SANDY POV
Hindi alam ni Sandy kung ano ang sinabi ni Prince kay Aled pero sigurado siya na naapektuhan ng todo ang asawa niya. He became restless and he looked upset. Hindi niya naman ito matanong.. Ayaw niyang sa kanya mabaling kung ano man ang kinaiinisan o kinagagalit nito.
Dinaanan lang siya nito bago tumuloy sa kwarto nito.
Nagkibit balikat na lamang siya. Sa totoo lang, pakiramdam niya anytime, bibigay na siya. Pakiramdam niya ay tila siya isa'ng battery na unti unting nade-drained sa mga pangyayari. Nalaman niya pa na siya na ang target ng kung sino man ang bumaril o ang nag utos sa bumaril.
Ano ba talaga ang purpose nito? Why do they or whoever it is wants her dead?
"Senyorita." Ilang sandali pa ay narinig niyang tawag ni Aileen.
Bumalik sa kanya ang ala-ala ng pag i stalk niya sa asawa tuwing mawawala ito tuwing Friday or Saturday night na hindi na nito ginagawa. Na miss niya yung dati na ang problema niya lang ay kung paano ito pakikitunguhan, kung paano niya hindi mapapalabas ang bad moods nito.
Pero ngayon, masyado na silang malayo sa ganung sitwasyon.
Pakiramdam niya ay tumanda siya ng sampung taon. Konswelo na lang na ramdam niyang Aled is caring for her more than ever. Na pinapakita at pinaparamdam nito ang pagiging asawa nito.. bagamat hindi niya alam kung ano ang tunay na nararamdaman pa nito para sa kanya.
noon pa naman, hindi na siya umasa.. mula noong masaktan siya ng sabihin nitong nakekealam na siya masyado sa buhay nito. It hurted like hell.
"M-magpahinga na po kayo. Hinanda namin yung milk bath sa bath tub." Bumalik sa kasalukuyan ang kanyang malay ng marinig ang sinabing iyon ni Aileen.
She smiled at her. "S-salamat Aileen."
"Wala yun senyorita. Sasamahan ko na po kayo." Inakay siya ni Aileen paakyat sa kwarto niya.
Inihanda nito ang susuutin niya habang nasa bath tub siya.
"Senyorita.. sa totoo po niyan, nag-aalala po kami ni Lisa sayo. P-pumapayat ka ho.. at hindi ka na glowing." Ilang sandali lang ay narinig si Sandy ang boses ni Aileen na iyon.
Bahagya siyang natawa. "I'm okay. Pakisabi na lang din kay Lisa. Pasensya na kayo at hindi na tayo madalas mag bonding kahit nasa iisang bahay tayo."
"Wala hong problema yun sa amin senyorita. Tsaka.. hindi na ho umaalis yung ilang goons dito sa paligid ng mansion kaya napaisip rin kami kung anong nangyayari." Dama ni Sandy ang pag-aalala sa boses ni Aileen.
"Don't worry Aileen. Everything will be fine. Wag niyo na ako'ng isipin ni Lisa, okay?"
"O-opo senyorita. A-aalis na po ako. Naihanda ko na ang susuutin niyo."
Ilang sandali pa ay narinig niya na ang pagbukas at pagsara ng pinto ng kwarto niya.. tsaka siya muling sa pag iisip.
_____
ALED POV
Bumuntong hininga si Aled bago nagsimulang i dial ang cellphone number ni Sophia. He's hoping na hindi pa nito alam na alam niya na ang lahat. But what would he say? Magtataka iyon kung bakit bigla siyang tumawag..
"Hello?"
Mariin siyang pumikit ng marinig na ang boses ng babae sa kabilang linya.
"Hello? Aled?" Agad na halata ang excitement sa boses nito.
"Y-yeah.." Ang tanging nanulas sa labi niya. He's not good with this. He's good with bashing bad people, criminals. Hindi ang magpa amo.
"Why! Did you miss me? Did you? I miss you!" Halata sa tono ng babae ang paglalambing.

BINABASA MO ANG
MY HUSBAND IS A ICE KING (COMPLETE)
Ficção CientíficaDisclaimer: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, living or dead and places or events is purely accidental and unintentional.