Chapter 3 - Soulmate

102 42 123
                                    

"Simple instruction hindi mo pa magawa!" bulyaw ng Boss nito na pahampas pang binaba ang hawak niyang mga dokumento.

Nanatili namang naka yuko si Debie habang walang tigil sa pag sasalita ang Boss nito. Ngunit sa kalagitnaan ng pag-uusap nila unti-unti siyang nakakaramdam ng pag ka inis kaya naman imbis na sagutin ang Boss niya at sabayan ang galit nito, napatiim-bagang na lamang siya.

"Chill, Debie pigilan mo ang sarili mo lilipas din 'to." Bulong nito sa isip niya.

"So, paano na yan ngayon umalis na si Ms. Gina paano niya pa pipirmahan ito! Nag iisip ka ba Debie, one week siyang naka leave buti sana kung dito lang siya sa pinas nag bakasyon pwede ko pang iutos sa'yo yung kapalpakan na ginawa mo, pero na sa Canada siya ngayon. Ano kaya mo bang liparin yun ngayon!!"

"Pero Sir ginawa ko naman po yung inutos niyo, ang instruction niyo sa akin i-abot sa secretary niya at bahala na siyang mag papirma. Di ba sabi niyo pa tinawagan niyo na si Ms. Gina at nag u—"

Hindi na naituloy pa ni Debie ang sasabihin niya dahil sumingit agad ang Boss niya sa pag sasalita. "Nangangatwiran ka pa! Ano ako pa ba ang may kasalanan! Tigilan mo ako ng pero pero mo na yan!!"

Halos mabasag ang eardrum ni Debie dahil sa sobrang lakas ng boses nang Boss nito, kahit ang mga tao sa labas nawala sa konsentrasyon dahil sa nakaka alarmang boses na nanggagaling sa loob ng kwarto kung saan sila nag uusap.

''You may go!!'' He strongly said.

Naka yuko namang lumabas ng pinto si Debie. Nag angat lamang ito ng tingin ng marinig ang boses ni Nilo.

''Girl, o-okay ka lang ba?'' Nilo asked.

''Hindi!'' mariin na tugon ni Debie.

Napalunok naman si Nilo dahil sa tono ng boses ni Debie at sa reaksyon ng mukha nito. Isang maling galaw at parang bulkang sasabog ito.

''Isang isa na lang talaga kahit matanggal pa ako dito sasapakin ko yan! Yung katangahan niya sa akin niya ipapahid, napaka linaw nga ng instruction niya pero siya naman ang hindi naka intindi! Leche siya!!'' bulalas nito.

Para mapakalma ang kaibigan na isipan ni Nilo na ayain na lang 'tong lumabas at agad namang pumayag ang dalaga, para na rin makahinga siya ng maayos pagkatapos ng mainit na diskusyun ng boss nila.

"Alam mo talaga kung ano mag papakalma sa akin." Sabi ni Debie habang may malaking ngiti sa mukha.

"Naman, alam ko kasi na any moment mag hi-hysterical ka na doon at baka mamaya magkaroon ng delubyo sa office masipa pa tayong dalawa." Natawa na lang silang dalawa at nag patuloy sa pag kain.

"Nga pala hindi ka ba uuwi ng Nueva Ecija?" Nilo asked.

Umiling lang si Debie bilang sagot.

"Teka nga bakit ba tanong ka ng tanong about sa pag uwi ko sa Nueva?"

"Eh kashe namen tagal ko ng hindi nakikita si fafa Chad —,"

"Miss mo? Ikaw na lang umuwi sa amin!" asiwang suhestyon ng dalaga.

"Init ng ulo ganyan ba talaga kapag walang jowa?''

''Hindi no.'' Tugon ni Debie.

Lumipat naman mula sa katapat na upuan si Nilo dahil sa nakaka intrigang sagot ng kaibigan saka tinabihan ito. ''Ikaw ha may hindi ka sinasabi sa akin. So who's this guy naman at saan mo siya nakilala?'' sunod sunod na tanong ni Nilo.

''Pwede ba isa-isa lang at saka wala akong balak na ipakilala siya sa'yo mamaya landiin mo pa, eh di na hopia ako!'' singhal ni Debie.

Tumawa naman si Nilo ng malakas at saka napahampas sa balikat ni Debie, ''Hoy grabe ka kailan ka pa natutong mag damot? At ikaw ha may balak ka pang jowain siya?"

My 3AM FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon