SANDY POV
Matapos marinig ang mga kataga na iyon ay tila nanghihina siyang napa upo sa sofa. Agad naman siyang nilapitan ni Dychie.
"W-what happened?' Agad na tanong nito.
Unit-unti siyang ngumiti. "T-they got him. They got Aled. P-papunta na sila dito."
Narinig niya ang mga sigawan ng mga tauhan na nasa loob ng kwarto na iyon, may tumakbo sa labas at ibinalita sa iba ang magandang balita. Nakahinga na siya ng maluwag. All they have to do is wait for them.
"What do you want us to do with Sophia?" Ilang sandali pa ay lumapit sa kanila ni Dychie si Wilson.
Nawala ang ngiti sa kanyang labi ng marinig ang pangalan ng babae at ng maalala ito. "A-ano nga ba? Na rescue naman na si Aled.."
"Prince texted me. Pinasinghot din daw nila ng pangpatulog si Sophia and they also brought her. May mga tapes and security cameras sa paligid, kinuha rin nila bilang ebidensya." Sabi ni Wilson.
"Sandy." Sabi ni Dychie. "I think, ikaw na ang magparusa sa babaeng iyon. She's crazy, at sa tingin ko ay ikaw lang ang makakapigil sa kahibangan niya kay Aled."
Huminga siya ng malalim. Sa totoo lang ay ayaw niya na munang isipin kung ano ang gagawin sa babae. Ina- anticipate niya pa ang kaalaman na naligtas na si Aled, naligtas na ang asawa niya. Pero alam niya dadating at dadating din sila sa punto na iyon. Hindi niya pwedeng patawarin na lang ang babae. Over her dead body!
"Okay, ganito na lang. K-kakausapin ko na lang si Sophia pag nagising na siya. D-doon ko na lang ide- determine kung ano magandang gawin sa kanya and!" She paused. "No killing, okay?" Bilin niya kay Wilson.
Tumango naman ito.
Nilingon niya si Dychie. "S-salamat sa pagpunta ha?" Sincere na sabi niya rito.
Ngimiti ito. "W-wala yun. P-pinsan ko si Aled, nag-alala rin ako." Tila nahihiya na sagot nito.
Sa ngayon, all they have to do is wait for them.. even if it feels like forever.
_____
ALED POV
"Ikaw?" Gulat na tanong ni Aled ng makita si Prince.
Sinenyasan siya nito na tumahimik. Unti unti ito'ng lumapit kay Sophia at may pinaamoy na panyo dito. Walang kaingay-ingay sa paligid. Ano ang ginawa nito? Kahit siguro gaano ito kagaling mangloob ay tiyak na sa dami ng tauhan ni Sophia at ang alarm system ay dapat nagingay na ang mga ito.
Nang masiguro nito na tila nakaamoy na si Sophia ay nagsalita na si Prince.
"Let's go."
Hindi na lang din siya nagsalita at naglakad na lang una dito. Nang makalabas na siya, doon niya nakita ang taktika na ginawa ng lalaki at ng mga tauhan niya. Lahat ng mga tauhan na naroroon ay tulog. Alam niya dahil walang dugo at halatang pinahiga ang mga ito.
Hindi na siya nagsalita. Sumunod na lang siya sa lalaki.
May limousine na naghihintay sa labas ng gate. Nang makasakay na sila, nakita niya pa ang pagdala ng mga ito kay Sophia. Isinakay ito ng mga tauhan niya sa kabilang kotse.
"Sa Orion ka dumiretso." narinig niyang utos ni Prince sa driver.
Tumango ang driver bago nito isara ang maliit na bintana sa likod nito na nagsisilibing divider ng driver sa passenger's seats. Ilang sandali pa at naramdaman niya na ang pag andar nila.
Tahimik ang pag rescue sa kanya, at ang black team niya ang kasama ni Prince kaya sigurado na maingat ang mga ito. Gusto'ng gusto niya sanag magtanong ng tungkol sa asawa niya, pero pinigilan niya.
BINABASA MO ANG
MY HUSBAND IS A ICE KING (COMPLETE)
Science FictionDisclaimer: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, living or dead and places or events is purely accidental and unintentional.