chapter 24

2.4K 120 0
                                    

"... so ayun nga para wala lang naman sa kaniya ang existence ko... di ko lang mapigilan sarili ko na mainis sa usapan nila sa likod ko kanina, aba dun ba naman maglandian takte!" medyo inis na sabi ko kay mark at andito pa rin kami sa clinic 

"sira ulo ka kasi eh, tapos di ka pa pumasok ng dahil dun" pag sesermon sa akin ni mark at inirapan ko na lang siya

"pumasok ako, umalis lang ako agad ng dahil sa kanilang dalawa" sagot ko sa kaniya at agad na tumayo at nag ayos ng sarili at agad kaming umalis duon sa clinic at pumunta na kami ng cafeteria

pag puntang cafeteria ay mas lalong uminit ang ulo ko dahil sa nakita ko sa isang table at walang hiya katabi pa ng table nila yung available na upuan, eto namang si mark mukhang tanga na tumakbo agad dun sa table na free at agad na umupo di niya siguro napansin yung dalawa sa kabilang table, at pinabayaan ko na lang yung dalawa at ako ay pumunta na dun at umupo...

"umorder ka na" inis na sabi ko kay mark at tumayo na siya at nag punta sa bilihan at ako naman ay mukhan tanga na naka tunganga sa hangin, nakikita ko naman sa peripheral vision kong naka tingin sa akin si prince pero di ko na lang nilingon dahil baka may lumipad na phone papunta sa kaniya

"eto na po mahal na prinsesa" sarcastic na sabi ni mark at hinain sa harap ko ang mga binili niya para sa akin

"di mo naman sinabi na andun pala yung dalawa" mahinang bulong sa akin ni mark at agad ko naman siyang inirapan at tinulak ng bahagya

"sino ba kasi tong mukhang tanga na nagmamadaling pumunta sa pwestong toh kanina?" sarcastic kong tanong sa kaniya at inirapan siya

"ang suplada mo" sabi niya sa akin kaya agad siyang nakatangap ng kurot sa balikat agad naman siyang lumayo ng bahagya sa akin

"may galit ka ba sa akin? may nagawa ba ako?" biglang tanong ni mark sa akin at napangiti naman ako sa kaniya pero agad ko din siyang inirapan

"ang drama mo uy" sabi ko sa kaniya at hinampas siya ng bahagya pero agad ko din siyang hinila patabi sa akin at sinandal ko yung ulo ko sa balikat niya

"labyu na" sabi ko kay mark at bigla naman niyang kinurot ang pisnge ko

"naku mamaya may maka mis interpret niyang sinabi mo" sabi niya lang at sinubo sa akin yung pizza ko 

Andito ko ngayon sa ilalim ng isang puno sa park, napag desisyunan kong wag munang pumasok sa mga next subject ko dahil for sure andun din yung dalawa... nagulat na lang ako ng may umupo sa tabi ko at si prince yun... di ko lang siya pinansin at sinalpak ang headphones ko, pero di ako nagplay ng music... para lang umalis siya... pero ang gago di naman umalis... at nakita ko na tumingin siya sa akin pero nagpanggap akong hindi siya napapansin...

"I know you can hear me, and I know wala namang nagplay diyan..." paunang sabi niya pero di ko pa rin siya nilingon, aba alam niya na palang nagpapanggap akong nakikinig ng music eh dapat alam na din niya kung bakit ko ginawa yun

"... I'm sorry" dalawang salita, kung hindi ako bad mood, baka tinanggap ko yan pero dahil bad mood na ako araw araw bye bye, agad akong tumayo at tinignan siya

"Ow my neck hurts, what are you saying again? Did you say you want to fuck with my feelings? Oh sorry I can't bye" sabi ko sa kaniya at agad na naglakad palayo sa kaniya...




"... so ayun iniwan ko siya dun and andito ako sa harap inaaya kang gumala" sabi ko kay mark na naka face palm lang sa akin at ako naman si tanga todo ngiti mapa payag ko lang siya

"no, tinatamad ako" sagot niya sa akin at nag beautiful eyes na ako sa kaniya at nagpa cute

"di ka cute, no pa rin" sabi niya pa kaya inirapan ko na siya at tumingin sa ibang dereksyon

"nubayan eh!" pag rereklamo ko sa kaniya at bigla siyang tumayo at hinawakan ako sa kamay

"Tara na uwi na tayo" sabi niya lang kaya sumunod na lang ako sa kaniya






Andito ko ngayon sa library, nag dadrama... I mean, ewan parang ganun na rin, iniisip ko ba kung naconfuse lang ba talaga siya sa akin or something.... I mean obvious naman, nadirect lang talaga yung atensyon niya sa akin for some time, and for sure na di pa siya talagang  move on sa supposed to be first love niya..... so ano pang dinadrama drama ko?

"Hey can I sit here?" Nagulat ako ng may kumalabit sa akin at napataas agad ang kilay ko nang makilala ko siya, at tumingin muna ako sa paligid

"Are you blind or you're just stupid? Can't you see those vacant tables?" Mataray na sabi ko sa kaniya at inirapan ko siya at bigla na lang siyang umupo sa tabi ko

"Can we just talk?" Mahinahon niyang sabi at napa smirk ako at tinaasan siya ng kilay, kapal ng mukha nitong kupal na toh

"Sabihin mo na yung sasabihin mo nang maging huli na tong pagpapakita mo sa akin" sabi ko aa kaniya at inopen ang book na nasa harap ko at narinig ko siyang napa buntong hininga

"Then di ko na sasabihin yung sasabihin ko sayo, para makita pa rin kita" sabi niya na agad kong kinairap, di ko alam kung bumabanat ba toh or nang iinis eh

"Ganun ba ako kasarap para di mo matantanan?" Mataray at may pagka malandi kong sabi, ewan ko yun na lang biglang lumabas sa bibig ko eh, sanhi na rin siguro ng defense mechanism ng katawan ko

"... oo... pero makinig ka muna..." medyo binulong niya yung una pero rInig na rinig ko naman at tinignan ko lang siya senyales na ituloy niya na yung sasabihin niya

"Can we just stay close? Can we just stay together?" Sunod sunod na tanong niya sa akin at napa taas ang kilay ko, pero mukhang alam ko na kung ano pinopoint niya

"As friends right?" Tanong ko sa kaniya at dahan dahan lang siyang tumango sa akin at napa ismid naman ako

"Do you really think na safe ka sa akin? After all those things you did to me? Tingin mo ba wala akong feelings sayo? Baka magulat ka na lang ginagapang na kita" may pagkamalandi kong banggit sa kaniya at medyo parang nagulat siya

"Ako bang dahilan kung bakit parang nagbabago na ugali mo?" Taning niya sa akin na ikinatawa ko pero tumigil din agad ako at tinignan siya

"Well,  yeah, kind of, tinurn on mo defense mechanism ko, so deal with it... and if you're wondering kung kaya ko ba gawin yung mga sinasabi ko... its a 101% yes" sabi ko sa kaniya at tumayo agad ako at nag walk out, bahala na siyang magbalik ng librong kinuha ko

He hates me and I hate him tooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon