Blythe's POV
"Get out of my face!"sigaw ni Ethan dun sa babae.
Pagkasigaw niya dun sa babae agad agad naman umalis kasama pets---este kaibigan niya at sinamaan pa ako ng tingin kaya tinarayan ko siya.
Hindi ko alam kung paano nalaman ni Ethan na may nang-aaway sakin dito eh.
"Anong ginawa nun sayo?"magkasalubong kilay ni Ethan habang nag tatanong.
"Eh, Anong ginagawa mo dito? "tanong ko din sa kanya.
"May nagsabi sakin"Sagot niya.
At sinong tsismosa o tsismosong nagsumbong kay ethan.
"Sino naman?!"curious na tanong ko.
"None of your business"Ay wow.
Siraulo pala to ei.
"Edi None of your business din kung bakit kami nag away!!"sigaw ko sa kanya.
Akmang papasok na ako sa room ng higitin niya yung wrists ko.
"I'm talking to you, Anong ginawa niya sayo? "pag-uulit niya ng tanong.
Nakairita paulit ulit naman. Kaya naman sinagot ko na tanong niya ng hindi na paulit ulit.
"Eh, Papasok na ako dito sa room ng harangin ako nung babaeng yun, at sinabing inagaw daw kita sa kanya"nakangusong sabi ko habang salubong kilay.
Pesteng babae yun dinumihan pa ako.
"Kailan pa ako naging kanya---Eh, Diba Girlfriend na kita? "sabi niya pa.
Agad naman nanlaki mga mata ko, anak ka nang---anong Girlfriend?
"Hoy, Baliw kaba?"Mataray na tanong ko.
"Sayo? Oo naman, Baliw na baliw pa nga e HAHA"natatawang sagot niya.
Hanep.
"Bakit nakalimutan mo naba yung sinabi ko sa canteen?"takang tanong niya.
Anong sinasabi naman sa canteen? Bakit parang wala akong alam sa nangyayari.
"Ha?"
"Okay papaala ko sayo, "MAKINIG KAYONG LAHAT SIMULA NGAYON GIRLFRIEND KO NA SI BLYTHE AUDREY GARCIA WAG NA WAG NIYONG TATANGKAIN NA LIGAWAN YANG BABAE NA YAN DAHIL SIMULA NGAYON HANGGANG SA HULING HININGA KO AKIN SIYA MALIWANAG!!!!! " Sabi ni ethan yan.
"YAN YUNG EKSAKTONG SINABI KO SA CANTEEN REMEMBER?"Nakangising sabi ni ethan.
Badtrip bat ngayon ko lang naalala.
"ehh??"tanging sagot ko.
"Remember huh? "pag-uulit niya pa.
Bwiset.
"Wala akong naalala bahala ka dyan!?sabi ko at dali daling pumasok sa room.
Ramdam ko naman ang pag sunod saken ni yana.
"Uy, bes, di ka muna ba magpapalit ang lagkit mo na"paalala ni yana. Napatingin naman agad ako sa suot ko.
Iww dugyot. Agad akong tumayo at sumenyas kay yana na magpapalit muna.
Paglabas ko ng pinto nakita ko si ethan naka cross arms.
"So, naalala mo na kaya ka lumabas? "nakagiting tanong niya.
"Pwede ba, manahimik ka? "mataray na sabi ko sa kanya at pumunta na ako sa locker area.
Agad kong kinuha yung uniform at palda kong extra. Agad korin sinara yung locker. Pagkasara napasigaw nalang ako dahil kay ethan.
"Potek ka, anong ginagawa mo dito? "asar na tanong ko.
"Hindi kita tatantanan hangga't hindi mo sinasabi na naalala mo yung sa canteen, hmm"naka smirk na sabi niya.
Ayy, jusq po bakit may gantong klaseng tao sa paligid ko.
"Eh, Sa ayokong sabihin"asar na sabi ko.
"See?edi inamin mo rin"Natatawang saad niya.
"Manahimik ka nga ethan, Anong girlfriend ba yun? Pumayag ba ako? Ni hindi ka nga nanliligaw"naka cross arm na sabi ko.
Lumawak naman ang ngiti niya. Kaasar.
"So, Gusto mong ligawan kita? Okay, Starting tomorrow,bye!!"sabi niya at kumaway palayo.
"aba--ang kapal ng muka"bulong ko sa sarili ko.
Hindi ko na siya inintindi at dumiretso na ako sa banyo, para mag ayos.
----
SO, SORRY ULIT NATAGALAN YUNG UPDATE HEHEHE, HAPPY 10K READS THANK YOU SO MUCH!!!! MAYBE I'LL UPDATE CHAPTER 14 TOMORROW!!!
BINABASA MO ANG
My Boyfriend Is a Campus Crush(Completed)
FanfictionHi, I'm Blythe Audrey Garcia. Meron akong childhood Friend di ko akalain na si Ethan yun, yung campus crush ng school na pinapasukan ko. Karamihan sa babae sa school galit sakin kesyo feeling close daw ako kay Ethan kasi campus crush nga siya, at...