"Are you sick?"
Sa tanong na iyon ni Aled muling bumalik ang pag-iisip ni Sandy sa kasalukuyan. Tiningnan nIya ang lalaki. Bakas sa gwapong mukha nito ang pag-aalala. Kasalukuyan silang lulan nang kotse nang umagang iyon. Papasok pa lamang sila sa eskwelahan.
Umiling sya. "No, I am not." Matipid siyang ngumiti.
"Why are you like that?" Pagtataka naman ang nasa mukha nito.
"Like what?"
"Like..that. Cold all of a sudden." Mahinang sabi nito.
Linakihan niya ang ngiti. "No, may iniisip lang ako. Okay lang ako, ano ka ba." Pinalo niya pa ito sa hita nito.
Nagkibit balikat na lamang ang lalaki at hindi namuling nagtanong.
Mula nang malaman ni Sandy ang extracurricular activities nang asawa ay hindi na siya kagaya nang dati. Hindi na siya mapakali. Tatlong beses niya na itong sinusundan, kasama sila Aileen at Lisa. Inaabangan niya ang pag-alis nito tuwing sabado o biyernes.
Sumasakay sila nang taxi at pinapasundan ito. Hindi sila bumaba at tinatanaw niya lamang ang ginagawa nang asawa. Puno man siya nang paninibugho sa mga babaeng lumalapit dito ay pinipigilan niya ang sarili na sugurin ito.
Tama si Lisa at Aileen. Pulos mayayaman at ang iba ay artista pa ang mga naroroon. Nagkalat rin ang mga nag gagandahang babae. Pansin na pansin niya na panay ang lapit nang mga babaeng iyon sa asawa niya.
Kung pwede lang ay sigawan niya ang mga ito at sabihin na may asawa na si Aled ay ginawa niya na. Hindi niya binabanggit sa asawa na alam niya na ang ginagawa nito. Nais niyang ito mismo ang magsabi noon sa kanya ngunit sa tingin niya ay malabo.
Sa tingin niya ay wala itong balak sabihin sa kanya ang bagay na iyon. Hindi matapos tapos ang kaba na nararamdaman niya sa tuwing si Aled na ang kakarera. Mabuti na lamang at kasama niya ang dalawang katulong na nagsisilbing bestfriend niya. Si Renz naman ay bihira niya nang makasama.
Nakaramdam siya nang insecurity sa mga babaeng kasama ni Aled tuwing kumakarera ito. Ang pormahan nang mga ito at katulad nang kay Judy. Tipong halatang mayaman at sexy. Sophisticated at halatang maraming alam. May mga nakita rin siyang babaeng kumakarera.
Kung hindi pa kinuha ni Aled ang bag niya na naka kandong sa kanya ay hindi niya mamamalayan na nasa eskwelahan na pala sila. Bumaba na rin siya nang kotse. Mula nang ikasal sila ay walang palya na siya nitong hinahatid sa classroom niya bago ito pumunta sa klase nito.
Hindi sila nagkikibuan, at nagpapasalamat si Sandy na hindi na siya nito tinatanong. Nang marating na nila ang classroom niya ay wala sa sarili niyang kinukuha ang bag niya rito ngunit hindi nito binibigay. Tiningnan niya ito.
"I know there's something wrong. We will talk later baby. Okay?" Sabi nito tsaka ibinigay sa kanya ang bag at hinalikan siya sa noo. Agad na itong tumalikod.
Patda siya sa sinabi nito. Ito ang unang beses na tinawag siya nitong "baby". Tiningnan niya lang ito habang naglalakad palayo. Nang mawala na ito sa paningin niya ay tsaka siya pumasok sa classroom nila.
"Nag-away ba kayo?" Si Judy iyon. Agad itong lumapit sa kanya pagkapasok niya. Now she's feeling awkward. Naiinis na siya sa babae tuwing nag-uusisa ito sa kanya na panay about kay Aled o sa married life nila.
Umiling siya. "Hindi." Walang ganang sagot niya.
Tumango-tango si Judy, tila hindi kumbinsido. "Eh bakit parang hindi ka masigla? Kakaiba rin ang aura mo." Sabi pa nito.
"Napagod lang ako kagabi. Pinagod kasi ako ni Alejandro eh." Sa inis niya ay iyon ang sinagot nya. Baka magtigil na ito sa kakatanong at lubayan na siya.
BINABASA MO ANG
MY HUSBAND IS A ICE KING (COMPLETE)
Ciencia FicciónDisclaimer: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, living or dead and places or events is purely accidental and unintentional.