Chapter 21

1.2K 50 4
                                    

Ethan's POV

Simula kahapon hindi ko pa nakakausap si blythe, kaya nagiisip isip ako kung pano ko siya kakausapin.

Nag tanong ako ng suggestion sa kaibigan ko pero ang non-sense ng mga sagot.

Habang naglalakad kami ng mga tropa bigla namin nakasalubong si AC.

Eh? Bakit nandito yan?

"Oh, Hi ethan"bati niya sakin.

"hehe,hello bat nandito ka? "tanong ko sa kanya.

Tumawa naman siya, Anong nakakatawa sa tanong ko?

"Tingin mo bakit nandito ako? "sarcastic na tanong niya.

"Nag-aaral? "alangan na tanong ko.

Tumawa naman ulit siya ng malakas kaya napatingin sa kanya yung mga dumadaang studyante.

"Exactly ethan, saka nandito ako para kunin ka ulit hihi"malanding sabi niya.

Napatingin naman ako sa tropa ko na nakangiti at napapailing nalang.

"Pwede bang sumama muna ako sa inyo? "tanong niya.

"Bakit? "

"Eh, hindi ko na kabisado to e, ilang years nung umalis ako dito so ayun"nakangiting sabi niya pa.

Tumango nalang ako at inaya sila sa canteen. Pagpasok namin sa canteen nakita ko agad si blythe may hawak na tubig nakatingin lang siya sakin at tinignan niya rin si AC.

Akmang aalis na siya ng hawakan ko kamay niya.

"Blythe? Galit ka parin ba? "tanong ko tinignan niya lang ako at umalis siya.

Napakamot nalang ako sa ulo at bigla naman nagsalita si AC, hays kailan ba titigil to sa kakatanong.

"Sino yun? "takang tanong niya.

"Nililigawan niya hahahaha LQ ata sila"natatawang sabat ni Ian.

Napatango nalang si AC. Nagpaalam muna ako sa kanila para puntahan si blythe sa room nila at hinabilin ko din si AC sa kanila.

Agad akong tumakbo papuntang room nila blythe, yung mga babae tilian pa ng tilian hays di ba sila nagsasawa sa muka ko? Sabay gwapo ako bakit sila magsasawa.

Nang makarating ako sa room nila rinig ko na agad bulungan ng mga kaklase niya, nilapitan ko naman agad si blythe.

"Blythe, Can we talk? "tanong ko sa kanya.

"About what? "tanong naman niya at saka tumingin sakin

"Hindi mo ko pinapansin e"sabi ko at napakamot sa batok ko tinaasan naman niya ako ng kilay at nagsalita ulit.

"Bakit? Wala naman akong sasabihin sayo ah? "Sabi niya pa

Ang tahimik sa room nila halos boses lang namin ni blythe ang naririnig, halatang mga chismoso at chismosa classmates niya tsk tsk.

"Ei? Sorry na, Sorry na kung natagalan ako nung time na nag mall tayo, May nakasalubong lang ako nakakilala kaya ayun"pag-uulit ko pa ng sinsabi ko sa kanya nung nakaraan ayun lang naman ang dahilan kaya wala na akong ibang sasabihin.

"Sino ba yang nakasalubong mo at parang importante kaya hindi mo ko na isip?"takang tanong niya.

Huminga naman ako nang malalim bago sumagot.

"Si AC, yung ex ko"maikiling sagot ko.

Bigla naman bumusangot yung muka niya at halata ang inis.

"Siya ba yung kasama mo kanina? "tanong niya at tumango naman ako.

"Ah, Edi dun kana"sabi niya sabay tulak sakin pero mahina lang.

Bigla naman akong napangiti sa ginawa niya.

"Nagseselos kaba? "pang-asar na tanong ko pa.

"huh? Selos ako? Asa!!"biglang sigaw niya sakin.

Natawa naman ako ng malakas dahil halatang nag seselos siya, tsk in denial.

"Amin amin din pag may time tsk tsk"pang asar ko pa, inis na inis naman yung muka niya.

Lol, she's cute pag naiinis.

"Bwiset kaaa!!! Manahimik ka kung gusto mong pansinin pa kita! "gigil na sabi niya kaya napa zip mouth nalang ako, baka matapos agad love story namin e hindi pa nagsisimula.

"Libre nalang kita mamaya ice cream? Deal? "tanong ko.

"Lilibre moko tapos iiwan mo ulit ako?"inis parin na tanong niya.

Yinakap ko naman siya para mag sorry nag ayiee ayiee pa mga classmates niya.

"EHEM!! "biglang may sumigaw ng malakas napatingin ako sa harapan at nandun ang teacher nila.

"aba, hindi oras ng ligawan, Mag-aaral muna kayo mamaya na landian! "sigaw ng teacher nila blythe.

Kaya nagpaalam na akong mamaya nalang kami magkita tumango naman siya at napangiti ako.

Lumabas na ako ng room nila pero bago ko isara yung pinto sumigaw ako.

"Bye, Teacher!!!"sigaw ko narinig ko naman tawanan ng studyante niya.

My Boyfriend Is a Campus Crush(Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon