Chapter 6 - Sorry

69 36 50
                                    

"Uy, girl parang sobra ka na sa pananakit sa kanya. Nag eefort yung tao tapos binalewala mo na nga tatarayan mo pa. Deserve rin niya itrato ng tama, sige ka kapag yan nawala baka mag sisi ka." Natigilan ang dalaga sa ginagawa niya pakiramdam nito may kung anong kuryente ang dumaloy sa buong katawan niya dahil sa mga sinabi no Nilo.

Pero sa huli pinili niya paring mag taray at balewalain ang naramdamang pag ka bahala. "Napaka annoying niya na kasi."

"Ang akin lang matuto kang mag appreciate ng effort, alam mo kung ano yung feeling ng hindi pinapansin kahit sobra yung effort mo, 'di ba naranasan mo yan sa Papa mo, masakit 'di ba? Kaya kahit naka ngiti lang si Chad deep inside nasasaktan din yan." Sermon ni Nilo sa kanya.

Pero tuloy parin sa ginagawa niya si Debie kaya hindi na naka tiis pa si Nilo kaya tumayo na ito at humarap sa dalaga, hinawakan niya ang dalawang balikat nito saka niyugyog, "May puso rin siya girl." Sinamaan naman siya ng tingin ni Debie saka inalis ang dalawang kamay na nakahawak sa balikat niya.

"Tapatin mo nga ako, yuon parin ba ang reason kung bakit pinipigilan mo yung sarili mo na mapalapit ulit sa kanya. Dahil baka mahulog ka ulit at tuluyan kang ma in love sa kanya?"

Napa kibit balikat na lamang ito. "Ewan." Walang ganang sagot niya.

"Wag na tayong maglokohan Debie alam natin parehas na mahal na mahal mo parin si Chad. Deffense mechanism mo lang ba ang pagiging cold sa kanya, kasi hanggang ngayon may takot parin dyan sa puso mo." Pag kaklaro ni Nilo.

Tuluyan na nitong sinara ang Laptop niya dahil hindi na rin siya makapag concentrate sa ginagawa niya, dahil na rin sa mga sinasabi ni Nilo. Hindi na niya alam kung ano ang unang iintindihin, si Chad ba na patuloy niyang nasasaktan o yung trabaho na kailangan niya.

"So anong gusto mong gawin ko?"

"Ibalik mo sa kanya yung mga effort na ginagawa niya at mas doblehin mo pa para naman makabawi ka sa pagiging maldita at cold mo sa kanya!" At dahil sa mga sermon at pag papaalala ni Nilo natauhan na nga ito kaya naman wala na siyang pinalagpas pa na segundo at nilabas na nito ang cellphone niya para itext si Chad.

                                       Debie

Debie:
Huwag ka muna umuwi ngayon, dinner tayo.
3:25 pm

Nilapag nito ang cellphone niya sa lamesa ni Nilo para ipakita ang message na i-sesend niya kay Chad. "Sus walang ka sweetan, ano ba naman yan Debie!" Napa simangot si Nilo at halatang na dismaya sa nabasa niya.

Napangiwi naman si Debie na parang hindi nito alam ang dapat sabihin kay Chad para gumaan man lang ang nararamdamn nito kahit sa text message lang. "Ha? Eh, anong gusto mong sabihin ko?" naguguluhang tanong nito.

Inagaw ni Nilo ang cellphone niya at saka ito nag type ng dapat na laman ng mensahe ni Debie para kay Chad.

Debie:
Chad, usap tayo mamaya over dinner. Sorry kanina dala lang nang trabaho kaya mabilis uminit ulo ko. Hope you understand... I love you.
3:33 pm

Ngingiti ngiti pa ito habang tinatype ang na sa isip niya, kaya naman na intriga lalo si Debie at hindi na nito hinintay na isoli ang cellphone niya at siya na mismo ang kumuha nito kay Nilo.

"Okay na sana girl pero bakit may "I love you" sa dulo?!" pamumuna nito.

"Ano ba naman Debie dapat kapag nanunuyo ka mag uumpisa ka sa apology tapos aaminin mo yung pagkakamali mo then after that maging sweet ka sa kanya-"

"Pero pwedeng maging sweet kahit walang I love you." Umiling iling na lang si Nilo at saka pinindot ang send button nang ma tiyempohan niyang wala sa cellphone ang atensyon ni Debie.

My 3AM FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon