ALED POV
"Boss, baka mapatay mo na yan." Hindi na napigilan ni Wilson ang paalalahanan si Aled. Halos isang oras na nitong binubugbog ang di-umano ay isa sa mga mastermind ng pagpapadukot kay Sandy.
Halos malumpo at hindi na makilala sa mukha ang lalaki. Isang malakas pa na suntok ang binigay nito sa lalaki bago ito tuluyang tumalikod at nagpunas ng kamay upang matanggal ang dugo roon.
"Im done. Dalhin niyo yan sa pulis. Kasuhan nyo ng kidnapping at frustrated murder." Itinapos pa ni Aled ang towel sa mukha ng lalaki.
Lumabas sila sa mismong warehouse kung saan dinala ng mga ito si Sandy. Pinagbuksan nila ng pinto ng kotse si Aled. Inabutan ni Wilson ng alcohol si Aled na ibinuhos nito sa mga kamay nito at umalis na silang lahat doon.
Pinapunta na ni Aled sa hospital kung saan dinala si Sandy ang driver.
He was worried sick. Kung hindi pa nila na trace ang tawag ay malamang na malaman na ng mga magulang niya at ni Sandy ang pagkaka kidnapped dito. Uuwi na mula sa Canada ang parents niya in two days time.
He saw Prince holding Sandy's hand when he went in. Nakapikit pa rin ang asawa niya. Awang awa siya rito. May sugat ito sa mga kamay at paa nito. Her face was swollen, as if someone hit her many times in her cheeks.
Dahan dahan na binitiwan ni Prince ang kamay ni Sandy ng mapansin na nakapasok na si Aled. Tumayo ito.
"S-sabi ng doctor, wala naman daw bali sa mga buto niya. External ang lahat ng bruises niya. Kailangan niya lang daw ng pahinga. Hindi pa raw nila alam kung magbubunga ng trauma kay Sandy ang nangyari." Paliwanag agad ni Prince sa kanya.
Tumango lang siya. Hindi niya alam ang sasabihin. Magpapasalamat ba siya dito?
They traced the call but Prince came first. Hindi niya alam kung paano nito nalaman ang nangyari pero nawala ang lahat ng hinala niya na ang Chimera ang kumuha sa asawa niya ng makita niya na lang na karga nito sa mga bisig nito si Sandy. Wala itong malay at puno ng dugo.
He was stunned for a moment pero alam niya na wala ng panahon para pagsabihan niya ng masama ang lalaki. He was there first. Hinayaan niya na itong dalhin sa hospital si Sandy while he took care her kidnappers.
"Sa tingin ko, k-kailangan malaman ng mama at mga kapatid ni Sandy ang nangyari." Mahinang sabi ni Prince.
Thats what he tough too.
Ayaw niya lang isipin ng pamilya ni Sandy na nagkulang sila sa security kaya na kidnapped ang asawa niya. Good thing that the kidnappers were not professionals or from the underground society. Walang nakakakilala sa mga ito. He was thinking na randsom money lang talaga ang gusto ng mga ito.
"I'll go first." Maya maya ay sabi ni Prince.
Nasa pinto na ito ng magpasalamat siya dito. "S-salamat, Prince."
Nilingon siya nito. Ngumiti ito at tuluyan ng umalis.
Tiningnan niya si Sandy. He sat next to her.
Natural lang naman na mag-alala siya rito pero ngayon lang siya nakaramdam ng ganito katinding pakiramdam. Kung hindi siya pinigilan ni Wilson ay malamang na napatay niya na ang mastermind ng pagkaka kidnapped kay Sandy.
He never imagine na makikita niya ang babae sa ganoong kalagayan. Wala ang sigla nito. Payapa lang itong nakapikit habang may dextrose na naka kabit sa kamay nito. Inilabas niya ang kanyang cellphone. Alam niya na kailangan ni Sandy ang mama at ang mga kapatid nito.
_____
"Damn it! Ngayon ko lang naalala!" Halos magwala na si Prince ng mapansin niya na nawawala ang cellphone niya. Hindi niya alam kung saan ito nawala o kung nawala ba talaga. Puno ng pag-aalala kay Sandy ang kanyang utak kaya hindi niya na talaga naalala na mahawakan man lang ang cellphone niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/189355670-288-k634242.jpg)
BINABASA MO ANG
MY HUSBAND IS A ICE KING (COMPLETE)
Science FictionDisclaimer: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, living or dead and places or events is purely accidental and unintentional.