Chapter 15 - Home

15 3 2
                                    

Nasa kalagitnaan na sila ng byahe ng magising si Nilo, "Girl saan na tayo?" tanong niya habang kinukuskos ang mata at pilit na minumulat. "SCTEX, pa lang tulog ka na muna ulit." Sagot naman ni Debie habang hinahaplos ang buhok ni Nilo, hinawi naman niya ang kamay nito, "Girl baka pag kamalan akong lesbian niyan, huwag mo ngang gawin sakin yung ginagawa mo kay Chad." Kumunot ang noo ni Debie pero bahagya namang nangiti ito.

Hindi na natulog pa ulit si Nilo hanggang sa makarating sila sa hometown ni Debie, dahil sa loob ng halos tatlong oras na byahe kinukulit na niya si Debie na mag kwento ng about sa naging past nila ni Chad. Sumasagot naman si Debie sa mga tanong nito pero pili lang dahil hanggang ngayon ayaw niya pa ring pinag uusapan ang dahilan kung bakit siya nakipag hiwalay kay Chad.

"Sweet niyo naman pala before, eh bakit ba ang hirap para sa'yo na ibalik yung dati?"

Napabuntong hininga si Debie bago ito sumagot, "Eh, kasi nga alam ko namang temporary lang yung ka sweetan niya at saka mas priority na niya yung career na pinili niya ngayon kesa sa amin. And I thank you!"

"Ay kaloka pang beauty queen ang sagot. Pero what if, what if lang naman iwanan niya yung pulitika may chance ba na maging kayo ulit?"

"Malabong iwan niya yun, knowing Chad kapag ginusto niya ang isang bagay hindi niya yun bibitawan."

"Eh, mukha namang hindi ka pa rin niya binibitawan hanggang ngayon."

"Feeling mo lang yun, before kasi kahit hindi pa nagiging kami ganyan na siya ka caring kaya nga marami ang nakaka misinterpret nang ugali niya at kaya rin lagi kaming nag-aaway."

"Sweet and caring, saan pa kaya may Chad sa mundo?" sabi nito habang nakapatong ang ulo sa balikat ni Debie.

"Bakit hahanapin mo?" mausisang tanong ni Debie

"Hindi, palalayuin ko sa'yo para hindi sayang effort niya." Sagot naman ni Nilo na may kasamang pag irap pa.

"Kaibigan talaga kita 'no?" sarkastikong sagot naman ni Debie.

"Naman, ako kaya ang pinakamaganda mong friend." Umarte na naman ito na parang isang beauty queen kaya pati ang mga taong na sa gilid nila natatawa din sa pinag gagawa ni Nilo.

"FYI, hindi girl kapag nakilala mo si Lucy baka ma intimidate yung ganda mo."

"Ay nag hahamon sige ora mismo iharap mo sa akin yang Lucy-fer na yan!" Dahil napag usapan ang tungkol sa kagandahan mas lalong nabuhay ang dugo ni Nilo at kung walang ibang tao sa loob ng buss panigurado rarampa na naman ito na parang isang kandidata sa Miss Universe.

Nahinto lang sa pag kukwentuhan ang dalawa ng maka receieved si Debie ng text message mula kay Chad.

                                          Chad

Chad:
Na saan na kayo?
9:58 pm

Debie:
La paz, na.
10:00 pm

Chad:
Text mo ako kapag Sta. Rosa na kayo.
10:01 pm

Debie:
Yep, bahay ka na ba?
10:02 pm

Chad:
Wala, dito ko sa bahay nila Vice.
10:02 pm

Saktong 10:30 pm ng makarating ang bus na sinasakyan nila sa Terminal ng Cabanatuan. Naka upo si Chad sa loob habang hinihintay sila. Nakatulala ito na para bang malalim ang iniisip. Nang makapasok na sila sa loob ng terminal nakita agad ni Debie si Chad at napansin din niyang mukhang wala sa kondisyon ito. Mabuti na lang at may natitira pang enerhiya si Nilo kaya naman pa hiyaw niyang tinawag ito. Nabasag naman ang katahimikang kanina pa bumabalot sa binata.

My 3AM FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon