Part 19. Bakit ngayon ka lang?

176 17 26
                                    

"And after naming mag-usap. Nakasigurado akong tinamaan na ako sa kanya." Dagdag pa ni King.

"Hindi ko pa man sya nakita personally, pero already felt something na hindi ko pa nararamdaman. already felt contented with her. Wala na akong hahanapin pa..."

"But?" Gatong ni Benj habang nagsasali ng beer sa kanyang baso.

"Anong but?" Litong sagot ni King.

"But may boyfriend pa sya diba?" Pabalang na sagot ng kaibigan bago uminom sa kanyang baso.

"Yeah... So anyway..." Sagot ni King bago ipagpatuloy ang kwento.

*Flashback time*

Matapos ng napaka-emotional na pag-uusap namin ni May ay naging malambing na sya sa akin. Lalong naging mas matindi ang pang-aasar ng aming mga kaibigan at mas napadalas din ang aming pag-uusap.

Naging mas mainit ang issue sa pagitan naming dalawa. Lalo na kasi naming sinakyan ang biruan nila sa mga pagkakataong magka-video chat ang grupo.

At isang araw, habang magkaka-video call ang grupo:

"Oi guys. Wait lang ah?" Pagpapaalam ko habang nakapatay ang aking camera. Nagmute na din ako ng mic dahil kinakausap ako ng aking Tita.

Nang marinig ko ang hirit ni Sarah ng:

"Pero Ate May, seryosong tanong. Kamusta kayo ni Kuya King?"

Kinilig naman ang mga mokong kong kaibigan, at nagdadalawang isip pang sumagot si May.

Pero mapilit sila at sinabing: "Sige na Ate May. Habang wala si Kuya."

Bumuntong hininga si May, nag-ipon ng lakas ng loob at sinabing: "Crush ko talaga si King."

Nagtilian naman ang mga kaibigan ko, samantalang ako'y nagpipigil ng ngiti habang sikretong nakikinig sa kanilang usapan.

Ngunit may pahabol pa syang: "Kaso, may boyfriend pa ako eh..."

Totoo nga naman. Nakatali pa sa isang relasyon si May. Ayoko namang maging dahilan ng kanilang paghihiwalay. Hindi ko kasi gawain ito.

Pero unti unti akong nagpaparamdam sa kanya. Sa katunayan, nang malaman kong crush nya ako ay sinimulan ko ng magpadala ng bulaklak linggo linggo; alam ko kasing wala pang nakakapagbigay ng bulaklak sa kanya.

Nagkaroon kami ng "unspoken agreement"

Hindi namin sinasabi sa isa't isang gusto namin ang isa't isa. Pero nararamdaman namin ito sa aming mga galaw, salita at sarili. Alam ng lahat na gusto namin ang isa't isa. Pero hindi namin sigurado sa pagitan naming dalawa kung may patutunguhan ito.

Sa katunayan, ilang beses na nyang pinangakong bibisita sya ng New York. Ngunit dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari at hindi sya matuloy tuloy...

At pagdating pa ng Hunyo, ay unti unting nagbago ang ihip ng hangin.

Hindi na muli naging active si May sa grupo.

Napansin na lang namin sa kanyang facebook na lalo silang nagkakamabutihan ni Brian.

Hindi na sya nagrereply sa aking mga message. Hindi na sya muling sumali sa mga video chat ng grupo. Naramdaman kong unti unti na syang sumasaya, at dumidistansya na sya sa akin.

Nakakatampo. Ngunit wala akong karapatan. Nakakasama ng loob. Ngunit wala akong magawa. NakakalungkotDahil hindi naman kami. At wala naman kaming napag-usapan kung ano nga ba talaga ang "meron" kami.

Napagpasyahan kong tantanan muna sya. Dumistansya muna ako sa grupo at nanahimik na muna.

Gusto ko din kasing mag-isip isip. Gusto kong ipahinga ang aking sarili sa mga bagay na may kinalaman sa pag-ibig. Pero gusto kong bigyan ang sarili ko ng dahilan upang maniwala pa sa mga bagay bagay. Gusto kong matutunan at tanggapin ang posibilidad, na siguro nga ay hindi ako para kay May.

And true enough, when I least expect it. Nakatanggap ako ng isang tawag na makapagbibigay sa akin ng dahilan magtiwala sa tunay na kabutihan ng tao.

*End of Flashback*

Pursuit of "The One" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon