Chapter 25

842 38 2
                                    

Ethan's POV

Nang matapos ang klase agad akong pumunta sa room nila blythe, habang naglalakad ako sa hallway nagbubulungan na naman yung mga babae.

"graduating na sila bukas huhu"

"hindi na natin siya makikita"

"malay mo naman dito siya mag aral ng shs."

"Sana nga huhu"

Hays.

"Oh ethan, ang bilis mo ah"ani bigla ni yana ng maabutan ko sila sa tapat ng room nila.

"ganun talaga,baka puntahan na naman siya ni ac e"sabi ko naman.

"Uhh btw, blythe yung clearance mo ayos na, nakasalubong ko kase yung adviser niyo kanina sinabi ko na napunit clearance mo tapos tinanong ko kung may list sila ng complete na sa clearance tapos pinakita niya naman sakin at nakarecord na name mo,so don't worry na"nakangiting paliwanag ko.

"Eh talaga?? Yieee thank you ethan!! "sabi ni blythe at saka--

Yinakap ako ng mahigpit.

Nung naramdaman niya nakayakap siya sakin biglang lumuwag at saka siya bumitaw sa pagkakayakap.

"hehe sorry na, masaya lang"nahihiyang saad ni blythe.

"Moves mo rin blythe ah"pang-asar pa ni yana kay na tawa nalang ako.

"Tara na? "aya ko kay blythe.

"Tara, Yana una na kami ah? "paalam pa ni blythe kay yana at tumango lang ito.

Nauna na kaming naglakad papalabas ng school at nag abang ng sasakyan.

Blythe's POV

Nang makarating kami sa tapat ng bahay namin nagpaalam na si ethan na uuwi na siya.

"Una na ako blythe"sabi niya pa.

"Ayaw mo bang pumasok muna sa loob? "tanong ko.

"Hindi na, bukas nalang ahaha"natatawang sagot niya.

"mm, sige ingat ka pauwi"sabi ko.

"Okay!! See you tomorrow!"sabi niya pa.

"See you!"nakangiting sagot ko at kumaway sa kanya.

Nang makalayo na siya agad akong pumasok sa loob ng bahay.

"Oh, aga mo ngayon ah"bungad ni kuya sakin.

"nag clearance lang naman kami"sagot ko at umupo sa sofa.

"By the way anak"sabi ni mama.

Taray may pa "by the way" hehe.

"Ano po yun ma? "tanong ko.

"Graduation mo na bukas,Anong balak mo? "tanong ni mama.

"Malamang ma,attend ng graduation"natatawang sagot ko.

Nabatukan naman ako ni kuya.

"Umayos ka nga ng sagot mo!"sigaw ni kuya sakin at binatukan ako.

"Maayos naman sagot ko ah"nakangusong angal ko pa.

"Tama na yan,Ano ngang balak mo after ng graduation? "muling tanong ni mama.

Kaya naman napaisip naman ako. Ano nga ba pwedeng gawin?

Matulog? Gumala? Kumain?

"Hindi ko rin alam ma hehe"sagot ko.

"Oh sya, magluluto muna ako ng makakain"sabi ni mama at iniwan kami ni kuya.

My Boyfriend Is a Campus Crush(Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon