"Ano ba!?" Singhal ko dun sa lalaki na nakahawak sa braso ko, andito kasi ako sa likod ng isang building? Malay ko bang may mga tambay pala dito
"Bakla wag ka nang umangal masasarapan ka din naman eh" parang nag aakit na sabi sakin nung lalaki, at inirapan ko lang siya
"Sisigaw ako pag di mo ko binitiwan" banta ko sa kanila at tumawa lang sila sakin di nila alam na nakakabulabog ang sigaw ko
"Kahit sumigaw ka walang sasaklolo sayo lahat sila alam na ang mangyayare sa kanila pag nakielam sila kahit sino pa makarinig sayo walang mag babalak tumulong sayo" sabi ng isang mukhang leader nila at tumawa lang sila kaya huminga akong malalim at nag ipon ng lakas para sumigaw
"1... 2... 3... AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!" sobrang lakas na sigaw ko at nakita kong napatakip sila ng tenga at naramdaman ko na nanghina yung hawak sakin nung isa kaya sinubukan kong tumakas pero sinikmuraan ako nung nakaharang sa daan ko
"Putang ina mong bakla ka napaka ingay mo!" Singhal sakin nung leader at sinikmuraan uli ako this time ay nanghina na ako ng tuluyan pero huminga pa rin ako ng malalim at naghandang sumigaw
"1... 2... AHHHHHHH TULONG AHHHHHHHH!!!" tili ko na napakatinis at for sure lahat ng makakarinig niyan ay maiirita, halata namang madami na ang nakakarinig sa akin pero katulad nga ng sinabi nila walang nag try na tumulong sakin hanggang sa may narinig akong yapak ng paa papunta dito sa pwesto namin...
"Boss may paparating" sabi nung isa kaya nagsi lapitan sila dun malapit sa pader at sinilip ang papunta dito
"Sugurin niyo" sabi nung leader at nabitawan ako ng isa, pero wala na akong lakas para makatayo dahil sa dalawang suntok na natanggap ko kanina at biglang hinila ako sa buhok nung leader at dinikit sa pader
"Tangina mong bakla ka!" Sigaw niya sakin at sinuntok ako sa tiyan habang hawak niya ako sa buhok at nakadikit sa pader...
Parehas kaming napatingin nung leader sa gilid ng may nakita kaming tumalsik na kasamahan niya at nakita ko na unti unti yung taong papunta dito at ng mamukhaan ko siya ay nagulat ako
"Alam mo bang akin yang baklang yan? Ako lang pwede manakit dyan gago!" Sigaw ni prince at sinugod yung leader at nabitawan naman ako nung leader kaya bumagsak ako sa sahig at pinanood lang si prince na bugbugin yung leader
Medyo naawa naman ako dun sa binubugbog ni prince dahil parang mapapatay niya na iyon kaya tinry kong tumayo at lumakad papunta sa kaniya hanggang sa mahawakan ko ang balikat ni prince at napatingin siya sakin na sobrang galit at umiling na lang ako sa kaniya at naramdaman na nang hina ang katawan ko kaya pinabayaan ko na lang ang sarili ko na bumagsak...
Pero nagulat ako ng saluhin ako ni prince at buhatin, habang buhat niya ako ay nakatingin lang ako sa kaniya at napangiti...
"Wag kang ngumiti" seryosong sabi niya na mas lalo pang nagpatingin sakin
"Ano ba kasing pumasok sa isip mo at napunta ka dun?" Seryosong tanong niya sakin
"Di ko din alam eh, nag lalakad lakad lang naman ako kanina malay ko bang may base base din pala dito ang mga gago" sabi ko lang siya sakin at nagulat ako ng ipasok niya ako sa kotse niya
"Oh saan tayo pupunta?" Takang tanong ko sa kaniya at pumunta na siya sa driver's side
"Hospital, para mapa xray kita" seryosong sabi niya pero bago pa niya mastart ang sasakyan ay hinawakan ko ang kamay niya para pigilan siya
"Huwag, oa mo naman okay lang ako" sabi ko sa kaniya kahit hindi talaga ako okay, makukuha naman siguro toh sa pahinga bakit hospital pa
"Di ka okay, matulog ka na lang diyan at gisingin kita pag nasa hospital na tayo" sabi niya at napa hinga na lang ako ng malalim at pinabayan siya...
"Wala namang internal fractures sa kaniya, sobrang laki lang ng pasa niya sa sikmura at sa likod, may mga sugat din siya, pati sa ulo ay may sugat din siya, and medyo mahihirapan siyang maglakad dahil mukhang napalakas ang bagsak niya, it'll take atleast 3 weeks hanggang sa mag fully recover siya, no worries wala naman life threatening na fracture sa kaniya" sabi ng doctor samin at napatango tango lang ako pero etong si prince ay parang hindi naniniwala sa doctor at iniwan na kami ng doctor
"Oh okay lang daw ako tara na" sabi ko sa kaniya at tatayo sana ako kaso sumakit yung paa ko at nahawakan na naman agad ako ni prince
"Tsk! Walang fracture pero tingnan mo itsura mo" bulong niya lang at bigla na naman niya akong binuhat pero ngayon ay nasa likod niya ako
"Uy kaya ko namam maglakad" sabi ko sa kaniya pero di niya ako pinansin
"Kaya, pero tatayo lang kanina natutumba pa" asar na sabi niya kaya di ko na lang siya pinansin
"Asan pala si sebastian?" Tanong ko sa kaniya at para namang gusto niya akong ilagalag ng itanong ko yun
"Ako tong tumutulong sayo tapos iba hinahanap mo" sabi niya at natawa naman ako ng bahagya sa tono ng pagkakasabi niya
"Wag ka nang mag selos, sayo lang ako ikaw lang pwede manakit sakin punyeta ka" natatawang sabi ko sa kaniya ng maalala ko yung sinabi niya kanina, sweet na sana eh kaso gago toh eh
"Saan mo gusto kumain?" Tanong niya bigla sakin kaya napaisip naman ako
"Sa bahay na lang tayo, order na lang. Ganito itsura ko tapos kakain tayo sa labas? wag na" sabi ko na lang sa kaniya at tumango lang siya
BINABASA MO ANG
He hates me and I hate him too
Teen Fictionhe's straight, I'm gay he hates gay, I hate him he's a bully to me, I'm bullied only by him but for some known reason we want to kill each other... I don't know how, but I feel something about him and its not a good thing