CHAPTER 10

121 3 0
                                    


SANDY POV

"Ha?" Natigil ang pag pihit niya sa seradura ng pintuan papasok sa kwarto niya.

"Sleep with me tonight. I'll wait." He winked then went inside his room.

Hindi kaagad na process ng utak ni Sandy kung ano ang nangyari. Did her husband just asked her to sleep with him to night? Did he just winked at her? ANYAREEEE?!

Nakapasok na siya sa kwarto niya pero hindi niya alam ang gagawin. Pupunta ba siya? Wala naman sanang problema. Alam niya naman na hindi mapagsamantala si Aled. Natulog na silang magkasama before, diba? Nung okay na okay pa sila. Anong gusto nitong palabasin ngayon?

Nag half bath siya at nagpalit ng pantulog. May ilang piraso siya ng ternong pajamas at comfortable naman siya na suot ang mga ito tuwing matutulog siya. Hindi niya alam kung ilang minuto na siyang nakaharap sa salamin bago magpasya na payag siya.

"Sleep with me tonight, I'll wait."

"Sleep with me tonight, I'll wait."

"Sleep with me tonight, I'll wait."

Paulit ulit na nag echo sa isip niya ang sinabi nito at ang pag kindat nito.

Nag toothbrush muna siya at nagwisik ng kaunting cologne bago lumabas ng kwarto. Nang nasa harap na siya ng pintuan ng kwarto ni Aled ay napatigil na naman siya. Kakatok ba siya o bubuksan niya na lang ang pinto?

Mahina siyang kumatok ngunit hindi sumagot si Aled kaya dahan dahan niya ng pinihit ang seradura at pumasok. Tanging ilaw lang ng lampshade ang nagbibigay liwanag sa loob. Nakita niyang tulog na si Aled. Yakap yakap nito ang isang unan nito.

Napailing siya. HIHINTAYIN DAW SIYA TAPOS TINULUGAN SIYA.

Dahan dahan siyang umupo sa gilid ng kama nito. Tila naman naglaan talaga ito ng space kasi nasa bandang kaliwa lang space na na occupy nito sa kama. Pinagmasdan niya ang pagtulog nito. He looks so peaceful. Kung pati ba naman sana pag gising ito eh peaceful rin ito. Pero kabaliktaran.

Dare devil na ang tawag niya rito. He races for fun. Tapos, may underground organization pa ito! Jusko. T_T

Unti unti siyang humiga patalikod dito. Makatulog kaya siya?

_____

ALED POV

Ala una na ng maalimpungatan si Aled. Nilingon niya ang kabilang side ng higaan niya at bahagyang napangiti ng makita ang asawa na payapang natutulog. She looks so cute with her floral pajamas on. Pero syempre ay hindi nito alam na ganoon ang naiisip niya rito.

Who would know? He doesnt really like expressing his self too much or explaining his side too. Hindi niya naman inaasahan na maintindihan siya ng mga tao sa paligid niya dahil alam niya na masama na rin naman ang tingin ng mga ito sa ugali niya.

They were fine last week. Umalis lang naman siya para magpalamig dahil bahagyang nakasagutan niya ang mama niya ng dumating ang mga ito. Isa pa, alam niya na kakausapin siya ni Sandy tungkol dito kaya umiwas muna siya. He doesnt really like to be manipulated.

Then, what? Nang umuwi na siya, nalaman niya na umalis si Sandy at nakipagkita kay Prince.

Prince used to be his best buddy but things were different now. Bakit kailangang makipagkita ng asawa niya dito? Mabilis na umiinit ang ulo niya kaya kung ano-ano ang nasabi niya kay Sandy. Damn his impulsiveness. Hindi niya alam kung possessive lang talaga siya o ayaw niya lang talaga na naghahang out ang dalawa.

He feels protective for her. Some informant told him that Sandy went out with her friends and Prince too, and that they also saw some of his Uncle Robert's men. Alam niya na malaki ang possibilidad na saktan ng Uncle niya si Sandy since ito ang naging susi upang makuha nila ang Clandestine at hindi siya papayag.

MY HUSBAND IS A ICE KING (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon