Chapter 22

872 44 3
                                    

Blythe's POV

"Hoy dalian mo, bagal kumilos"angil ko kay yana.

Anong oras na baka nag aantay na si ethan e.

"Sus, gusto mo lang makita agad si ethan e"pang-asar niya pa kaya sinamaan ko siya nang tingin.

Natawa lang siya at tinuloy ang pag-aayos ng gamit.

"oh, tara na baka nandyan na future boyfriend mo"natatawang sabi ni yana at tuluyan kaming lumabas ng room.

Pagkalabas namin ng room wala si ethan, ah baka may klase pa kaya naglakad nalang ulit kami baka sakaling makasalubong namin si ethan at hindi naman ako nagkamali dahil nakasalubong namin siya pero--

"Ang funny mo talaga ethan hahaha"nakikipagtawanan si ethan dun sa ex niya at yung ex niya nakakapit pa ang braso kay ethan.

Okay?

"blythe"tawag ni ethan sakin at hindi maipinta ang muka niya pilit niyang inaalis yung pagkakahawak sa kanya ng ex niya pero ayaw bumitaw.

"Tara na? "tanong ni ethan at sumingit naman yung ex niya.

"Sino siya ethan? "tanong nung babaita.

"Future niya,bakit may angal tara na nga ethan, baka tamarin na naman ako"sabi ko at hinila ko na si ethan papalayo.

"Hay nako, selosa ka talaga"natatawang saad ni ethan.

"Tigilan mo nga ako ethan, nababdtrip ako dun sa ex mo ah, bakit ba nakabuntot ng nakabuntot sayo yun? "tanong ko.

"Ewan ko din e hahaha, yaan mo na siya wala na naman akong pake sa kanya e, ikaw lang mahal ko don't worry"nakangiting sabi niya pa.

"Sus"tanging sabi ko.

Hindi ko maitatanggi nagugustuhan ko na rin si ethan kahit papaano. Di ko alam paano nangyare, like isang araw nalang na nagising ako gusto ko na siya. Pwede ba yun?

At oo nagseselos ako dun sa ex niya, bakit ba hindi, siya dahilan bakit ako nakalimutan balikan ni ethan nun at ngayon magkasama pa sila tsk. Una siyang minahal sakin ni ethan anong laban ko dun?

"Woi, nandito na tayo, ano pang iniisip mo dyan"biglang sabi ni ethan.

"Edi libre mo na ako hehe"sabi ko nalang at iniwan ko siya para maghanap ng uupuan.

Nag antay ako ng ilang minuto bago makabalik si ethan.

"Oh, eto ice cream mo"sabi niya sabay abot sakin ng ice cream.

"Thanks hehe"tanging sabi ko.

Walang nagsasalita samin habang kumakain ng ice cream. Medyo awkward.

"By the way, blythe saan mo balak mag shs?"pagbabasag niya sa katahimikan.

"Shs? "takang tanong ko.

"Oo, since 3months nalang graduation na natin"sabi niya pa.

"Ewan ko lang, baka dyan nalang ulit sa school natin para di na malayo"sabi ko.

"Di na malayo? Kanino? Sakin? "sabi niya.

"Baliw ka talaga hahaha, pero pwede din hehe"sabi ko na kinabigla niya.

"nako nako blythe, baka mamaya may feelings ka narin sakin di mo lang sinasabi ah? "curious na tanong niya.

"Mm, pano kung sabihin kong oo? "tanong ko pabalik na mas kinabigla niya.

"Uy, seryoso ka dyan? "muling tanong niya.

Tinignan ko naman siya ng diretso sa mga mata niya.

"Oo"sagot ko.

Natawa nalang ako sa reaction niya, nanlaki ang mata habang gulat na gulat.

"ibig sabihin ba niyan--"bago niya maituloy ang sasabihin niya inunahan ko na siya.

"Hindi pa, wag speed hehe, keep muna natin kung anong meron satin ngayon"nakangiting sabi ko sa kanya at napangiti rin siya.

Masaya ako ngayon dahil di ko akalain na ganto ako kadali magkakapag confess ng feeling ko sa kanya.

"Thank yku blythe ah? "sabi niya.

"for? "

"Dahil binuksan mo yung puso mo para sakin"nakangiting sabi niya.

"Anong binuksan? Edi namatay ako"sabi ko kaya pinitik niya ako sa noo.

"haha joke lang, syempre naman"sabi ko ulit at nag nagngitian kami sa isa't isa.

I have no words, I'm really happy.





A/N: SORRY FOR SUPER DUPER SLOW UPDATE HUHU MAY PINAGKAKAABALAHAN LANG. ENJIY READING THIS CHAPTER. I WILL TRY TO UPDATE AGAIN TOMORROW. THANKS FOR READING.

My Boyfriend Is a Campus Crush(Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon