SANDY POV
"Wala sa usapan natin yan!"
"I added you the bonus, why don't you just walk away?"
"This is not what we planned! This is insane! You are insane!"
"This is exactly why i made you do this! Kailangan natin sya!"
Unti unti'ng nagmulat si Sandy mula sa pagkakapikit. Hindi niya alam kung nasaan siya. Madilim ang paligid. Tanging ang ilaw sa siwang ng pinto ang kanyang nakikita at tila may dalawang tao ang nag tatalo sa labas.
Nasan siya?
Ano'ng nangyari?
Bakit wala siyang matandaan?
Ginalaw niya ang kanyang mga kamay. Nakatali ang mga iyon.
Pati ang mga paa niya!
She tried to scream but she realized her mouth were taped.
Unti unting namuo ang mga luha sa kanyang mata.
Nasaan si Aled? Nasaan ang asawa niya?
"Gising ka na pala." Sabi ng boses na pamilyar sa kanya.
Bumukas ang pinto. Napuno rin ng liwanag ang paligid ng buksan ng lalaki ang switch ng ilaw.
Nanlaki ang mga mata niya ng makita kung sino ito. Si Justine!
"Yeah, i know." Bumuntong hininga ito. "I'm so sorry Sandy. Wala ako'ng choice."
Nagtatanong ang kanyang mga mata na tiningnan ito. Walang patid ang pagsungaw ng mga luha sa kanyang mga mata. Ang kaelegantihan ng lugar na kinaroroonan niya ay hindi nagpalubag sa kaba, takot at galit na nararamdaman niya.
Puno ng luxury items ang lugar. May king size bed at kompleto ang lahat ng gadget.
Nasaan siya?
Lumingon ito bago lumapit sa pinto at isara ito. He locked it bago mabilis na lumapit sa kanya at dahan dahan na tinanggal ang tape na nakatakip sa bibig niya.
"Sino ka ba talaga? Ano'ng kailangan mo sa akin? Ano'ng gagawin niyo sa akin?" Sunod sunod na tanong niya.
Umupo ito sa kama na nasa harap nya.
"My real name is Adrian. I'm really not a student of St. Bernard. I was just there for a purpose." Paliwanag nito.
"And that is to kidnapped me?" Salubong na kilay na tanong niya. Gusto niyang sumigaw pero alam niya na wala rin iyon magagawa. Kulob ang kwarto at halatang sound proof.
Tumango ito. "I'm sorry. I know na nagtiwala ka talaga sa akin and all. I feel bad about what i did but wala ako'ng choice." Halata ang intensity ng mga sinasabi nito.
"L-let me go." Sabi niya.
Umiling ito. "I can't, Sandy. I'm really sorry."
Nakagat niya ang pang ibabang labi. "A-ano ba talaga ang gagawin niyo sa akin?" Nagsusumamo na tanong niya. Wala siyang lakas para makipag argumento.
"T-they will ask a randsom. But i will assure you, we will let you go, they will let you go as soon as naibigay na ng asawa mo ang randsom."
"S-si Aled? No. H-hindi niyo kilala ang asawa ko. He's a very dangerous person, Justine - or Adrian. Just let me go. Itakas mo ako, please..."
Tumayo ito. "I'm really sorry."
Ilang sandali pa ay muli siyang mag-isa sa kwarto. Wala siyang magawa kundi ang lumuha.
BINABASA MO ANG
MY HUSBAND IS A ICE KING (COMPLETE)
Fiksi IlmiahDisclaimer: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, living or dead and places or events is purely accidental and unintentional.