Chapter 4 - Mine

76 33 63
                                    

Dahan dahang minulat ni Chad ang mga mata niya at bumungad dito ang mala-anghel na mukha ni Debie na mahimbing na mahimbing na natutulog habang pinag uunanan ang kanang braso niya.

"Kahit nangangalay na ako at kahit hindi dumaloy ang mga dugo ko sa braso ayos lang nag eenjoy naman akong titigan ka... Mine ko. Sana hindi na matapos ang araw na 'to, sana lagi ka nalang puyat para kahit maging clingy ako sa'yo at yakapin ka mag damag okay lang kasi hindi ka nag rereklamo dahil pagod ka. Pero mas gugustuhin ko parin yung Debie na masungit at mataray basta makita ko lang ulit yung saya sa mga labi mo." Hinalikan nito ang noo ni Debie bago siya bumangon. "Good morning Mine ko." Bulong nito.

Habang mahimbing ang pag kakatulog ni Debie sa loob ng kwarto niya, sinamantala naman ito ni Chad para makapag handa ng agahan. Tanging mga itlog lang ang laman ng ref ni Debie nang buksan niya ito kaya naman napa iling na lang ang binata habang kinukuha ang mga itlog sa loob ng refrigerator

"Tsk tsk tsk, Debie talaga pati pag go-grocery kinatamaran na."

Mabilis na naka luto si Chad at tanging sandwich na lang ang hinahanda niya ng biglang magising si Debie mula sa mahimbing na pagkaka tulog.

"Uhm... ano yan?" tanong nito habang nag iinat ng mga kamay.

Nginitian naman siya ni Chad, "Umupo ka na Mine malapit na 'to."

Nang matapos na ito sa ginagawa agad na niyang sinamahan si Debie sa hapag kainan.

"Tada... egg sandwich, fried egg at egg rice." nanatili namang nakatitig sa kanya si Debie na tila ba nag tataka sa mga nakahaing pag kain.

"Puro egg talaga? nag ke-crave ka?" tanong nito.

"Hindi naman, kasi yung babaeng nakatira dito tamad mag grocery kaya ayan puro tuloy itlog ang nakahain ngayon." Sabi nito habang nilalagyan ng kape ang mga tasa nila.

"Busy siya kaya huwag mo sisihin." Inis na sagot ni Debie saka himigop ng kape.

"Pakisabi naman na baka pwede mag apply sa kanya para naman hindi siya gigising sa umaga na puro itlog ang kakainin." Kumindat pa ito bago lagyan ng kanin ang plato ni Debie.

"Wala siyang pampasweldo paki sabi nalang din." Sagot ni Debie saka umirap.

"Kiss at hug lang sapat ng kabayaran." Pilyong suhestyon ng binata.

"Sapak at sipa pwede?" sarkastikong tanong ni Debie.

"Yung ka brutalan mo yata talaga ang minahal ko."

"Tigil tigilan mo nga ako at kumain ka na lang dyan." Walang ganang sabi ni Debie.

"Okay po Mine ko." Kinindatan niyang muli si Debie bago tuluyang kumain.

Habang na sa kalagitnaan sila ng agahan hindi naman mapigilan ni Chad na mapangiti dahil sa sayang nararamdaman. Ilang buwan din ang lumipas bago nito nakasamang kumain ulit si Debie ng silang dalawa lang at walang mga nakapaligid na body guard.

"Umuwi ka na ha, ayoko ng bisita at gusto ko mapag-isa." Nawala ang mga galak sa mukha ni Chad ng marinig ang sinabi ni Debie.

"Ayaw mo na ba ako makasama?" paawang tanong niya.

"Hindi sa ganun, gusto ko lang talaga mapag-isa." Seryosong sagot nito.

Bumuntong hininga naman si Chad. Bakas sa mukha nito ang lungkot na nararamdaman, tinignan naman siya ni Debie na parang nakokonsensya, mag sasalita na sana ito para bawiin ang sinabi niya ng biglang tumunog ang cellphone ni Chad. Parehas silang napatingin sa nag ri-ring na cellphone. Kumunot ang noo ni Debie at halos mag salubong ang kilay nito, samantalang si Chad naman halos pag pawisan na sa gulat at kaba.

My 3AM FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon