A/N: NEW CHARACTER IS AC GRADE 8 EX NI ETHAN, YES YOU READ IT RIGHT HAHAHA GRADE 8 EX!!! IF YOU KNOW SHIN SE KYUNG SHE IS AC HERE IN STORY. HAPPY READING!
Blyhte's POV
30 minutes!!! 30 minutes simula nung nagpaalam si ethan, Sabi niya saglit lang pero hanggang ngayon wala pa. Kaya sa sobrang badtrip umuwi na ako mag isa ng hindi man lang siya tinetext.
Time 5:30pm
Pagdating ko sa bahay humiga ako agad sa sofa. Hays, nakakapagod. Maya-Maya narinig ko si kuya na sumigaw.
"blythe!!"sigaw niya.
"Oh?!!!"sabi ko naman.
Hindi sumagot si kuya,kaya pinikit ko muna mata ko. Wala pang ilang minuto akong nakapikit may sumipa sa paahan ko.
Anak ng!
"bakit ba?"asar na tanong ko.
"Bakit ngayon ka lang umuwi ha?"Hindi naman galit yung tono ng pananalita niya pero halatang nag gagalit-galitan.
"Ehh? Gumala lang kami ni ethan,dyan sa SM"Pagsasabi ko ng totoo.
Badtrip pa din ako dun.
"Ah, Gala kasama si ethan, Bakit di ka man lang nagtext?"nakapamaywang pang tanong niya.
Wow, Q and A kuya??
"Ehh, Lowbat na phone ko e"pagdadahilan ko.
Agad niya akong kinutusan pero mahina lang.
"Oh, sige na kumain kana dun, Wag mong nang uulitin na hindi ka magpaalam ah? Baka mangyare na naman sayo yung nangyare nung nakaraan"pagsesermon pa niya kaya nginusuan ko lang siya.
Kinuha ko na yung bag ko at dumiretso sa kwarto para i full charge yung phone ko at para maligo.
Ilang minuto matapos akong maligo agad akong nagbihis para lumabas ng kwarto at kumain.
"Oh, tagal mo naman"sabi ni kuya tinaasan ko lang siya ng kilay. Bakit naman ako hihintayin nito?
"Bakit? "takang tanong ko.
"May nag-aantay sayo sa kusina"sabi ni kuya kaya napakunot noo ko.
Sino naman? Agad akomg pumunta sa kusina para alamin kung sino yung bisita kuno.
Hala? Bakit nandito to?
"Hoy, Ano ginagawa mo dito? "tanong ko kay ethan.
"Ah-eh, Hi blythe, Kakamustuhin lang sana kita kung nakauwi ka ng maayos"nahihiyang saad niya muntik pa mautal.
"Oh, Nakauwi ako ng maayos nasa harap mo nga ako diba? "Mataray na sabi ko.
Akmang tatalikod ako pero nahawakan niya yung wrists ko.
"Uy, Sorry na kung natagalan ka sakin, May nakabangga kase akong kakilala kaya natagalan talaga"Paliwanag niya pa.
Kakilala, okay?
"Ah Kaya nakalimutan mong kasama mo ko no? "Inis na sabi ko.
Actually, Di naman big deal sakin yung natagalan siya e, Pero sabi niya saglit lang kaya nag antay ako. Pero tumagal ng ilang minuto at mag-gagabi na pero wala pa siya.
"Blythe--"Nang magsasalita siya pinigilan ko siya.
"No need to explain ethan, Okay lang tapos na e, Hindi naman big deal"sabi ko sabay ngiting pilit.
Paalis na ulit ako sana kaso pag harap ko nakita ko si kuya naka cross arms. Ehh??
"kuya??"yan nalang lumabas sa bibig ko.
"Anong meron sa inyong dalawa?"tanong ni kuya.
Napatingin naman ako kay ethan, Napatingin din naman siya sa akin.
"Ah, Wala lang"-ako
"Nililigawan ko siya"-siya
Nagkatinginan ulit kami ni ethan nung sabay kami magsalita.
"Huh? Nililigawan?kailan pa? "gulat na tanong ni kuya.
Ay wow ah? Gulat na gulat?
"Alam mo kuya, OA ng reaction mo? "sabi ko kay kuya kaya kinutusan niya ako pero mahina lang.
Tinignan naman ako ni kuya bago siya tumingin kay ethan, Ano to puro tinginan lang? Jusq.
"kailan pa kayo nagliligawan? "tanong ulit ni kuya.
Lah? Anong nagliligawan?
"1 week ago na"sabi ni ethan
Ay, 1 week na? Ang bilis naman.
"Bakit di mo sinabi sakin blythe? "tanong ni kuya.
Tumingin naman ako sa kanya bago magsalita.
"Sasabihin ko naman e, Humahanap lang ako chempo hehe"pakamot ako sa ulo pagkasabi ko.
Wala naman reaksyon tong si kuya.
"Ah"tanging nasabi ni kuya.
Ngek, Ayun lang reaksyon niya? Wala man lang ibang sasabihin? Adik ata to e.
"Basta, Etha wag mong sasaktan tong kapatid ko ah? Alam kong bata pa kayo, pero hindi ko naman mapipigilan feelings niyo, So I'm not against in your relationship"Mahabang sabi ni kuya.
Ha? Di siya tutol? Saka anong relationship? Wala pang kame ni ethan.
Tumalikod na si kuya at biglang nagsalita si ethan.
"Pano ba yan, Hindi tutol satin kuya mo? "nakangiting sabi ni ethan.
Sinipa ko naman siya sa paahan niya.
"Anong pake ko?Umuwi kana,gabi na"sabi ko sa kanya sabay hila palabas.
Buti nalang hindi ganun kahirap hilahin to. Hindi na siya nakapagsalita sa ginawa ko.
"Bye!"sabi ko sabay sara ng gate.
BINABASA MO ANG
My Boyfriend Is a Campus Crush(Completed)
FanfictionHi, I'm Blythe Audrey Garcia. Meron akong childhood Friend di ko akalain na si Ethan yun, yung campus crush ng school na pinapasukan ko. Karamihan sa babae sa school galit sakin kesyo feeling close daw ako kay Ethan kasi campus crush nga siya, at...