Chapter 10 - Bestfriend

46 14 38
                                    

Matapos ang outing sa Bataan minabuti na lang ni Nilo, na samahan ang kaibigan sa condo niya dahil na rin sa hang over kagabi at sa binilin sa kanya ni Chad.

"After sa beach, jungle naman ang punta natin?" natatawa pa ito habang iniikot ang tingin sa kabuohan ng bahay ni Debie.

"Anong jungle, ikaw yata ang may hang over." Dumiretso siya sa kwarto niya sabay lapag ng gamit sa sahig at pabagsak na humiga sa kama.

Sumunod naman si Nilo na hawak ang isang pares ng damit nito na winawagayway pa na parang bandila. "Jusko magiging jungle na yung bahay mo dahil sa mga kalat mo. Ano bang nangyari sa'yo? Nag landian lang ba kayo ni Chad dito ng tatlong araw?"

Binato nito ng unan si Nilo, at sakto namang natamanan ito. "Ulol, landian ka dyan!"

"Eh, bakit ba kasi ganito ka gulo yung bahay mo, rambol lang ang peg? Wala ka bang balak mag linis o ayusin man lang yung mga kalat mo?"

"Pagod ako mamaya na lang." Mabilis na sagot nito sabay takip ng unan sa mukha.

Nahiga na rin si Nilo sa tabi nito at sinusubukang kuhanin ang tulog pero mas nangingibabaw sa kanya ang pag kairita sa mga kalat na nakikita niya. Kaya naman mula sa pag kakahiga bumangon din ito ka agad.

"Hindi ko keri ang mga kalat mo Debie, lalo akong na i-stress." Iiling iling na reklamo nito habang padabog na nag lalakad pabalik ng sala.

Nag simula na si Nilo na ayusin ang mga kalat. Sinimulan nito sa mga nakatambak na hugasin sa lababo. Tambak na plato at mga baso ang tumambad sa kanya. Na pa iling na lang ito sabay kuha ng apron "Hindi ba uso ang mag urong sa kanya, sana pala sa dissposable ka na lang kumakain at umiinom. Kaloka!"

Pag katapos malinisan ang kusina lumipat naman ito sa sala kung saan kalat-kalat na pinag samang damit, mga nilamukos na papel, mga libro tungkol sa art at mga pinag balatan ng mga chichirya, kendi at kung ano-ano pang pag kain.

"Mukhang hindi nga jowa ang kailangan mo, mas kailangan mo ng katulong, nasobrahan ka na yata sa pagiging tamad."

Alas sais na ng gabi ng matapos si Nilo sa pag lilinis ng buong bahay. Inabot din ito ng dalawang oras sa pag lilinis kaya na upo muna siya sa couch sa sala at habang nag papahinga kinuha niya ang cellphone sa bulsa at muling tiniganan ang mga litratong kuha mula sa naganap na outing nila kahapon.

Habang nakangiting tinitignan ang mga larawan nila bigla namang dumulas ang hawak niyang cellphone sa kamay. Nahulog at tumalbog ito sa ilalim ng lamesa. Lumuhod ito para kapain ang cellphone at ng may mahawakan siya agad niya itong hinugot pero hind pala ito ang cellphone niya. Nakuha niya ang sketch pad ni Debie na halos maubos na ang pahina. "Naku, sa'yo siguro galing yung mga nakakalat na nilamukos na papel." Pinagpag niya ito para mawala ang mga agiw at alikabok na kumapit dito at ng buksan niya ito nanlaki ang mga mata niya at nag taka.

Unang pahina pa lang ang pinag mamasdan niya napataas agad ang kilay nito at halos hindi na ma ipinta ang mukha, hanggang sa ilipat na niya ito sa mga sumunod pang pahina at lalo siyang naguluhan sa mga nakikita niya. "Bakit ganito yung mga naka drawing dito, parang bumalik yung pagod at stress ko!" Kaya naman inilipat pa niya ito hanggang sa makakita siya ng mas ka ayaaya sa paningin.

"Jusme, akala ko puro na lang tragedy, buti naman at may maganda rin akong nakita pero mas gaganda 'to kung ang mukha ko yung i-da-drawing niya. Pang miss Universe kaya ang beauty ko!"

Habang abala si Nilo, sa pag tingin sa mga naka drawing sa sketch pad ni Debie, hindi naman niya namalayan na gising na pala ang dalaga at kasalukuyang nag lalakad papunta sa likuran niya para sana gulatin ito. Pero parehas silang nagulat ng makita nila ang isa't isa. Sabay pa silang na pa sigaw ng malakas at pag katapos ay natawa na lang sa naging reaksyon nilang dalawa.

My 3AM FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon