Part 23. End Point

191 18 14
                                    

"Dude. Hindi pa ata kita nakitang ganun kagalit." Pasimpleng banat ni Benj.

Ngumiti lang pabalik si King at sinabing:

"Yun nga. So..."

*Flashback time*

Nagmuni muni ako ng mahabang panahon. Hindi ko sinagot ang mga tawag, message o text ng kung sino man. Naging focus ko lang ang aking trabaho.

Literal na gising-prepare-pasok-uwi-chill-tulog ang aking naging mantra.

Inilayo ko muna ang sarili ko sa ibang tao para maintindihan ang mga pangyayari sa aking buhay.

Hindi ko namalayang birthday ko na pala. At nagbahaan ang greetings, surprises at regalo; ngunit hindi pa din ako masaya. Para kasing may kulang...

Dalawamput tatlong taong gulang na ako. Tila ba nakakaramdam ako ng adulthood crisis. Single pa din kasi ako, samantalang kabi-kabila ang buntisan at kasalan ng mga kaibigan ko sa Pilipinas.

Pag-uwi ko ng bahay matapos ang mga pakulo ng lahat ng taong nakakaalam ng birthday ko ay tsaka ko lang napansin ang aking cellphone. Mayroon akong dalawang missed calls. Mula kay May at Alexa.

Nakatanggap din ako ng isang 48 seconds voice  mail from May:

"Hello? Hello? Happy birthday. Sorry ka ngayon, Di mo sinagot tawag ko. Napakahectic pa naman ng schedule ko." Sungit sungitan nyang pambungad.

Pero bigla na lang lumambing ang kanyang tono-

"Pero by the way. Sana mabasa mo message ko sa Facebook mo para kiligin ka. Hahaha. Sorry Di kami natuloy sa New York. Pero babawi na lang ako next time okay? Di mo man lang narinig ang napakaganda kong boses. Yun pa naman sana bubuo ng birthday mo. Hehehe."

"Happy birthday Achilles Bahaghari ko. Have a good day to you. Enjoy your birthday okay? Call me when you're free, okay? Bye bye love you."

Binista ko na din ang facebook ko at tumambad sa akin ang isang picture na nakaprint screen ang aming conversation at ang kanyang message sa akin:

"Hello baby Achilles, remember this pic? Eto yung first phone call naten na umabot ng 4 hours, kaso naputol hehehe. Eto yung panahong MaKing 5ever eh. Because it's greater than forever diba? Hahaha :)

But before anything else babatiin muna kita. HAPPY HAPPY BIRTHDAY BABY ACHILLES BAHAGHARI! Alam ko naman ako lang hinhintay mong bumati sa sayo e. :)

Sorry laging napupurnada yung pagpunta ko dyan sa NewYork. Di tuloy tayo makapagkita pero alam ko naman may right time si God e. Kung kelan tayo magkikita, malay mo malapit na yun diba? ;)

Basta wait lang tayo. :) ;)

Enjoy your big day baby. I hope di ka na magtampo di ako nakapunta sa birthday mo. Babawi na lang ako ah? WISH YOU ALL THE BEST IN LIFE (especially sa love life) hihihi :D

More candles to blow and more beers to drink. Again. Happy happy birthday Achilles :)

P.S. Ikaw lang ang nag-iisang Hari ng Universe ko!

Pursuit of "The One" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon