Part 18. Mirror Image

188 18 20
                                    

*Flashback time*

Umiiyak si May. Humahagulgol. Nag-away kasi sila ng kanyang boyfriend. At pagod na pagod na daw sya. Gusto nya na daw makipaghiwalay. Ngunit nanghihinayang sya sa haba ng kanilang pinagsamahan.

Nanggalaiti ako sa aking narinig at tinanong sya ng:

"Masaya ka paba? Sigurado ka na bang sya na ang para sayo?"

At walang pag-aalinlangan syang sumagot ng:

"Hindi na... Pero..."

Hindi pa man sya nakakapagsalita ay inunahan ko na sya ng pagsasalita:

"Pero nanghihinayang ka sa tagal ng pinagsamahan nyo? Think about it; hindi ba't mas nakakapanghinayang kung nag-aaksaya ka ng panahon sa taong binabalewala ka?"

"You deserve better May... Kaya wag ka na umiyak. Papangit ka nyan sige ka." At napahalakhak sya sa biro ko. Nabigyan ko sya ng dahilan ngumiti. At unti unti nyang pinakalma ang kanyang sarili.

Napasaya ko sya sa sandaling iyon. Ibang iba daw ako sa lahat ng nakausap nya. Napakagaang daw ng loob nya sa akin.

Unti unti kaming nagpalitan ng mga tanong. Mga pangarap sa buhay, mga planong gawin, at mga gusto o ayaw na bagay.

Nangilabot ako. Parehong pareho kasi kami.

Mula sa planong magpatayo ng sariling restaurant, magtravel around the world kasama ang iyong special someone, paboritong ulam, paboritong inumin, mga gusto at ayaw sa isang tao. Parehong pareho...

Para akong nakatingin sa isang salamin. Sa mga oras na ito, naramdaman kong sya na siguro ang Soulmate ko.

*Cut*

"Anak ng! Sumosoul-" Bago pa man makapangbara si Benj ay inunahan na sya ng kaibigan.

"Bro. Don't even think about it. Serious mode."

Tumango na lamang ang kanyang kaibigan, umaktong zinipper ang bibig at nagpatuloy na ng pagkekwento si King.

*Continue*

Sya na siguro ang babaeng hinahanap ko after all these years. At lalo pa akong nanlambot ng i-kwento nya ang kanyang love life.

Para sa kanya, nakilala nya na ang pinaka-Da Best nyang boyfriend noong bata pa lamang sya. Sa katunayan, hindi sila nagbreak.

Dose anyos sya nito. Medyo Maton pa sya kumilos at pumorma. Ayaw nya sa mga lalake. Pero may isang lalakeng nagpatibok ng kanyang puso; si Christian.

Si Christian ay ang kanyang partner in crime, pero para syang Prinsesa ituring nito. Lagi syang sinusundo nito pagpasok sa eskwela. Walang mintis.

Sa lahat ng kanyang gusto at hilig gawin, mula sa paglalaro, pagbibike, food trip, video games at kung ano ano pa; ito ang kanyang kasama. Napakasaya nya tuwing kalaro Ito. Sya lamang kasi ang nakakaintindi sa kanya. Sya lang ang nakakapagpangiti sa kanya kahit gaano pa sya kabadtrip. Para silang magkasintahang hindi. Napaka-inosente at napakalinis. Walang halong malisya.

Pero isang araw, pagsapit ng kanilang unang taon bilang "magkasintahan" ay hindi sya nasundo ng lalake. Kaya hindi sya napakali at sya pa mismo ang dumaan sa bahay nila Christian.

At napag-alaman nyang nasa Ospital na ito. Naka-confine na daw ang kanyang kalaro. Sinupong na daw kasi ang Cancer nito; Stage 4 na. Matagal nang alam ni Christian ang kanyang karamdaman. Pero pinili nya pa ding makipaglaro kay May.

Hindi na sya pumasok para sa araw na ito. Hindi kasi sya makapaniwala sa nangyari. Hindi nya pa tanggap na bilang na pala ang oras ng kanyang kasintahan kuno.

Lumipas ang mga araw, linggo, ganito na ang routine nila. Pagkatapos ng klase ni May ay didiretso na sya kay Christian. Uuwi na lamang sya kapag palubog na ang araw.

At pagsapit ng Pebrero 28. Nanghihina na si Christian. Nagpapaalam na sya... Hindi nya na daw kaya...

Umiyak si May ng mga panahong iyon, at sinabing: "Brod! Hindi pwede! Aabot pa tayo ng 31! Mag 13 Months pa tayo!"

At kahit hinang hina, nakuha pa nitong sabihing: "Alam mo.. Antanga mo brod... Walang 31 ang February. Hanggang 28 lang."

Napatawa na lang si May. Dahil kahit mamatay matay na si Christian ay nakuha nya pang magbiro...

Pero tinupad naman nya ang kanyang pangako. Umabot pa sya ng March 3. Na technically speaking ay ang kanilang pang 13th Month. Binaiwan ng buhay si Christian ng may ngiti sa kanyang mga labi. Habang hawak nya ang kamay ng kasintahan.

Pagkatapos nyang ikwento ito, nanlumo ako. Hindi ko kasi inaakalang ganito sya kalakas. Na naranasan nya ang ganitong pangyayari sa murang edad. Kung tutuusin, si Christian na ang lalakeng para sa kanya; ngunit hanggang panandalian lamang.

Humingi din ng pabilin ang kanyang yumaong kasintahan bago ito lagutan ng hininga. Gusto nyang maging "babae" si May. Kaya from then on, natuto na syang mag ayos, mag make up at magsuot ng mga damit pangbabae.

Ilang taon ang ginugol upang maka-move on sya kay Christian. Mahigit limang taon bago sya nagkaroon ng kasintahan muli. At ang lalaking ito ay ang kanyang current boyfriend na si Brian.

May natural na angas daw talaga si Brian, pero napaka-persistent nito sa panliligaw. Umabot isang taon bago nya mapa-Oo si May.

Pahirapan din kung tutuusin dahil lahat ng ginawa nila ni Christian ay hindi ginawa ni Brian. Ayaw nya daw kasing ipaalala ang yumaong ex nito.

Pero pagtagal, lalong nawalan ng lambing at apeksyon si Brian kay May. Hanggang dumating na sa puntong ito. Ang pag-aaway nilang dalawa.

*End of Flashback*

"Halos 4 na oras kaming magkausap noong gabing yun. Hindi ko na lang namalayang natapos ang "Magic Date" ng ganun ganun na lang. Wala akong girlfriend. The streak was broken" ani ni King.

"But maybe, I misunderstood that date. Siguro it's a symbol of love. And indeed, exactly four years after I had my second girlfriend, naramdaman kong mahal ko na si May..."

Pursuit of "The One" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon