Hindi niya na alam kung paano siya nakapasok sa kwarto niya pero alam niyang pagkatapak niya pa lang sa labas nang kwarto ni Aled ay tumulo na ang mga luha niya na kanina pa nagbabadyang bumuhos.
Paanong ganoon ang nangyari? Ang akala niya ay okay na okay na sila nang asawa. Napapatawa niya na ito at napapa ngiti. Hindi na siya nito sinusungitan at hindi na rin ito nagsusuplado.
Pero malayo pala sa katotohanan ang mga naramdaman niya. Sa bibig na mismo ni Aled nagmula na binigyan lamang siya nito nang pabor. Tila ayaw tumigil sa pagbuhos ang kanyang mga luha. Patuloy lamang iyon sa paglabas. Dalawang oras na siyang umiiyak at namumugto na ang kanyang mga mata ngunit tila wala pa rin iyon balak na huminto.
Kanina pa siya kinakatok nila Lisa at Aileen. Nagtatanong ang mga ito kung ano ang nangayri pero hindi siya sumasagot. Gusto niyang isipin nang mga ito na natutulog lamang siya.
Kinuha niya mula sa drawer ang cellphone na ibinigay sa kanya ni Aled. Tinawagan niya si Prince na agad naman nitong sinagot.
"S-si Sandy to." Humihikbi na sabi niya nang sagutin na ni Prince ang kanyang tawag.
"S-sandy? Wait, are you crying? A-anong nangyari?" Bakas ang pag-aalala sa boses nang lalaki.
"P-prince, ang sakit sakit.." Humihikbi na sabi niya. Gustong gusto nyang sabihin kay Prince ang sakit na nadarama niya ngunit hindi niya masabi.
"H-ha? A-anong nangyari? Sinaktan ka ba ni Aled? Anong ginawa niya sayo?" Sunod-sunod na tanong nang lalaki.
"P-pwede ba tayong magkita ulit ngayon? Please, Prince. I have to go away." Mahinang sabi niya.
"O-oo naman. Saan tayo magkikita? Oh please huwag ka nang umiyak." Pakiusap ni Prince sa dalaga.
Kaagad na linapitan ni Prince si Sandy nang makita itong naka upo sa isang bench sa tapat nang isang mall. Alas onse na nang gabi kaya sarado na ang mall at wala na halos tao ang dumadaan sa lugar na iyon.
Matapos maiparada ang dalang sasakyan ay tinakbo niya na ang kinaroroonan nito. Nakayuko lang ito at sa tabi nito ay may isang bag. Tumabi siya rito at iniangat ang mukha nito. Namamaga ang mata nito kakaiyak.
"S-sandy, what happened?" Agad niyang tanong.
Mapaklang ngumiti si Sandy. "Lumagpas ako sa limit. Hindi ko alam na dapat ko nga palang ilugar ang sarili ko. Kaya heto, dahil sa katangahan ko, umiyak ako." Malayo ang tingin nito.
"A-ano ba ang sinabi ni Aled?"
"Not because he treated me better this past few days ay may karapatan na daw akong pakealaman ang buhay niya. Asawa niya lang ako sa papel, pareho kaming nakikinabang, matuto akong lumugar at naiirita siya kapag tinititigan at pinagsasabihan ko siya." Mahinang sabi ni Sandy. Malayo pa rin ang tingin nito.
Hindi kaagad nakapagsalita si Prince. Kahit ito ay na shock.
"Ginawan niya lang ako nang pabor, Prince." Nagsisimula na namang tumulo ang luha niya. "Ginawan niya lang daw ako nang pabor. Ang sakit-sakit marinig mula sa kanya."
Nilabas ni Prince ang panyo mula sa bulsa niya at pinunasan ang luha nito. Inakay niya itong tumayo at binitbit niya ang bag nito. "Well talk, not here." Pinasakay niya ito sa kotse niya.
Awang awa si Prince sa dalaga. Tila ito isang robot. Patuloy na ang pagdaloy nang luha nito kaya binilisan niya ang pag mamaneho. Dinala niya ito sa isang lugar kung saan madalas siyang pumunta kapag malungkot siya.
Isa iyong undeveloped na lugar sa Antipolo. Umupo sila sa damuhan at inilabas niya rin ang natitirang beer in can niya sa cooler na nasa likod nang kotse niya.

BINABASA MO ANG
MY HUSBAND IS A ICE KING (COMPLETE)
Science FictionDisclaimer: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, living or dead and places or events is purely accidental and unintentional.