Chapter 1- Simula

189 44 144
                                    

Tired, stress, rejection, mistakes, anxiety, fear and depression. These are the factor that can affect our life. Kaya siguro hindi tayo nakakatulog ng maayos dahil sa mga factor na yan. Sagabal sila sa mahimbing na tulog ng isang young adult person tulad ni Debie.

Pero ilan palang yan sa mga problema at challenges na kinakaharap ni Debie, a 27 years old Accounting Assistant.

Idagdag pa ang frustration sa mga bagay na gustong gusto niyang magawa pero hindi niya kayang gawin. Rejection from expecting a true love, all she wanted is to be loved and to be in love. Pero hindi ganoon kadali ang buhay lalo na sa pag-ibig. The real definition of love for Debie is like riding a roller coaster. You go through ups and downs, feel the butterfly in your stomach, excitement, and shout to break your stress and fear.

Parang sa pag-ibig kikiligin ka, ma eexcite araw-araw at pag tapos na ang stage ng getting to know each other, saka papasok ang mga salitang pagod na ako, pahinga muna tayo, or much better mag hiwalay na muna tayo.

Every 3am in the morning whenever she's sleeping or not nagigising bigla ang isip niya sa wala namang malalim na dahilan, o kaya naman sa pag lagpas ng alas tres ng madaling araw doon pa lang ito makakaramdam ng antok.

Maari nga bang pagod at marami lang itong iniisip o dahil mas may malalim pang dahilan?

She's physically okay but emotionally tired, she wears her shield called smile but deep inside she's totally broke. She is a mess. A woman without a plan nor a destination to go, a person with heart but without a soul.

Paano ka nga ba mabubuhay kung tanging isip mo na lang ang nagpapagalaw sa'yo? Kung ang isip mo na nalang ang nag sasabing oras na para gumising at mag simulang mag trabaho.

Every day Debie go to her job to work for herself and to support all her needs and wants. She need to go to work even her body just want to lie on her bed and overthink what her future is to be like, and most of all sleep all day. But she can't do that. She is a human being, her role is to be responsible citizen and be a matured person.

8 hours of work plus 2 to 3 hours of overtime. Then she finally exhausted and drain.

"A lot of work to do. Bakit ba kasi ako nag leaved nang isang linggo? Isang linggo rin naman akong na sa bahay, giving myself a hard time thinking of nonsense issues. From now on Debie stop chasing people if they want you or if they really love you they stay no matter how bad the situation is. Stop thinking of them because I'm pretty sure ni minsan hindi ka sumagi sa isipan nila. Live life and have fun." Sabi nito sa sarili habang nag iisa sa loob ng office at nakaharap sa computer niya.

Mag isang naninirahan si Debie, malayo sa magulang at mga kamag anak niya. Mag isang kumakain, natutulog at mag isa ring gumigising sa umaga. Tanging ang kama at unan lamang nito ang nakakadama ng hirap at sakit na pinag dadaaan niya araw-araw. Dinig ang bawat hagulgol sa loob ng apat na sulok ng kwarto nito, sinasapo ng unan ang mga luhang walang tigil sa pag agos, habang ang kumot niya ang nag sisilbing yumayakap sa kanya para makaramdam ng panandaliang ginhawa.

"Life sucks! Hindi ko na yata kaya." She decided to remove all her social media account, cut her communications to all her friends. Dahil yaan ang sa tingin niyang makakapag pagaan ng loob niya. Ang lumayo muna sa reyalidad kung saan halos lahat ng tao gustong makawala sa mga problema.

But she's wrong.

Her life still full of mess, lot of mistakes and rejections. She's a woman of failure. Siya na nga yata ang reyna ng sablay.

Until she met Clark, the boy living on unit 503 one floor away from her unit.

She met him at exactly 3am in the morning. While she's walking going to a convenient store near her condo unit.

My 3AM FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon