Masama ang timpla ni Sandy pagka gising kinabukasan. Hanggang sa makapasok na sa skwelahan ay nakasimangot siya. Bakit? Biglang umalis si Aled ng hindi nagsasabi sa kanya.Well, nagbilin naman kay Lisa ang lalaki. Hindi lang din talaga nito sinabi kung saan ang punta nito. Basta sabihin daw sa kanya na aalis siya, at susunduin na lang daw siya nito mamayang uwian. Ha! Manigas siya. Uuwi siya ng maaga para wala itong maabutan.
"You look bad." Nakangiting salubong sa kanya ni Judy. Masarap sana sapakin to'ng babaeng to. Pero natuto na siya ng makaaway niya yung dating warfreak na napa talsik sa university dahil sa muntikan na nitong pananakit sa kanya.
Hindi niya ito pinansin. Dumiretso siya sa upuan niya at inilapag ang dalang libro at notebook sa lamesa na naka kabit sa upuan. Akalain mo nga naman at sumunod pa ang bruha.
"Hey.. me and our classmates talked about an outing. You know, parang open forum or something like that. Pero yung mga final plans, pag uusapan pa lang kaya sana makapunta ka mamaya sa audio visual room." Sabi nito. Hindi pa rin nawawala ang ngiti.
"I'll see." Walang gana na sagot niya. Nang makaalis na ito ay ang katabi niya ang tinanong niya about sa outing. Wala naman kasi siyang nalalaman o naririnig na may nag suggest ng ganoon. Mahirap na. Praning na siya sa mga ganoong invitation.
"Ah! Oo daw. Sa audio visual room daw ang meeting mamaya." Kibit balikat na sagot nito.
Tumango tango na lang siya.
Dahil maaga ang pagpasok niya, agad niyang naisip na tawagan si Wilson. Yeah, a very bright idea.
"Wazzup Madam!" Tila hyper na sagot nito.
"Pa trace naman cellphone ni Aled." Walang ka abog abog na sabi niya.
"Wow. Walang pa sweet talk? rektahan na?" Gulat na sagot ni Wilson.
"Hindi nagpaalam ang lokong yon! Nagpasabi sa katulong, hindi pa rin sinabi kung saan pupunta!" Inis na sabi niya. "Gawin mo na lang, baka sayo ko pa mailabas ang frustrations ko." Pakiusap niya.
"Okay, okay. Relax." Sabi nito. Ilang sandali pa at narinig niya ng tumitipa ito sa computer. Ang tech room ang tahanan nito kaya alam niya na automatic itong magagawa ng lalaki. Lumalabas lang ito doon pag andun sila ng lalaki, or kung andoon ang asawa niya.
She's playing with her fingers while waiting, nang maisip niya na may ipa trace pang isang cellphone!
"Ah, Wilson?"
"Yep?" Sagot nito na tumitipa pa rin.
"Pa trace na rin cellphone ni Ysabelle." Sabi niya.
Narinig niya na napatigil ito sa ginagawa. "What? Why? I told you hindi siya active."
"No. She came here yesterday morning. Nag uusap sila ni Aled. Naabutan ko sila sa library."
"Well, it doesn't mean na may pinapagawa or may direct orders ang asawa mo sa kanya. Besides, bakit naman sila magkakasama ngayon if ever?" Tila naguguluhan na tanong ni Wilson.
"Before she left, ang sabi niya kay Aled, she will just contact him every twelve hours. It means may dapat silang pag usapan. Tsaka Pagdating ko, hindi na sila nag usap. Nagpaalam na yung Ysabelle na yun."
Bumuntong hininga si Wilson. Tumitipa na ito ulit. "Okay, okay. Naiintindihan ko naman kung ganyang ang iniisip mo. But im sure na hindi sila magkasama ngayon, malabo.. uh oh." Bigla ay napatigil sa pagtipa at pagsasalita si Wilson.
"Why? A-ano'ng nangyari?"
"Ah, ano. Magkasama nga sila, i think."
"What?!" Napalakas ang boses niya, napa tayo pa siya. Pinagtinginan siya ng mga kaklase nya. She decided to went out for a walk while talking to Wilson. "N-nasan sila? Ano'ng ginagawa nila?"
BINABASA MO ANG
MY HUSBAND IS A ICE KING (COMPLETE)
Ciencia FicciónDisclaimer: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, living or dead and places or events is purely accidental and unintentional.