Chapter 5 - Cold

82 36 54
                                    

Tahimik ang tatlo habang hinihintay ang inorder nilang pag kain, may kanya kanya silang pinag kakaabalahan para hindi mainip sa pag hihintay. Si Nilo nilabas ang cellphone niya at tinuon ang atensyon dito, si Debie naman nakatingin lang sa labas at pinag mamasdan ang mga sasakyang nag sisisdaanan habang si Chad abala rin sa pag titig kay Debie.

Tumikhim si Nilo para mabasag ang katahimikan pero hindi umipekto ito at patuloy lang ang dalawa sa ginagawa nila. Pinag patuloy na lang din nito ang ginagawa niya hanggang sa may nakita siyang post sa isang page ng social media at sigurado siyang mag rereact ang dalawa kapag binasa niya ito ng malakas.

"Do you found someone that you don't want to lose?" malakas na pag basa nito at palihim na tinignan ang reaction ng dalawa, napatingin naman si Debie sa kanya habang si Chad nanatiling naka titig kay Debie.

"Yung page na naman ba na kinaaadikan mo yan?" iritadong tanong niya. "Yes girl, gusto ko kasi mag comment kaya lang mas maganda sana kung genuine yung sagot ko. Eh, kaya lang hindi ko pa naman kasi na hahanap yung taong ayaw kong mawala kaya hindi ko alam yung sagot." Nag kunwari namang nalungkot ito para sagutin ng dalawa ang tanong na bibasa niya

"If you found someone that you don't want to lose, keep that person because he/she might be the one for you. The right person for you and the person that you will love the most for the rest of your life. And I already found that person." He said seriously and sincerely while staring at Debie.

Tinitigan niya rin si Chad pero hindi katulad ng pag titig sa kanya nito. Walang reaksyon ang mukha niya at parang wala siyang kahit konting naramdaman sa mga salitang narinig niya.

"What if he/she is not the one for you?" Tanong naman ni Debie na blanko parin ang reaksyon ng mukha.

"Then I'll do everything just to make her mine again." Ngingiti ngiting sagot ni Chad.

Sumingit naman bigla si Nilo dahil naguguluhan na ito sa mga pinagsasa sabi nila, "Teka lang time first muna, yung question pa ba yung topic or kayong dalawa na?" sabay na tumingin ang dalawa sa kanya ngunit saglit lang ito at nag patuloy ulit sila sa pag sasagutan.

"O talaga?" sarkastikong sagot ni Debie.

"Oo talaga, kahit na napaka hard headed niya at kahit pa kasing lamig siya ni Frosty the snowman dahil sa sobrang cold niya sa akin, gagawin ko parin ang lahat para bumalik siya sa akin." Natawa naman si Debie na may halong pag ka asiwa.

"Hindi ka ba napapagod?" kunot nong tanong nito.

"Hindi ako mapapagod kasi nakita ko na yung taong pang relationship goals at magiging Nanay ng mga anak ko. Alam kong babalik siya sa dati, at babalik din yung dating kami."

"Parang siguradong sigurado ka na babalik siya sa'yo." iiling iling na sabi ni Debie.

Kumunot ang noo ni Chad at mabilis na nag tanong. "Bakit may iba ka na ba?"

"Kung oo titigil ka na ba?" mabilis din naman itong sinagot ni Debie.

"Hindi, hangga't hindi ko nasisigurong masaya ka sa kanya." Nakangiti pero halatang may pait ang tono ng boses nito.

"Sinasayang mo lang yung oras mo, mas mabuti kung itutuon mo yung oras mo sa pag lilingkod sa gobyerno tutal dyaan ka naman masaya!"

"Ipakilala mo muna siya sa akin at kapag nasiguro kong okay siya, sige titigilan na kita."

Muli namang nakisingit si Nilo sa usapan nila, "Wait girl is that Clark?"

Nabaling ang tingin ni Chad kay Nilo dahil sa nabanggit na pangalan nito. "Sinong Clark?" nag tatakang tanong ng binata.

My 3AM FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon