Chapter 12 - Hospital

39 7 1
                                    

Na una ng sampung minuto si Nilo sa hospital na sinabi ni Debie kung saan sila mag kikita ni Clark.

"Maaga pa naman kaya irarampa ko muna ang beauty ko dito, baka sakaling may gwapong Doctor or Nurse akong makita." Tumaas ang kaliwang kilay nito at hinawi pa ang kunwaring mahaba niyang buhok saka lumakad na parang isang modelo.

Nilibot ni Nilo ang OPD (Out Patient Department) habang hinihintay niya ang tawag ni Debie. Hindi na niya hiningi pa ang cellphone number ni Clark, dahil alam niyang hindi rin ito ibibigay ng dalaga.

Mula sa clinic ng Pediatric hanggang sa Orthopedic section ay nalibot na niya. Nang makaramdam muli ng pag ka bagot tinignan nito ang relo niya at lagpas na ito sa naging usapan nilang oras kaya naman tumaas ulit ang makakapal nitong kilay

"9:30 AM na bakit wala pa yung Clark?" Kinuha niya ang cellphone niya mula sa kaliwang bulsa at idenayal ang number ni Debie, ngunit busy ito kaya pinatay na niya agad. Bagkus nagpadala na lang ito ng mensahe.

To Debie:
Debiang na saan na ba yung Clark na yan? Tutulas na yung ganda ko kakahintay sa kanya?

Hindi nag reply ang kibigan niya kaya na isip niyang lumibot sa iba pang department para hindi siya mabagot sa pag hihintay kay Clark. Habang nag lalakad papunta sa ibang department nadaanan naman nito ang isang canteen at nahagip ng mata niya ang mga bagong lutong merienda. Tila nagutom ito dahil sa mapang akit na itsura ng mga turon at lumpiang gulay.

"Kakain muna ako, baka may gwapong tindero sa canteen!" Napakembot pa ito ng bahagya habang naglalakad papunta sa canteen.

Pagpasok niya ng canteen agad siyang dumiretso sa counter dahil nakita agad ng mga mata niya ang isang matangkad at morenong lalaki. Mukhang worth it ang pag hahanap niya ng gwapo at ang pag hihintay niya kay Clark, at mukha ring hindi niya na kailangan ng salamin dahil sa talas at linaw ng mga mata nito.

Nag pa cute pa ito na parang high school student kung kumilos bago sabihin ang bibilhin niya. Hindi siya nabigo sa plano niya dahil mabait at hindi insabero ang tindero. Humahaba na ang usapan at kung saan-saan na rin ito napunta pati ang pangalan ng tindero ay alam na rin niya. Nang biglang tumunog ang cellphone nito.

Kahit alam niyang ilang ulit ng nag ri-ring ang cellphone niya patuloy pa rin ito sa pakikipag kwentuhan at kung hindi pa napansin ni Erik na may nag ri-ring na cellphone hind pa sana niya ito sasagutin. Deadma lang si Nilo, basta may kaharap na gwapo.

Nang makita niyang si Debie ang naka rehistro sa screen ng cellphone niya aligaga itong nag paalam kay Erik, saka sinagot ang tawag.

Matapos sabihin ni Debie kung na saan si Clark agad ding pinutol ni Nilo ang linya para puntahan si Clark.

"Kainis naman kung kailan humahaba na yung usapan namin ni Erik, saka naman sumulpot itong Clark na 'to. Panira ng moment!" Pabulong na sabi niya. Ngumiti naman si Erik at sinabing bumalik na lang siya kapag nagutom siya ulit. Napawi naman ang pag kainins ni Nilo at napangiti na rin ito dahil sa malambing na pagkakasabi ni Erik.

Bumalik ng OPD (Out Patient Department) si Nilo at muling inisa-isa ang bawat clinic, hanggang sa maka abot ito sa pinaka dulo at huling clinic.

Huminto ito saka isa-isang tinignan ang mga naka upong pasyente. Kumunot ang noo niya at halos magkasalubong na ang dalawang kilay. "Kaloka, sino kaya si Clark dito? Bakit ba kasi ayaw ibigay ni Debie yung number nung Clark na yun!" Tatawag na sana ulit si Nilo ng bigla namang nag ring ang cellphone niya.

Mabilis lang ulit ang naging usapan nila at sinabing naka alis na si Clark dahil may biglaang meeting ito sa kumpanyang pinag tatrabahuan niya.

"Hoy, Debie may utang ka sa akin ha! Napaka tagal kong nirampa yung beauty ko sa hospital tapos hindi ko rin naman pala makikita yang friend mo!" Sunod sunod na talak nito sa kaibigan, pinag tinginan pa siya ng mga pasyente dahil sa ingay ng boses niya at dahil na rin sa hiya kaya naisipan na lang niyang ngitian at mag peace sign habang nag lalakad palabas ng hospital.

My 3AM FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon