Chapter 14 - Text

21 3 1
                                    


        Chad

Chad:
Goodmorning ;)
7:13 am

Chad
Gising na baka malate ka niyan :)
7:17 am

Chad:
Debie! :(
7:20 am

Chad:
Mag breakfast ka bago pumasok sa office ha!
7:23 am

Chad:
Mag grocery ka na rin pala at baka puro itlog na naman ang laman ng ref mo.
7:24 am

Chad:
Last na, mag taxi ka na lang at baka inaantok ka pa sabi kasi ni Nilo madaling araw ka ng umuwi kanina delikado mag drive kapag puyat.
7:25 am

Chad:
Reply ka naman kapag nabasa mo na to! I love you always ;)
7:30 am

Sunod sunod na text message ang natanggap ni Debie mula kay Chad na nagpagising ng diwa nito. "Tss." Nasisilaw man sa liwanag ng screen ng cellphone niya pilit pa rin nitong minumulat ang dalawa niyang mata na gustong gusto pa ring pumikit at bumalik sa pag tulog.

Pagkatapos niyang mabasa ang lahat ng message binaba na niya ang cellphone sa kama at nanatiling nakahiga at nakatulala sa kisame. "Hindi ko feel pumasok ngayon, mag leave na lang kaya ako?" Isa pang text message ang natanggap nito na nag pangiti naman sa kanya.

Chad:
Huwag mo ng tangkaing umabsent sayang sweldo, remember 3 years mo pang babayaran si James Red. Haha! Bangon na Mine ;)
7:40 am

Debie:
Correction 2 and half years na lang, at saka pano mo nalaman na balak kong umabsent?
7:41 am

Debie:
Tigilan mo nga ang pag tawag sa akin ng mine!
7:41 am

Chad:
Haha sabi ko na at inatake ka na namn ng katamaran. Don't worry mine, este Debie pala dadalawin kita ulit dyan para ganahan ka pumasok.
7:43 am

Debie:
Eww! Never mind! Huwag ka ng manggulo gagayak na ako.
7:45 am

Chad:
Gusto mo bihisan kita? haha joke... I love you always.
7:46 am

Dahil hinahabol na naman niya ang oras mabilis itong gumayak at hindi na kumain pa ng agahan sigurado kasi siyang traffic ang sasalubong sa kanya pag labas niya ng condo.

Pagdating niya sa office lahat ng mga empleyado sa department nila ay nakatuon ang tingin sa kanya. Late lang ako, kung makatingin kayo parang may ginawa akong krimen! Hindi na niya pinansin pa ang mga ito at dumiretso na agad sa cubicle niya. Nadatnan naman niya si Nilo na nakatayo sa pagitan ng cubicle nila na tila ba kanina pa siya hinihintay.

"Ayan kasi nangapit bahay ka pa sa akin kagabi kaya na late ka tuloy!" bungad ni Nilo, nang makitang palapit na si Debie sa desk niya.

Mahinang sumagot si Debie, "Kasalanan mo kaya ako na late!" Umupo na ang dalaga saka pinindot ang power button ng computer niya.

"Dahil yan sa ka chismosahan mo kaya ka na late!" umupo na rin si Nilo sa upuan nito at habang hinihintay na mag open ang screen ng computer ni Debie patuloy pa rin ang dalawa sa pag-uusap

"Eh kung kinuwento mo ba naman ng maaga eh di sana hindi tayo inabot ng madaling araw!"

Kahit mahina na ang mga boses nila dinig pa rin ito ng mga grupo ng babaeng insecure kay Debie. "Work muna bago chika!" Parinig ni Ella saka tumingin sa mga kaibigan at nag tawanan. Hindi naman nag pahuli si Nilo kaya sumagot din ito, "Mind your own business suneyo!" Mataray na pahayag nito. Nag tawanan naman ang lahat bukod sa grupo nila Ella, dahil alam nila kung ano ang bansag ni Ella kay Nilo.

My 3AM FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon