Chapter 8 - Malikmata

39 18 36
                                    


Sinundan ni Chad ang dalaga pauwi sa condo nito. Kahit anong taboy at pag susungit naman ng dalaga hindi parin tumigil ang binata sa pag sunod niya hanggang sa matanaw na nila ang building nang condo ni Debie.

"Talaga bang hindi ko na mababago yung isip mo?"

Huminto si Debie at tinignan siya ng maigi, "Chad akala ko okay na, akala ko naiintindihan mo yung desisyon ko?"

Nag patuloy sa paglalakad si Chad saka hinawakan ang kaliwang kamay ng dalaga. "Gets ko naman, sinubukan ko lang ulit mag tanong baka sakaling maka lusot." Ngingisi ngising sabi nito.

Kumalas si Debie sa pagkaka hawak ni Chad nang may natanaw siyang naka upo sa bench kung saan sila huling nag usap ni Clark. "Oh bakit?" kunot noong tanong ni Chad.

"Wait." Nag mamadaling paalam ng dalaga.

Dali-daling nag lakad si Debie papunta sa bench kung saan may nakita siyang anino ng tao. Gusto nitong siguraduhing si Clark nga ang nakita niya at hindi ibang tao. Ngunit bigo siya dahil nang lapitan niya ang upuan walang tao rito.

"Namalikmata lang ba ako?" tanong niya sa sarili.

Hinabol din siya ni Chad ng makitang lumalayo na ang dalaga sa kanya. "Bakit mo ako iniwan, sino ba yung nakita mo?" Hinahabol pa nito ang hininga niya habang patingin tingin din sa paligid tulad ni Debie.

Hindi naka kibo ang dalaga at nanatiling nakatulala na tila malalim ang iniisip. Hanggang sa hawakan ni Chad ang balikat niya.

"H-ha, may sinasabi ka ba?" nagtatakang tanong nito ng mabalik siya sa ulirat.

"Ang sabi ko sino ba yung nakita mo at bigla mo nalang akong iniwan?"

"Ah... akala ko kasi si... Clark?"

"Clark? Yung new friend mo?" Na pa kunot ang noo nito at halatang gustong mang usisa tungkol sa bagong kaibigan ni Debie.

"O-oo?" wala parin sa sarili si Debie, dahil akala nito si Clark ang nakita niya pero hindi pala.

"Puyat ka parin ba o sobrang stress na yan, parang wala ka sa sarili mo kung sumagot ka. Ganoon ba kalakas yung epekto niya sa'yo, mas gwapo ba siya sa akin?" pabirong mga tanong ng binata.

"Ano yan selos agad?" iritadong tanong naman ni Debie

"Hindi naman concern lang. Syempre babae ka kaya dapat hindi kung kani- kanino ka nakikipag kaibigan. Lalo na sa mga lalaki."

"He's nice, so you don't need to worry." Kalmadong sagot ni Debie.

Nag pa maywang naman ang binata at umasta na parang tatay na ng uusisa sa anak. "Ah... nice. So ilang taon mo na pala siyang kilala? Alam mo ba kung ilang taon na siya, Kung saan siya nakatira? Kung anong trabaho niya? Kung saan siya nag mulang pamilya? Kung anong klaseng tao siya? Kung— "

"Pwede ba tumigil ka! Wala akong balak maging pulis o tumakbo ng politika gaya mo kaya hindi ko kailangan ng mga ganyang information about him. At FYI same building lang kami ng tinitirahan kaya alam ko po kung saan siya nakatira." Lumakad na agad si Debie pagkatapos nitong magsalita pero agad namang sumunod si Chad, at habang nag lalakad nag patuloy naman ang binata sa pag sasalita.

"Fine! Pero kailangan ko muna siyang makilala bago kita ipag katiwala sa kanya." Biglang huminto ang dalaga sa pag lalakad. Nakaramdam ito ng inis dahil sa mga sinabi ni Chad. Nagulat naman ang binata sa nakita niyang ekspresyon ng mukha ni Debie kaya napatakip pa ito ng bibig.

"Wow daig mo pa si Papa kung makapag protekta ka! At hindi mo ako kailangang ipagkatiwala sa kanya dahil kaya ko ang sarili ko." Mataray na sabi nito saka nag patuloy sa pag lalakad.

My 3AM FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon