyang kasama si Janice. Hindi naman ako makahindi, dahil ang aking pinsan ang aking daan patungo sa kanya.

Ang simpleng ngiti nya ay makapagbibigay din ng ngiti sa aking mga labi. Ang simpleng halakhak nya ay makapagbubura ng pagod ko sa araw na iyon. At kahit gaano pa ako kainis, o galit, o lungkot o sama ng loob; masilayan ko lamang ang kanyang mukha ay nagigin kalmado na ako. Ngunit hindi nya ako binibigyan ng pagkakataong kilalanin sya. Hindi ko sya ma-solo. Sa lahat ng lakad na hindi makakasama si Janice ay mayroon syang dahilan para hindi makasama. Nakakasira sya ng bait.

Isa syang sumpa at biyaya; ang kamandag na sumisira sa aking isipan, at ang drogang nakapagpapabalik sa aking katinuan.

Kaya nang maimbitahan nya kaming dalawa ni Janice para sa Thanksgiving dinner sa bahay ng kanyang mga magulang ay napagdesisyunan kong gumawa ng isang pasabog. Isang bagay na alam kong makapagpapahiwatig ng aking nararamdaman sa kanya.

Dahil gaganapin ito sa Upstate New York, dalawang oras mula sa syudad; ay kinakailangan pa naming sumakay ng train sa Grand Central Station.

Nauna na ako sa area at hinihintay silang dalawa. At nang masilayan ko silang papalapit ay may lumapit sa kanilang string quartet na tumutugtog ng kantang Torete.

Ito kasi ang kantang umaalingawngaw sa paligid noong unang beses ko syang makita. Ito din ang kantang makapagpapaliwanag ng aking nararamdaman patungo sa kanya.

Ako'y Torete sa kanya.

*Cut*

"Anak ng! Mga pautot mo talaga tol. Idol ko ang Nice guy days mo. Sobrang makeso hahaha. So what happened?" Dagdag ni Benj habang nangingisi sa mga kalokohan dati ni King.

*Continue*

Kaya pagdating ng chorus, bigla na lang akong sumulpot at kinanta ito. Andaming tao sa paligid, pinagtitinginan kami. At may makabagbag damdamin pa akong speech habang hawak ang kanyang mga kamay:

"These past few days have been crazy. I've been hurt so many times before, and i don't want to play any stupid games anymore. But all I'm asking is a chance to know you better. All I'm asking is an opportunity. It's just a yes or a no. So what do you say?"

*End of Flashback*

"Tapos?" Tanong ni Benj.

Nginitian na lamang sya ni King at umiling.

Pursuit of "The One" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon