Chapter 11 - Park

26 8 4
                                    

Habang mahimbing ang tulog ni Nilo, si Debie naman dilat pa rin ang mga mata dahil sa mahabang pagkakatulog kanina.

Sinubukan nitong makinig ng music sa cellphone niya para makatulog pero wala pa ring epekto sa kanya at lalo pa nga yatang nabuhay ang isip at dugo niya, kaya pinatay niya rin ang music at tumayo na sa kama.

Sinubukan niya ring manuod ng TV pero lahat na yata ng channel tinignan niya at wala siya ni isang nagustuhang palabas kaya pinatay niya rin ito. Binuksan niyang muli ang cellphone niya at balak sana nitong mag open ng isa sa mga social media account niya pero naalala niyang binura niya na pala ang lahat ng ito.

"Yung sobrang pagka bored ko mas nabubuhay pa yung isip ko. Hindi pwede 'to!" Kumuha siya ng jacket sa closet niya at tuluyang lumabas ng unit nito.

Papunta siya sa malapit na convenience store na lagi niyang tinatambayan nang sakto namang na abutan niyang nag lalakad din palabas ng building si Clark, kaya napag pasyahan nitong ayain na lang si Clark, pero tumanggi ang binata kaya sa bakanteng upuan sa Park sila napunta.

Tahimik silang nakaupo habang dinadama ang malamig na simoy ng hangin. Napansin ni Debie ang biglaang pananahimik ni Clark, kaya naman naisipan niyang magtanong para maputol ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa.

"Ano ba ang mas masakit yung iwan ka ng biglaan o iwan ka ng dahan dahan?" tanong ni Debie na hindi naman sinagot ni Clark, bagkus nag tanong din ito. Tanong na kanina pa bumabagabag sa isipan niya.

"Ano ang sikreto mo at kahit mahirap ang mga pinagdadaanan mo at ang sitwasyon na kinalalagyan mo nagagawa mo pa ring bumangon sa umaga at makapasok sa trabaho na parang... isang normal na tao?"

Natawa ang dalaga dahil sa tanong ni Clark, dahil ito rin ang tanong na matagal nang na sa isipan niya. Kung paano nga ba niya ito nagagawang labanan?

"Siguro kapag nasanay na tayo sa sakit, sa hirap at sa dilim ng paligid makakaya mo rin yung ginagawa ko, makakaya mong maglakad kahit wala ka ng makita, makakaya mong tumayo kahit hindi na kinakaya ng mga paa mo, at matututunan mong mahalin yung sitwasyong kinalalagyan mo hanggang sa masanay ka na lang at maging ordinaryong bagay nalang ito sa'yo..." Napahinto siya bigla. Na pa isip sa mga bagay na sinabi niya, hanggang sa unti-unting namumuo ang mga luha sa gilid ng mga mata niya.

"Alam mo ba naisip ko noon... actually hanggang ngayon naman, na sana habang natutulog ako huwag na lang akong magising o kaya naman sana huminto na lang bigla yung pag tibok ng puso ko para mawala na lahat. Para mawala na lang din ako." Ramdam ni Clark ang bigat ng bawat salitang binibitawan ni Debie kaya naman imbis na yakapin ito tinapik tapik niya ang balikat nito hanggang sa kumalma ulit siya at maramdaman niyang nandito lang si Clark sa tabi niya para samahan at damayan siya.

Tinignan niya si Clark na kasalukuyan ding nakabaling ang tingin sa kanya. Ngumiti siya ng bahagya at pinunasan ang luhang tumulo sa kaliwang pisngi niya. "Pero ito ako ngayon... buhay na buhay pilit na lumalaban kaya ikaw huwag kang susuko kaya mo rin yan. Nakaya ko nga di ba? Kaya dapat ikaw din." Binigyan niya ito ng ngiti saka tumingin ulit sa langit.

"Tungkol pala sa tinatanong mo, kung saan ang mas masakit ang iwan ka ng biglaan o iwan ka ng dahan dahan... Para sa akin depende sa taong mang iiwan sa'yo. Kung gaano mo siya pinahahalagahan at kung gaano mo siya kamahal."

"So ano nga ang sagot mo?" Tanong ni Debie

"Sino ba yung pinag uusapan natin?" Humarap si Clark sa kanya at nag tatakang nag tanong.

"Basta sagutin mo na lang, o kaya gumawa ka ng situation para mas ma feel mo." suhestyon ni Debie.

"Okay, ganito na lang. Kapag kasi iniwan ka ng dahan dahan baka pwede mo pang malaman yung dahilan ng pang iiwan niya o kaya mapigilan mo pa at isa pa mas makakasama mo pa siya ng matagal kasi nga dahan dahan, unlike sa biglaan na wala kang choice kundi tanggapin nalang yung katotohanang iiwan ka niya at ang tanging magagawa mo lang ay mag paalam. Pero para sa akin nakadepende kung gaano kahalaga yung taong mang iiwan sa'yo o nang iwan sa'yo." Tahimik lang ang dalaga na parang iniisip nitong mabuti ang bawat salitang binibitawan ni Clark.

My 3AM FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon