Chapter 9 - Team Building

55 17 36
                                    

Nagkaroon ng biglaang team buliding ang Accounting Department dahil sa biglaan ding pag papalit ng head nila.

Mag kasabay na dumating ang tatlong van lulan ang mga employado na handang handa na para mag relax, mag saya at gawin ang mga. Isa-isa na silang dumadating sa lobby ng hotel na tila may mga sari-sariling mundo. Abala ang lahat sa pag kuha ng picture sa paligid, requirements na ito sa kanila dahil lahat sila umiikot ang mundo sa social media. Pero may napansin ang bago nilang boss na nakakuha ng atensyon niya.

"Debie, are you okay?" pabulong na tanong ni Mr. Gutierrez ang bago nilang head.

Bahagyang nagulat si Debie dahil sa biglaang pag lapit ng mukha nito sa tainga niya, ramdam nito ang mainit na hininga galing sa boses na narinig niya.. "A-ah, yes sir." Lumingon siya ngunit binawi rin agad ang tingin.

"Siguro madalas ka dito kasi look at them restroom na lang yata ang hindi nila nakukuhanan ng picture, tapos ikaw naman nag sesenti ka dyan, may problema ka ba?" Problema agad? Gusto ko lang ng tahimik.

Hindi naman mapigilang mailang ni Debie dahil halos lahat yata ng naging boss niya madalas siyang kausapin at hindi rin empleyado lang ang turing sa kanya. Pero wala siyang magawa kundi maging mabait at pakisamahan sila because at the end of the day Boss sila at mas mataas sila sa kanya.

"Actually first time ko lang po dito, hindi lang po ako mahilig sa picture."

"Bakit naman, eh, sa ganda mong yan for sure gustong gusto ka ng camera." Shit, na saan ka na ba kasi Nilo.

Ngumiti na lang siya ng pilit saka binalik ang tingin sa kulay asul na dagat. Gagawa na sana ito ng rason para makatakas sa pakikipag usap sa boss niya ng eksakto namang dunating si Nilo, agad niya itong sinalubong at kinausap.

"Hoy ano ka ba kanina pa kita hinahanap, pinandilatan nito ng mata si Nilo senyales na kailangan niyang sakyan ang mga sasabihin nito, kilala ka pala nung head ng housekeeping pinapatawag ka nga, eh." Nag paalam na ang dalawa saka mabilis na nag lakad papasok sa loob.

"Hoy kailan ko pa nakikilala yung head ng housekeeping dito?" Tumaas bigla ang nagkakapalang kilay nito.

"Kanina lang." Tugon ni Debie habang nag lalakad ng mabilis na nakatuon lang ang atensyon sa dinaraanan nila.

Nag simula na ang mahabang araw nila kaya naman maaga silang kumain ng pananghalian at eksaktong ala una ng hapon sinimulan nila ang mga palaro. Ang mga palarong susubok sa talino, diskarte at ng lakas ng pangangatawan ng bawat isa sa kanila.

Alas tres ng tanghali ng mag break sila mula sa pag lalaro binigyan lamang sila ng bente minutos para makapag pahinga. Nag kanya kanya naman ang apat na team, may mga nag punta sa restaurant para mag palamig, meron naman mga tao sa gilid ng pampang at yung iba nanatili kung saan sila nag lalaro.

"Hay, naku nakita mo ba kung paano na naman landiin ni Debie si Mr. Gutierrez, grabe kakaiba talaga ang babaeng yun. Slut ng taon!" dinig ni Debie ang bawat salitang binibitawan ng mga babaeng matagal ng naiinis sa kanya pero imbis na komprontahin pinili na lang niyang manahimik.

Kalma Debie, hindi ka na teenager pa para patulan ang mga walang sense na mga babaeng ito.

Tuloy lang si Debie sa pag inom ng tubig at pag papaalala sa kanyang sarili na kumalma lang dahil wala naman siyang mapapala kung papatulan niya ang mga ito.

Na antala naman ang kanyang pag inom ng bigla siyang makarinig ng malakas na boses. "Hay naku bakit ba ang daming langaw dito siguro may na amoy na namang pag kain! Kayong mga langaw ang dapat sa inyo kinokoryente para hindi na kayo makapg dala ng sakit sa ibang tao, tulad ng iba dyan puro ka insecure-ran ang hatid." Sinadyang lakasan ni Nilo ang boses niya para iparinig sa mga babeng walang ginawa kundi pag usapan ng talikuran ang kaibigan niya.

My 3AM FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon