CHAPTER 1

247 4 0
                                    

DON RENATO & DONYA LYN POV

"You need to find her, Renato." Sabi ni Lyn sa asawa. Kasalukuyan silang nag-uusap sa veranda habang kumakain nang agahan.

Don Renato took a sip in his mug bago sumagot. "I know sweetheart. I just need more time."

Nagpadagdag na ako nang detectives para mahanap agad ang dapat hanapin. Hindi ito madali, iilang impormasyon lang ang hawak natin.

"Yes, I know too. Pero dalawang buwan na lang at magbibirthday na si Aled. We need to move fast."Tila bahaw na sabi nang Donya. She took a slice of bacon on her plate.

Tumango ang Don. "I'm confident this time, sweetheart. Mahahanap na natin sila." Sabi nang Don bago muling ibinalik ang atensyon sa hawak na dyaryo.

Don Renato and Donya Lyn has an only child, si Alejandro o Aled sa marami. Ito ang nakatakdang mag-mana nang lahat nang ari-arian nang pamilya Santillan sa takdang panahon.

Ngunit mayroong kondisyon na ginawa ang ama ni Don Renato na lolo ni Aled. Aled must marry before he can have the power over their corporation, ang Clandestine International. At hindi lamang basta babae ang pwede nitong pakasalan, may ipinapahanap ang lolo nito, apo umano nang matalik nitong kaibigan na nagligtas nang buhay nito.

Matagal nang alam ni Aled ang kondisyon nang lolo niya, ngunit hindi ito nagpakita nang pagtutol o pagsang-ayon. Hindi malaman nang mag-asawa kung ano ang plano nang anak nila. Ang kumpanya ay magiging pag-aari nang bunsong kapatid ni Renato na si Roberto. Hindi ito nakapag asawa at malayo ang loob nang magkapatid ngunit alam ni Renato na tuso at ganid ito.

Nasa huling testamento nang ama nila na kapag hindi pa nakapagpakasal ni Aled sa edad nitong bente sa nasabing babae ay mapupunta ang lahat nang kayamanan kay Roberto. Magtatrabaho bilang simpleng empleyado sa kumpanya ang mag-ama na sina Renato at Aled. May sariling negosyo din naman si Donya Lyn ngunit mas malaki nang di hamak ang kinikita nang Clandestine.

Sa kasong ito ay handa sanang tanggapin nang asawa na hindi sa kanila mapunta ang mana dahil ayaw nilang pilitin ang anak nila, ngunit ayaw nila na ang ganid na si Roberto ang makikinabang nang lahat. Alam nila na may mga illegal businesses ito at siguradong hindi magiging maganda ang pagpapatakbo nito sa kumpanya na pinaghirapan nang papa nila.

Ang nasabing babae ay bata kay Aled nang dalawang taon, ayon na rin sa kwento ni Don Rafael bago ito yumao. Apo ito ni Lucio Ronquillo, dating empleyado nang Don sa Clandestine ngunit kalaunan ay naging matalik na kaibigan nito. Kasama ito palagi nang Don sa bawat lakad nito.

Isang beses ay nagpasya ang Don na pumunta sa isang beach resort na pag-aari nang Clandestine. Kasama nito si Lucio at isang driver nang may mangyaring aksidente. Nabangga ang kotse na sinasakyan nila. Namatay ang driver ngunit nabuhay ang dalawa. Tinulungan ni Lucio na maunang makalabas ang Don.

Don Rafael remember Lucio saying na mas importante ang buhay nya kaysa sa kanya kaya kailangan nitong mabuhay. Kailangan daw ito nang pamilya nito at nang Clandestine. Nang makalabas ang Don ay agad nya rin tinulungan makalabas ang kaibigan. Ngunit bago ito tuluyang makalabas ay pinatakbo na siya nito dahil ilang sandali na lang ay sasabog na ang kotse.

Bagamat ayaw iwanan nang Don ang matalik na kaibigan ay natakot na din siya, pinilit niyang lumayo kahit madami na rin siyang sugat. Ilang sandali pa ay sumabog ang sasakyan. Bagamat hindi agad binawian nang buhay si Lucio dahil naisugod pa ito sa hospital ay hindi kinaya nang katawan nito ang mga tubo na bumubuhay dito.

Nailibing ito nang hindi nakikita ni Rafael dahil dinala siya sa America nang anak nitong si Renato upang magamot nang maayos. Nang makauwi muli ay wala na siyang nahanap na kamag-anak nang namatay na kaibigan. Bilang pasasalamat ay gumawa nang last will and estament ang Don bago ito mamatay.

MY HUSBAND IS A ICE KING (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon