Blythe's POV
"So, Ano yung nababalitaan ko huh? "bungad sakin ni Yana.
Jusq naman di pa ako nakakapasok sa room.
"Himala, nauna ka ulit sakin pumasok? "tanong ko din sa kanya.
"Ganun talaga pag maganda"sabi niya pa.
Humangin bigla.
"Saan banda?"taas kilay na tanong ko.
Inirapan niya naman ako at tinanong niya ulit ako.
"So, Ano nga yun nababalitaan ko? "tanong niya ulit.
"Anong balita? Inosenteng tanong.
Jusq ulit, di man lang ba ako muna papapasukin ni yana sa room?
"Sus, kunwari kapa, Nabalitaan ko lang naman na nililigawan ka ni ethan"Sabi niya.
Napabugtong hininga ako.
"Bilis naman kumalat"sabi ko.
Pumasok na ako sa room bago pa magtanong ulit si yana. Pag upo ko hinahanap ko kung saan ko pwede ilagay yung rosas na binigay saken ni ethan. Bakit di ba ako dumiretso muna sa locker?
"Nililigawan ka nga? Totoo yun balita? "Tanong na naman ni yana.
Napakakulit talaga.
"Kanino ba nalaman yan?"kunot noong tanong ko.
"Wag ka nang mag deny, Alam mo namang campus crush yang si ethan malamang maraming mag uupdate agad, saka yan may dala kang rosas"sabi niya pa at tinuro yung rosas.
Hindi naman ako makatanggi kaya sinabi ko na yung totoo. Wala namang mangyayare pag tinago ko pa hehe.
"Wews, Oo kanina hinarang ako malapit sa gate at dun niya sinabi na liligawan niya ako"paliwanag ko.
At naman ako hinampas at kinurot ni yana.
"Ano ba, bat nanghahampas at nangungurot ka? "iritang sabi ko.
"Kinikilig lang bawal ba? "natatawang sabi niya.
"Ay ewan ko sayo, punta muna ako sa locker wala ako mapaglagyan netong rosas at poem kuno ni ethan"paalam ko.
"ay wow, di marunong mag appreciate ng efforts"sabi ni yana.
Hindi ko na siya pinansin at lumabas na ako ng room since wala pa teacher namin.
Pagdating ko sa locker area nilagay ko yung rosas na bigay ni ethan, Bago ko din ilagay sa locker yung sulat ni Ethan binasa ko muna ito.
Umaga'y kay ganda
Ngiti mo agad ay aking nasilayan na
Hindi hindi ako magsasawa na
Titigan ang iyong magandang muka
Nandito ako sa iyong harapan
Upang ipagtapat ang aking nararamdaman
Ikaw ang tinitibok ng aking puso kailanman
Ako ay totoong nagtatapat sa iyo
Hindi ko man hinihiling na mahalin mo
Ang isang tulad ko
Pero nandito ako,nandito ako saiyong harapan
At nag-aantay lamang hanggat makuha ko ang sagot mong "OO"
Wews, cheesy HAHAHA, nasa harapan ko daw pero wala naman, baka balak niya talaga basahin to sa harap ko? Nevermind, nilagay ko na sa locker yung sulat at bumalik na sa room.
Pagdating ko sa room, aba wala paring teacher.
"Oh, bakit wala pang teacher? "tanong ko kay yana pag kaupo ko.
"Ah, Absent daw may kailangan daw gawin"sagot ni yana.
"Aba, hindi ako nagbabayad ng tuition para umabsent siya"singhal ko.
Binatukan naman ako ni yana.
"Ano ba!"inis na sigaw ko.
"Kunwari kapa, gusto mo rin walang teacher" napatawa naman ako at nag peace sign.
"Tara sa canteen, hindi ako nag breakfast e"aya ni yana tumango naman ako at lumabas kami ng room.
Habang naglalakad kami ni yana nagbubulungan yung ibang estudyante habang nakatingin saken.
Alam ko maganda kaya wag na kayong magbulungan. Aga aga, mga wala ba silang klase.
"Well, Well,well"daming well naman nun sino ba yun hindi ko pinansin kung sino yun nagpatuloy lang kame sa paglalakad.
"Hoy, babae hindi mo ba ako naririnig!"May biglang sumigaw kaya napaharap ako nakita ko yung kaaway kong babae.
"OMG, Yana may tumatawag sakin naririnig mo ba or nakikita?"Kunwaring gulat na tanong ko.
"Hoy, bulag kaba?"di ko namalayan nakalapit na yung babae.
"omg, yana may multo pala sa building na to, tara na sa canteen"sabi ko kay yana at hinila siya lumingon pa ako dun sa babae kitang kita sa muka niya yung asar.
"Hanep ka talaga mang-asar"sabi ni yana.
"Ganun talaga hehe"
Pagpasok namin sa canteen nadatnan ko yung tropa ni ethan kasama si ethan.
"Oh, eto na pala yung future mo ethan"sabi ni Ian.
"Miss me already?"nakangiting tanong ni ethan.
"Miss your face, Bakit nandito ka? Nag cutting ka? "tanong ko.
Ngumiti naman siya ng malawak.
"Concern ka sa pag-aaral ko? "tanong niya.
Nag cross arms naman ako.
"Oo, Baka wala kang mapala sa future mo"mataray na sabi ko.
"Eh, pano yan, ikaw future ko"sabi niya pa.
Aba, yung tropa ni Ethan at si yana nag "ayiee".
"ay jusq, tara na nga yana gutom ka na diba? "sabi ko akmang aalis na kami bigla kami tinawag ni ethan.
"Blythe, Yana, kakain kayo?"tanong ni ethan.
"Hindi, t-tumbling lang"pang asar ko.
"Baka di ka? "
Narinig kong nag tawanan tropa ni ethan at si yana. Aba kaibigan ko ba to?
"Manahimik ka nga, malamang kakain kami kaya nga kame nasa canteen dibaaaa?!! "inis na sabi ko.
"Nvm, Umupo na kayo dito ako na oorder ng foods niya"Sambit ni ethan.
Wow.
"Anong trip to? "tanong ni yana kay ethan.
"Part ng pangliligaw ko yan kay blythe, sige upo na kayo"sabi ni ethan at umorder na wala naman kaming nagawa ni yana kung hindi umupo.
"Yieee, Sweet ni ethan no? "kinikilig na sabi ni Yana sabay sundot sa tagiliran ko.
"Anong sweet dun?"tanong ko, binatukan naman ako ni yana.
Nagcellphone nalang ako habang inaantay si ethan i mean yung order niya.
A/N:Enjoy reading chapter 15,Any thoughts about this chapter? Free to comment :))
BINABASA MO ANG
My Boyfriend Is a Campus Crush(Completed)
FanfictionHi, I'm Blythe Audrey Garcia. Meron akong childhood Friend di ko akalain na si Ethan yun, yung campus crush ng school na pinapasukan ko. Karamihan sa babae sa school galit sakin kesyo feeling close daw ako kay Ethan kasi campus crush nga siya, at...