Ethan's POV
"uh, by the way blythe may bibigay ako sayo"sabi ko bigla nang maalala ko yung binili ko sa miniso.
"Ano? "sabi niya kaya kinuha ko sa bag ko yung pickachu na keychain.
"here"sabi ko sabay abot sa kanya.
Napa "o.O" naman yung reaction niya.
"Hoy, Bakit binili mo pa to"Nakangusong sabi niya.
"Hehe, naalala ko lang kung pano mo titigan yang keychain so naisip ko bilhin yan, saka yan din dahilan kung bakit ako bumalik sa loob ng mall hehe"paliwanag ko sa kanya kaya naman napangiti siya.
"Thank you!! "nakangiting saad niya.
"always welcome, pero syempre di ako mawawalan ng akin"sabi ko at kinuha sa bulsa yung parang bilog na sa pokemon din.
"charan"sabi ko at natawa naman siya.
"heheh, thank you ulit"sabi niga ulit at tumango naman ako.
Blythe's POV
Ganto ba kababaw kaligayahan ko? Simpleng bagay lang naman ang binigay sakin ni ethan pero sobrang saya ko hahaha.
"thank you ulit ah?"sabi ko kay ethan.
"Wala yun, tuwang tuwa ka naman sa binigay ko sayo"natatawang sabi niya.
"Syempre galing sayo yun e"sagot ko.
"Syempre pogi ako"sabi niya ulit.
Ha? Anong connect nun sa sinabi ko? Wala akong masabi sa sinabi niya dahil wala naman itong connection kaya tinawanan ko nalang siya.
"Uwi na tayo?"aya ni ethan kaya napatingin ako sa relos ko.
Shocks,ala singko na agad amp.
"Sige, tara hindi pa naman ako nagpaalam kay kuya"sabi ko pa at sabay kaming naglakad papalabas ng mall.
Sa kamalas-malasan naman may nakasalubong kaming malas.
"Oh, hi ethan lagi nalang tayong nagkakasalubong baka tayo talaga nakatadhana"natatawang sabi ni AC.
"ah hehe"tanging sabi ni ethan habang napapahawak pa sa batok.
Naka cross arms naman akong tinitignan sila ng mapansin ako ni ac.
"hi there Blythe hehe"bati niya sakin kaya binigyan ko siya ng ngiting plastik.
"Una na kami ah, bye"sabi ko kay ac at hinatak si ethan pero nahawakan pa ni ac kamay ni Ethan.
"ah ano, pwede ba akong sumama sa inyo? Hindi ko alam pauwi e"nakangusong sabi pa ni ac.
Pacute na paawa di naman cute.
"Ha? Di mo alam pauwi pano ka nakapunta dito? "sarcastic na tanong ko.
Hindi naman siya nakasagot sakin kaya kay ethan siya tumingin.
"Please dali na"sabi niya pa kay ethan.
Wow, kay ethan nagpapaalam ah.
"ah kase ano e-"hindi alam ni ethan ang sasabihin niya kaya ako na ulit ang sumagot.
"Alam mo AC, may project pa kasi kame ni ethan e, kaya una na kame ah?"sabi ko ulit at hinatak si ethan papalayo.
Luckily hindi na sumunod si ac, kainis.
"grabe, ang possessive mo naman sakin"natatawang sabi ni ethan.
"heh!manahimik ka nga"sabi ko pa at nag abang kami ng sasakyan.
Ac's POV
Hi there, my first pov ever.
Kainis talaga yung babae yun kala mo kung sinong maganda. Well maganda naman kaso mas maganda ako.
Hindi tuloy ako nakasabay kay ethan, bakit kasi laging magkasama yung dalawa na yun.
Ah oo nga pala, nagliligawan pero tinignan natin kung kayo hanggang huli hehe.
Syempre sa mga love story diba may extra at epal edi ako ang eepal sa relasyon niyo.
Hindi pwedeng kayo lang maging masaya. Saka unang naging akin si ethan,so babawiin ko lang ang nararapat na para sa akin.
Watch and learn Blythe.
Ethan's POV
"Tawagan mo ko pagkauwi mo ah?"sabi ni Blythe ng makarating kami sa tapat ng bahay nila.
Grabe, ganto pala si blythe pag inlove din.
"hoy, sabi ko tawagan moko pag uwi mo ngi-ngiti ngiti ka dyan adik kaba? "sabi ni blythe.
"yes mam, tatawagan kita pag uwi ko don't worry hahahaa"sabi ko.
"Oh sige na, nagdidilim na umuwi kana"sabi niya pa.
"masyado ka naman concern eto na uuwi na bye bye"Sabi ko at naglakad papalayo.
Grabe ulit, Bakla na kung bakla pero kinikilig ako nung umamin sakin si blythe hehe. Tapos parang ayaw niya pang lapitan ako ni ac ang possessive naman ng future ko.
Wala na, Siya nalang iniintay ko talaga.
Gusto ko siya makasama sa pagtupad ng pangarap ko.
Lord bakit ang bait mo sakin?
BINABASA MO ANG
My Boyfriend Is a Campus Crush(Completed)
FanfictionHi, I'm Blythe Audrey Garcia. Meron akong childhood Friend di ko akalain na si Ethan yun, yung campus crush ng school na pinapasukan ko. Karamihan sa babae sa school galit sakin kesyo feeling close daw ako kay Ethan kasi campus crush nga siya, at...