PROLOGUE

536 6 2
                                    

Unang araw nang klase. Bagamat tinatamad si Sandy ay pinilit niya pa ring bumangon. Sa totoo lang ay tinatamad siya dahil bagong school ang kanyang papasukan. Mula nang mamatay sa aksidente ang papa niya ay lumipat sila nang mama niya at nang dalawa niyang kapatid na mas bata sa kanya sa isang mas maliit na paupahan sa Pasay.

Pumasok bilang isang accountant sa isang kumpanya ang mama niya upang may maipantustos sila. Ang papa lang kasi nila ang may trabaho noon at may kalakihan ang kita nito bilang isang chief sa isang cruise ship na nagtatravel sa buong mundo kaya buwanan ito kung umuwi.

Bagamat may naiwang pera ang papa nila bago ito biglaang mamatay ay itinabi pa rin ito nang mama niya. Mag-iipon daw ito upang makapagpatayo nang isang restaurant. Magaling din kasi ito magluto kagaya nang papa niya.

Naiinis lang siya sa mama niya kung bakit pinipilit siya nitong mag-aral sa St. Bernard University dahil bukod sa private ang nasabing unibersidad ay may kalayuan ito sa bago nilang tinitirahan kumpara sa isang branch nang unibersidad na pinapasukan niya noong nasa Laguna pa sila.

Hati ang mama niya at ang Tita Lorena niya, na kapatid nito, sa tuition niya, kaya siguro naisip na lang nang mama niya sa nasabing unibersidad na lamang sya mag-aaral. Pero naiinis siya. Ayaw niya nang pahirapan ito kaya nais niya na sa public na unibersidad na lamang siya mag-aral ngunit nagtatalo lamang sila.

Mas maganda daw na doon niya ipagpatuloy ang pagkuha niya nang Journalism. Second year college na siya nang araw na iyon, at na mimiss niya ang mga kaklase niya sa dati niyang pinapasukan. Nagpasya kasi ang mama niya na lumipat sila dahil sa mga social climber na kapatid nang papa niya. Inangkin nang mga ito ang bahay at lupa nila.

Bumuntong hininga siya bago bumangon nang kanyang kama. Dahil maliit na lamang ang inuupahan nilang bahay ay agad na tatambad ang sala at kusina sa oras na lumabas siya nang mga kwarto.

Sandy, dalian mo ang pagkilos. Baka ma-late ka. Utos ni Loreta sa anak. Kasalukuyan nitong sinusuklay ang buhok nang sumunod kay Sandy na si Carina. Second year high school na ito ngunit dependent pa rin ito sa mama nila. Sa tabi naman nito ay ang bunso na si Chloe, grade five.

Naka simangot siya nang umupo sa hapag-kainan. Nakapag bihis na ang tatlo at handa nang umalis ang mga ito dahil alas syete ang pasok nang mga ito. Malapit lang sa kanila ang papasukan nang mga kapatid niya at idadaan na lamang nang mama niya ang dalawa.

Sandy, mauuna na kami ha. Iniwan ko ang baon at pamasahe mo sa tabi nang telepono. Sabi ni Loreta sa anak.

Tumango lamang siya sa mga ito at pinagmasdan hanggang sa maisara na ang pinto nang makaalis na ang mama at mga kapatid niya. Agad siyang nagluwag nang kakainin niya. Adobo ang ulam, tiyak na sinadya iyon nang mama niya bilang pampalubag loob sa pagpilit sa kanya na mag-aral sa private university na iyon.

Agad siyang naligo matapos kumain. Plantsadong plantsado na ang bagong uniform niya. Napatango siya nang makita ang disenyo nang uniform. Mabuti at may taste ang nag disenyo nang uniform nang mga Journalism student sa private university na iyon.

Alas otso media ang naka schedule na pasok niya pero alas syete y media pa lamang ay naroon na siya sa tapat nang gate. Mataas ang bakod nito at kulay itim ang kulay nang gate. Isinuot niya sa tenga ang headphones na naka sukbit sa leeg niya at ini-on ang kanyang mp3 player.

Diretso siyang naglakad papasok. Nalula siya sa ganda at ayos nang mga buildings and establishment nang maka pasok na siya. Ang mama niya lang kasi ang nag-enrolled sa kanya. Bago niya pa malaman ay naka-enrol na pala siya.

Tumigil siya sa paglalakad at inilibot niya ang paningin. Madaming puno at may malaking fountain sa bandang kaliwa pagkapasok nang gate. Malawak ang kabuuan at malinis. Ibang iba ang university na ito sa dating pinapasukan niya.

MY HUSBAND IS A ICE KING (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon