Ethan's POV
Pagkatapos namin kumain nag-pahinga kami saglit at naglakad lakad ng kami sa mall hanggang sa matapat kami sa miniso.
Hinila ako ako ni blythe papunta sa loob at natitingin ng kung ano-ano.
"Suot mo to ethan, dali bagay sayo"sabi ni blythe at binigay sakin yung cap.
Anong trip neto.
"Eh, Ayoko"tanggi ko sabay balik sa kanya ng cap.
"ehh, Dalii na pipichuran kita. Pleaseeee"pagpapa cute niya.
Aish, bakit ganyan ka blythe.
"Oh, Dali"sabi ko sa kanya na parang napilitan, pero napilitan naman talaga dahil sa kakyutan niya.
"Oh, ayan pogi mo dito hahaha"sabi niya habang nakatingin sa picture.
Pangiti rin naman ako sa ginawa niya. Ilang minuto naglilibot parin kami sa miniso, si blythe natititingin ng key chain.
Nakatingin ako sa kanya habang siya nakatingin sa pikachu na key chain. Maya-Maya naman nag aya na siyang umuwi.
Pagkalabas namin ng mall nagpaalam ako sa kanya na may nakalimutan lang ako sa mall kaya dali-dali akong bumalik.
Pumunta ulit ako sa miniso para bilhin yung pikachu na key chain at ibigay sa kanya.
"How much po? "tanong ko sa cashier.
"300 pesos sir"sabi ng cashier kaya kumuha ako ng pera sa wallet.
Agad akong nagmadali lumabas ng mall. Habang naglalakad takbo ako may nabangga akong babae.
"oh, sorry miss"paghihingi ko ng paumanhin.
Agad ko naman siyang tinulungan damputin ang mga gamit na nahulog.
"Sorry talaga, nagmamadali kasi ako e"paghingin ko ulit ng paumanhin.
"Okay lang---oh ethan? "sabi nung babae nung maiingat niya ang tingin niya.
Eh?? Kilala niya ako? Pwede rin, Syempre campus crush, baka schoolmate hehehe.
"kilala mo ko? Ka schoolmate ba kita? "tanong ko.
Tumawa naman siya bago sumagot.
"You don't remember me?"tanong niya pabalik.
Ehh? Sino ba siya?
"hindi e"napakamot batok na sagot ko.
"Okay, let me introduce myself Again, It's me Ac your Grade 8 Ex"pagpapakilala niya. Nanlaki naman ang mga mata ko.
Hala? Siya na to? Laki ng ginanda.
"Seriously? Laki ng ginanda mo ah"natatawang saad ko.
"Bakit panget ba ako dati? "taas kilay na tanong niya.
"Hindi naman"
She's Ac my first love when i was in grade 8,hindi kami nagtagal kasi mag aaral daw siya sa abroad kaya yun.
"Btw, how are you?" tanong niya ulit.
Walang katupusang tanong.
"okay lang naman, Nag-aaral ng mabuti hehe"sabi ko.
"Sus, Siguro marami ka paring babae? "pang-asar na tanong niya.
"Muka ba akong babae? Campus crush lang ako kaya maraming naghahabol"Pagyayabang ko.
Akmang magsasalita siya pero naunahan ko siya, shit naalala ko si blythe.
"Ah, Ac una na ako ah? Nay nagaantay kase sakin e"Paalam ko.
"Ganun ba, sige sabay na tayong lumabas"tumango lang ako at sabay kaming naglakad.
Actually, tatanggi dapat ako kase mabagal siyang maglakad at madaldal siya.
So ayun, nakwento niya yung buhay abroad niya, She's now in college, may tinake siya exam kaya nakapasa agad siya. No worries matalino naman siya siya.
Nang papalapit na kami sa exit, parang natanaw ko na wala dun si blythe kaya nagpaalam ulit ako kay Ac na mauuna na ako, hindi naman siya nagreklamo kaya tumakbo na ako palabas ng mall.
Wala si blythe sa lugar kung saan ko siya iniwan, kaya nag tanong ako sa guard kung may nakita siya babaeng maliit at maiksi buhok, pero wala daw kaya tinawagan ko na si blythe pero na ka off ang phone niya.
Sa huli napagdesisyunan ko na mag abang ng bus para pauwi. Pupuntahan ko nalang siya pag uwi ko.
Guide me God sana hindi siya galit.
BINABASA MO ANG
My Boyfriend Is a Campus Crush(Completed)
FanfictionHi, I'm Blythe Audrey Garcia. Meron akong childhood Friend di ko akalain na si Ethan yun, yung campus crush ng school na pinapasukan ko. Karamihan sa babae sa school galit sakin kesyo feeling close daw ako kay Ethan kasi campus crush nga siya, at...