Blythe's POV
Pagkatapos ng third subject vacant na namin.
Kaya pumunta kami ulit ng canteen at naubutan namin si ethan and friends.
"Oh, hi babe miss me already? "nakangiting tanong ni ethan kaya binatukan ko siya.
"Miss mo muka mo, may kasalanan ka pa sakin tara mag usap tayo"sabi ko sabay higit sa kamay niya.
"Owws"react ni ethan kaya napabitaw ako.
"Ah, yana may paguusapan lang kami ah"paalam ko ko yana.
"Sige lang bes yiee"yieee?agik amp.
Nauna na akong maglakad kay ethan sumunod naman siya.
Nandito kami ni ethan sa rooftop ng school.
"Ano gusto mong pag usapan natin babe? "tanong niya. "Gusto mo talaga tayong dalawa lang ah"nakangising sabi niya.
"Tigilan mo nga ako sa kaka-babe mo"iritang sabi ko.
"Ayaw mo nun? "nakapout na sabi niya.
Ang cute talaga niy-----Aish!!
"Bakit? Tayo ba? Nakataas kilay kong tanong.
"Bakit? Hindi ba? "pabalik niyang tanong.
"Hindi"sagot ko. Tumahimik lang siya.
"May kasalanan ka pa sakin"panimula ko.
"Ano yun? "
"Bakit sinabi mo kay kuya yung muntik na mangyari sakin?"seryosong tanong ko.
Badtrip. Bakit kase sinabi niya.
"Ehh?? Syempre para alam ng kuya mo yung nangyayari sayo, at saka kuya mo siya may karapatan siyang malaman"seryosong sagot niya.
"Badtrip ka e!! "inis na sabi ko.
"Bakit? "
"Galit tuloy sakin si Kuya dahil sinabi mo"paiyak na sabi ko.
"Okay lang yun"sagot niya.
Okay? Huh?
"Anong oka---"di ko na natuloy sasabihin ko kasi sumingit siya.
"Okay lang na magalit siya dahil sa nalaman niya, kaysa naman sa itago mo pa sa kanya edi mas lalong magagalit yun. Alam mo naman kuya mo may toyo, mapapatawad ka rin nun"sabi niya sabay gulo sa buhok ko.
Ethan's POV
"Okay lang na magalit siya dahil sa nalaman niya, kaysa naman sa itago mo pa sa kanya edi mas lalong magagalit yun. Alam mo naman kuya mo may toyo, mapapatawad ka rin nun"sabi ko kay Blythe sabay gulo sa buhok niya.
Cute talaga neto.
"Oh, bakit namumula ka? "asar ko sa kanya.
"h-huh? Anong namumula?"nahihiyang sabi niya.
Kinikilig siya?
"Kinikilig ka no? Ano inlove ka narin sakin? "pang asar ko.
Ayy? Ano ba sinabi ko? Anong narin?
"Huh? Narin? Bakit inlove ka sakin? "tanong niya.
Pakshet?? Ngayon ba ako mapapaamin na wala sa oras???
"Ahh, heehe, bakit kung sabihin kong OO anong gagawin mo"naka smirk na tanong ko.
"Ahh, wala syempre"ilang na sagot niya.
"Awts, basted agad ako"bulong ko.
"huh? May sinasabi ka? "tanong niya.
"Wala tara na! "sabi ko sabay higit sa kamay niya.
Pagkapunta namin canteen syempre yung ibang babae masama tingin kay Blythe.
Hindi naman sila pinansin ni Blythe.
Pagkaupo namin tinanong ko siya kung ano gusto niyang kainin.
"babe,what do you want to eat? "tanong ko.
"Bakit libre mo? "nakangiting tanong niya rin.
Shet, ang ganda ng ngiti niya lalo akong naiinlove.
"huy, Ethan ayos kalang? Namumula ka"pang asar ni Blythe. "sabi na nga ba e inlove ka sakin"dagdag niya pa.
"huh? Baliw, sige bili muna akong food natin hehe"ilang na sabi ko.
Umorder na ako ng pagkain namin ni Blythe. Syempre samin lang may mga pera naman tropa ko e. Hehehe.
Pagkatapos ko umorder edi pumunta na ako sa table, naabutan ko silang nagkukwentuhan.
"Time to eat"singit ko bigla sabay bigay ng pagkain ni Blythe.
"Yieee thanks"nakangiting pagpapasalamat niya.
"You're always welcome "sabi ko sabay kindat.
Habang kumakain kami biglang nagsalita isa sa tropa ko.
"Ob, bakit si blythe meron kami wala? "takang tanong ni justin.
"Edi bumili ka ng sayo saka bilj mo na rin kaibigan ni blythe"sabi ko.
"Pambili? "sabay lahad ni justin.
"Siraulo malamang pera tsk, yaman yaman kuripot"sabi ko at nagpatuloy sa pagkain.
Wala naman siyang nagawa kundi bumili nalang ng pagkain nila.
Kuripot.
A/N:Pagpasensyahan niyo na yung mga typo hihi. Enjoy reading
BINABASA MO ANG
My Boyfriend Is a Campus Crush(Completed)
FanfictionHi, I'm Blythe Audrey Garcia. Meron akong childhood Friend di ko akalain na si Ethan yun, yung campus crush ng school na pinapasukan ko. Karamihan sa babae sa school galit sakin kesyo feeling close daw ako kay Ethan kasi campus crush nga siya, at...