Chapter 16 - Day 1

15 1 0
                                    

                            Chad

Chad:
Foundation pa kayo?
2:47 pm

Debbie:
Oo.
2:50 pm

Chad:
Nagturo ka?
2:50 pm

Debbie:
Oo
2:55 pm

Chad:
Saan punta niyo after dyan?
2:55 pm

Debbie:
Baka punta kami ng Muñoz.
3:00 pm

Chad:
Muñoz? Anong gagawin niyo doon?
3:00 pm

"Alam ko naman na bored ka na kaya tumayo ka na dyan at mag paalam na tayo sa kanila." Gumuhit ang malaking ngiti sa labi ni Nilo, dahil alam nito na oras na para ilibot naman siya ni Debbie.

"Hay sa wakas natapos ko na yatang basahin lahat ng latest sa showbiz akala ko wala ka ng balak tumigil dyan, eh."

Masaya ang mga bata kahit na sandaling oras lang nila nakasama ang ate Debbie nila dahil may iniwan namang mga pasalubong na laruan at pagkain ito kaya hindi siya nahirapang mag paalam sa kanila, hindi katulad dati na halos ayaw na nilang bumitiw sa pag kakayakap sa kanya huwag lang silang iwan nito.

"Girl saan pala tayo pupunta? Uuwi na ba tayo?"

"Syempre hindi dahil alam ko namang kakambal mo si Dora the explorer kaya mag eexplore tayo ng konti." Napasigaw si Nilo dahil sa tuwa at nag simula ng magtanong kung saang lugar ang pupuntahan nila. Nangako si Debbie sa kanya noon na sa susunod na balik nito sa home town niya hindi na sa resort lang ang tatambayan nila kundi ipapasyal niya na ito sa mga tourist spot sa Nueva Ecija.

"Manong punta tayo sa PhilRice." Utos niya sa driver.

Nag simula na silang bumiyahe kaya nag simula na ring mag tanong ulit si Nilo, "Nag selos ka kanina 'no?" tanong nito.

"Selos?" nagtatakhang tanong ni Debbie.

"Tinukis lang ng bagets kanina na may babaeng kasama si Chad, hindi na maipinta yung mukha mo? Jealous ka girl?" pang aasar nito.

"Hindi 'no, nagulat lang ako!"

"Weh, charot charot ka rin eh, kahit konti wala kang naramdamang selos?" tinusok tusok pa ni Nilo ng daliri niya ang bewang ni Debbie dahilan para ma pa angat sa sinasandalan niya ang dalaga.

Dahil hindi na matagalan ni Debbie ang pangungulit ni Nilo at para matapos na rin ang topic nila about sa babaeng kasama ni Chad, inamin na niya ang totoo niyang nararamdaman.

"Oo na nagselos ako, pero alam ko naman na wala akong karapatan at hindi ko na dapat maramdaman 'yun dahil ako naman yung may gusto ng ganito."

"Very well said. Ginusto mo yan kaya panindigan mo!"

Tumingin ng masama si Debbie sa kanya, "Iniinis mo ba ko?"

"Hindi ah." Kaila nito.

"Ah talaga ba, linya ko kasi kay Chad yan!"

"Ahhh... Talaga ba baka nag kataon lang?" Nag patuloy ang dalawa sa kwentuhan hanggang sa marating nila ang Muñoz.

Mabuti na lamang at wala ng traffic kaya halos 45 minutes lang ang binyahe nila mula Cabanatuan to Science City of Muñoz kung na saan ang Philippine Rice Research Institute.

Para kay Nilo na first time makapunta dito talaga namang hindi maitatago ang pagka mangha nito, mula sa Museum kung saan makikita ang mga machine, materials at mga seeds na ginagamit sa pag sasaka idagdag pa ang mga art work na lalong nag paganda dito, para ka nga namang sumama sa isang educational tour.

My 3AM FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon